Chapter 68 [Deep wounds]

157 13 14
                                        

Saji Argelia's Point of View.


Ngayon ay pinilit kong maging normal sa harap ng iba, birthday ni Gavin at hindi ko sisirain 'to. "Cheers!" Malakas na sabi ni Gavin hawak hawak ang iced tea dahilan para matawa ako.

I realized bawal pala siya uminom dahil sa condition niya.

"Woooah! Sarap ng beer, sweet." Nakangisi ako at uminom na lang habang kumakain, sobrang tahimik ni Kent Axel ngayon hanggang sa may tumawag sa kaniya at hindi nakaligtas sa mata ko kung sino 'yon.

Love huh? Funny.

"Hello love why did you call?" Panimula niya at tumayo kaya naman bumuntong hininga ako at hindi pinansin ang nag-aalala na tingin nila sa akin.

"Okay ka lang doc?" Pilit kong nginitian si Nurse Chi.

"Gusto mo earphones?" Tanong ni Gavin kaya umiling ako.

"Don't ask me questions like that, ayokong isipin niya na ang tanga tanga ko noon." Seryosong sabi ko at uminom na lang.

"Kahit friendship namin sinira ko, dapat hindi na lang ako pumasok sa relasyon na 'to kung ganito rin ang bagsak. But I liked it so much." Nakangising sabi ko at uminom ulit.

"Ayos lang yan doc, don't regret the things that made you happy. Kalma lang." Nurse Chi said that made me agree.

"Tama, let's get drunk!" Malakas na sabi ko.

"Tignan natin kung malasing ako rito sa fake beer." Ngising sabi ni Gavin kaya natawa ako hanggang sa makabalik na si Kent Axel.

"I'll leave for a while, babalik ako before 6 PM." Paalam ni Kent Axel kaya hindi ko na siya tinignan.

"Ingat attorney."

"Ingat ka attorney."

"Balik ka ha birthday ko," paalam ni Gavin.

"Sure." He stated habang ako ay tahimik na umiinom, nangunot ang noo ko ang mapansin ang tingin nila.

Tapos napansin kong hindi pa umaalis si Kent Axel. "Alis na, maiinip pa yung nag-aantay sa'yo eh." Sarkastika kong sabi.

"Mag-ingat ka, baka maaksidente ako sa daan." Umawang ang labi ko at umirap dahil sa sinabi niya, hindi ko naman hihilingin na mangyari 'yon.

"Take care attorney, kahit 'di ka na bumalik." Maarte kong sabi with irap dahilan para umawang rin ang labi niya at mapailing iling.

Umalis na siya kaya naman nagtuloy pa rin kami. "Doc you know what, I didn't expect to live one more year." Natigilan ako at napatitig kay Gavin.

"Why not?" I questioned.

"Oo nga hawak ka ng one of the best doctors, huwag kang matakot." Natatawang sabi ni Nurse Chi.

"Oo nga naman." Sangayon ni Doctor Althea.

"It's just that, hindi lang kayo naging doctor or nurses sa akin. You became my friends, like woah I didn't expect that." He was amused.

"Of course." Sagot ko.

After 4 hours the sun is about to set, habang naglalakad lakad ako sa dalampasigan to ease up ay pinanonood ko ang araw. "You still shine the brightest though, medyo ma-attitude ka lang." Natawa ako sa sariling sinabi.

Napayuko ako ng sandaling maalala na may iba na siyang tinatawag na love, dati ako lang 'yon eh. Ako dapat 'yon eh, naupo ako sa isang bato at yumuko sa sariling tuhod. Inilabas ko ang kwintas sa pagkakatago nito at hinalikan.

Nandito mismo yung singsing na binigay niya. "I love you the most, Sol." Mahinang bulong ko nanatiling nakapikit habang nakadikit sa labi ko ang kwintas ngunit ng magmulat ako ay nakita ko ang yate na papunta rito.

SANDOVAL'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon