Katatapos ng laro namin. Syempre panalo ulit. Pero hindi ko masyadong naramdaman yung saya ko. Bakit? Dahil sa mga naririnig kong chismis tungkol kay Meng. Sabi ni Drex may mga nagpadala daw sakanya ng ahas at uod. Hindi pa namin nasisigurado kung totoo. Buong umaga kasi practice kami tas hapon yung laro namin. At ngayon andito kami sa locker room.
"Bro, narinig niyo na ba yung chismis?" Tanong ni Tricky. Binatukan naman siya ni Drex.
"Chismoso! Pero totoo ba yun?"
"Oo daw." Sabi niya kay Drex at biglang humarap sakin. "Captain! Congratulations satin!"
Ngumiti lang ako sakanya at umalis para maligo. Tumingin siya kay Drex ng nagtataka pero nag-kibit balikat lang si Drex.
Dumirecho na ako sa banyo at naligo. Binilisan kong maligo para makamusta ko si Meng.
After 10 minutes natapos nadin akong naligo. Nagpalit na ako. Pero bago pa ako umalis sa locker room. Nagtext ako kay Kat kung totoo ba yung nangyari kay Meng, agad naman siyang nagreply.
From: Kat
Yep. Totoo yun. :( andun siya sa clinic ngayon. Nag-hyperventilate siya kanina. Wala pa ngang update galing kay DJ e, siya kasi nagababantay sakanya. May klase pa kasi kami ni Dianne, punta din kami dun after.
To: Kat
Okay sige. Papunta na ako dun.
Binulsa ko na yung phone ko at naglakad papuntang clinic.
Si DJ ang nagbantay sakanya. Wala na akong pakialam kung makikita ko siya dun, ang mahalaga makita ko si Meng.
So totoo nga yung nagpadala saknya ng ahas at uod? Bakit naman may magbibigay sakanya ng ganun? At bakit ahas at uod? Magpapakwento nalang ako kay Kat mamaya.
Nakarating na ako agad sa clinic. Pagkapasok ko dun nakita ko agad si Meng na nakatulog, samantalang si DJ naman naka-upo malapit sa gilid ni Meng. Bigla naman siyang napatingin sakin, nagulat siya pero agad niya namang tinago yung pagka-gulat niya. Tumango nalang siya sakin, tumango nalang din ako. Mejo awkward pero buti nalang may tumawag sakanya kaya lumabas muna siya at sinagot yung tumatawag sakanya.
Lumapit ako kay Meng. Mukhang pagod na pagod yung ichura niya. Dibale gagalingan ko sa natitirang game namin, championship na. Ipapanalo ko yun para sayo para makasama ka sa outing.
Pinagmasdan ko siya hanggang napunta yung mga mata ko sa kamay niya. Ngayon ko lang napansin na may dalawang ring pala siya sa left na kamay niya sa point finger. Yung isa silver na wavy yung design, yung isa naman silver din na parang may glitters yung design, halatang malaki unti sa finger niya. Halos parehas kami ng ring kaso nawawala na yung ganun ko, bigay pamandin sakin yun ni Papa.
Maya maya pa dumating na si DJ, nasa likod niya naman sila Kat at Dianne.
"Hi." Sabi ni Kat.
"Hi." Sagot ko.
"Kamusta laro niyo? Sorry. Hindi na kami nakapanuod kelangan kasi naming bantayan si Meng e."
"Okay lang. Panalo kami syempre, mejo nahirapan ulit, gumagaling lahat sila e. Pero okay lang. Kakayanin pa."
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
