Chapter 65

5 0 0
                                    

Yinakap ko si Papa nang sobrang higpit. Sa sobrang pagkakayakap ko sakanya natumba kami sa floor.

"Pa!!!!!!" Kumalas ako sa pagkakayakap at yinakap siyang muli. "Pa! Ikaw ba yan? Totoo ba to?"

Hindi sumagot si Papa at mas yinakap niya ako ng mahigpit.

After ilang moments ng Daddy-Daddy's girl sentiments. Naka-upo kami sa may sofa.

"Pa, mukhang biglaan yung pag-uwi mo ah. Bat hindi ka nagsabi?" Tuloy tuloy kong sabi, gusto ko na kask talaga malaman yung sagot niya. Tsaka sabi kasi ni Kuya na hindi daw makaka-uwi si Papa dahil sa work niya kaya naman nakakapagtaka na andito si Papa sa Pilipinas.

"Syempre gusto kitang surpresahin ng kuya mo." Sabi niya habang yinakap ulit ako. Oh well, namiss talaga namin ang isa't isa. Ikaw ba namang halos 2 years mong hindi nakapiling ang tatay mo. "Asan, pala ang kuya mo?" Patuloy na tanong ni Papa.

"May gagawin pa daw po siya sa school. Susunod nalang daw po siya. Si DJ naman may band practice." Sabi ko habang palipat lipat ang tingin ko kila Mama at Papa. Tumango nalang silang dalawa.

"Oh, kamusta ka naman dito anak?" Pagtatanong ni Papa.

"Okay lang naman ako dito Pa." Sabi ko ng nakangiti.

Nagtinginan sila Mama at Papa na parang nag-uusap sa tingin.

Eh kasi naman parang hindi convincing yung pagsagot ko sa tanong ng tatay ko. Hindi naman kasi talaga ako okay. Pagod na ako sa lahat.

"Anak." Sabi ni Papa at huminga siya ng malalim.

"Natanggal na ako sa trabaho" Panimula ni Papa. "Nalulugi na kasi yung kumpanyang pinagtatrabahuan ko ngayon. At nagtanggal sila ng mga employees at isa ako sa mga natanggal nila." Pagkasabi ni Papa nun, huminga siya ng malalim.

"Wala nang trabaho ang Mama mo, wala nadin akong trabaho." Pagpapatuloy ni Papa. "May ipon naman kami ng Mama mo, pero kelangan ko pading maghanap ng trabaho."

At ngumiti ako pagkasabi  nun ni Papa.

"Pa! Ma! Ano ba kayo! Wala dapat malungkot satin. Ang importante buo tayo, masaya tayo at wala silang pake-alam." Sabi ko habang yinakap ko silang dalawa. Ngumiti naman sila at tumawa sa sinabi ko.

"Ako na maghahanda ng dinner natin ngayon, just seat back and relax!" Sabi ko ng masaya.

Well, kaninang umaga mejo hindi ako okay at wala ako sa mood pero ngayon kabalikaran na. Sobrang saya ko na kasi dahil buo kaming pamilya. Wala akong pake-alam kung walang trabaho sila mama at papa ang importante buo kami. Alam ko naman makakahanap sila Papa ng trabaho eh. Siguro gagawa din ako ng paraan para makatulong ako sakanila.

Dumirecho na akong kusina at naghanda ng pagkain. Marami namang stock ng food si DJ kaya maraming pagpipilian. Kaya ang napili kong kainin namin sa dinner ay sinigang! Sakto mejo maulan ngayong panahon na to kaya sakto ang sabaw para painitin ang mga tiyan naming gutom na gutom.

Pagkatapos kong magluto, sakto namang dumating na sila Kuya at DJ.

Syempre nagulat din silang dalawa lalo na si Kuya. Halos parehas nga kami ng reaksyon nung nakita namin si Papa eh.

Nagsimula na kaming kumain kasama si DJ. Winelcome niya si papa sa bahay at winelcome naman ni papa si DJ sa pamilya namin. Tinuring na niyang anak si DJ. So nadagdagan na kami ng kapatid. Tuwang tuwa naman si DJ nung narinig niya kasi matagal na niyang gusto na magkaroon ng kapatid. Buong buhay niya kasi sobrang boring kasi mag-isa niya lang. Tapos magkalayo pa sila ng nanay niya.

Nakwento na ni Papa na nawalan siya ng trabaho. Nakwento niya din kung gaano kahirap ang buhay sa Amerika, kung gano sila kahigpit doon. Habang nagkukwento si Papa, kinukwentuhan ko din si DJ sa past ng family namin. Yung tungkol kay Mama, sa mga Aguilar at Zander, pati nadin sa mga Santiago. Sinabi ko na sakanya lahat lahat tutal parte na siya ng pamilyang ito.

"Nakwento sakin ng Mama niyo na nasabi niya na sainyo yung tungkol sakanila ni Ana." Huminto sa pagsasalita si Papa na parang ina-ayos niya sa utak niya yung mga dapat niyang sabihin sa harap namin. "Sa tingin ko ngayon na yung tamang panahon para malaman niyo lahat ng katotohanan."

Tapos na kaming lahat na kumain. Buti nalang. Siguro kung hindi, feeling ko masasamid ako sa kung ano mang maririnig ko. Mukhang intense eh. Seryoso kasi si Papa.

"Ang dahilan ni Ana kung bakit niya tayo ginaganito, kung bakit galit na galit siya sating pamilya ay dahil sa selos niya sa nanay niyo."

Halata naman. Alam ko na yun. May mga tao parin palang ganto.

"At hindi lang yun, nung nalaman ni Ana sa mga Santiago na may galit yung isa sa mga anak ng Santiago kay Meng dun na nabuo yung samahan nila at pinagtutulungan tayo." Sabi ni Papa at bigla namang nagsalita si Kuya.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nakipag hiwalay sakin si Nichole, para sirain tayo." Galit na sabi ni Kuya. "Ganyan naman ang tao eh, pag may kapit at pag may pera kala mo na kung sinong umasta." Pagtatapos niya.

At bigla akong natauhan nung sinabi ni Kuya yung mga salitang yun.

Ngayon, alam ko na kung sino yung naninira sakin. Wala man akong pruweba na magpapatunay na siya ang nagpadala ng mg ahas at uod sakin pero napatunayan lang nila papa na si Nichole lahat ang may kagagawan neto sakin.

Siya din ang dahilan ng paglayo sakin ni Niko. Siya ang may pakana netong lahat. Ina-agaw niya sakin lahat ng meron ako dahil lang sa inggit. Yung Kuya ko na sinaktan niya, ngayon babalikan niya si Niko at pag lalaruan ulit? Tapos, nawalan kami ng bahay, nawalan ng trabaho si Mama at Papa dahil sakanila. Dahil lang inggit sila samin. Sila yung mga taong hindi marunong makuntento. Mga taong hindi iniisip ang kapakanan ng iba para lang sa pansiriling kasiyahan nila.

Galit ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang galit.

At dahil alam ko na lahat ngayon, ipaglalaban ko yung dapat na amin.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon