Chapter 12 [Confrontation]

157 15 94
                                    

Kent Axel's Point of View.



Hinayaan kong sumakay si Saji sa sasakyan ko dahil ihahatid ko siya katatapos lang ng last subject namin yung quiz and recitation. "Mainit ang mata ng mga tao sa'yo dahil sa incidents sa school so for your safety hatid kita hanggang sa pinto." Mahinang sabi ko ngunit ang totoo ay gusto kong malaman kung anong ginawa ni Lauren.

"Kahit hindi na."

"I insist." Mahinang sabi ko na lang at nagdrive na papunta sa condominium pad ni Saji.

While driving napapansin kong tahimik si Saji siya yung kaibigan ko na pag nakasakay ng sasakyan ay nagsisisimula na agad magdaldal but today is different.

as soon as we reach her place tahimik lang rin siyang bumaba holding her bag and one book on her hand. Bumaba rin ako dahil tulad ng sinabi ko ay may gusto akong malaman at makita.

"Kent, I'm okay. Please 'wag na." Mahinang pakiusap niya kaya bumuntong hininga ako at tumigil tapos ay tumango.

"Alright, Take care." Halos mahina lang ang pag-uusap namin upang para bang pabulong siya ngunit hindi naman ganon.

"Ingat ka pauwi,' wika niya lang.

"Salamat." Nang tumalikod na siya at naglakad ay huminga ako ng malalim at bumalik sa sasakyan ko at nagmaneho na lang papauwi.

Nang makauwi ay alam kong nandito na si Lauren dumeretso lang ako sa kwarto dahil hindi ko naman nadaanan si mom at dad baka nagpapahinga sila sa kwarto nila.

Pagkarating matapos ko mag alcohol ay nahiga ako sa kama upang umidlip. Makalipas ang kinse minutos ay basta basta na lang akong napamulat ng maalala na kailangan kong kausapin si Lauren.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at dahil empty ang floor na ito alam kong nasa ibaba sila ngunit habang pababa ako sa hagdan ay nagulat ako ng makita kong pumasok si Saji mula sa front door.

"Oh hija nandito ka pala." Napatitig ako kay Saji na sobrang sama ng tingin kay Lauren.

"Sorry for interrupting and sorry tita if I have to do this." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya tapos ay lumapit siya kay Lauren at halos mapalunok ako ng malakas niyang sampalin si Lauren na ikinagulat naming lahat.

"H-Hija." Sambit ni mom.

"What the hell!" bulyaw ni Lauren.

Hawak niya ang mga pisnging mabilis na mula. "You're a teacher yourself but you're too much! Hindi mo ba alam ang privacy!?" Galit na sigaw ni Saji.

"What happened?" Napatingin ako kay dad.

"What now?" Inis na sambit ni Lauren at akmang sasampalin niya si Saji pero mabilis na pinigilan ni Saji ang mga kamay na 'yon.

"Yung ginawa mo sa akin sa school matatanggap ko pa, pero yung ginawa mo sa condo ko? Alam mo ba kung gaano ka-importante sa akin ang mga libro ng doctor na sinunog mo! Bigay yon ng kuya ko! pinasok mo na ang pad ko nanira ka pa!" Mabilis na pumagitna si mom.

"Girls let's talk about this okay?"

"Mom bakit mo siya kinakampihan! sinampal niya ako!" malakas na sabi ni Lauren.

"Lauren wala akong kinakampihan, whatever the problem is we can always talk about it." Mahinahon ngunit maawtoridad na sabi ni mom kaya huminga ako ng malalim tapos mabilis na lumapit sa kanila ngunit para hilahin lamang si Saji papunta sa garden.

"A-Ano ba!" Halatang mainit ang ulo niya dahil nagtataas siya ng boses.

"Magagalit ka dahil sinampal ko si Lauren? Sige lang! hindi ko naman kailangan ng kakampi as long as I'm right!" Huminga ako ng malalim at hindi muna umimik.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon