"Hawakan mo ang kamay ko, ng napaka-higpit."
Napalingon ako sa harap. Kumakanta si Meng. Ang lamig ng boses niya. Tumigil yung mundo ko. Nakatitig lang ako sakanya habang kumakanta siya.
Nag-duet si Carl at Meng. Ganda ng blending ng boses nila.
"Huy! Matunaw si Meng!" Sabay batok sakin ni Kat.
"Aray naman Dora!" Lumingon ako sakanya habang hinihimas ko yung ulo ko na binatukan niya. Ang lakas nun ah.
"Tara na nga! Sayaw ulit tayo." Sabi ko kay Kat. Papagurin ko siya dahil binatukan niya ako. Mwhahaha.
Tumayo na ako at inalalayan siyang tumayo at pumunta sa dance floor.
Pagdating namin dun naramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko to saglit at tinignan kung sino yung nagtext.
Si Mezzo.
From Mezzo:
Bro, hindi pa umuuwi si Mama, kelangan kong alagaan si Baby Meg. Please pakihatid muna si Meng. Ingat kayo bro. Salamat.
Pinatay ko na yung phone ko at binalik ko na sa bulsa ko.
Ang alaga ni Mezzo sa kapatid niya. Kaya kelangan ko ding sundin si Mezzo sa mga bilin niya.
Binalik ko ang atensyon ko kay Kat. Ngumiti ako sakanya.
"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan sakin."
"Bakit? ^_______^"
-_-" siya. "Wala."
"Bakit nga? ^___________^"
"Ang kulit. -_- wala nga."
"Okay. Sabi mo e. ^_______________^"
-_-"
Haha. Ano bang meron sa ngiti ko? Nakakamatay ba? Haha.
Patuloy lang sa pagkanta sila Carl at Meng. Pero pag minsan solo si Carl. Minsan naman solo si Meng.
Tuloy lang din ang kwentuhan namin ni Kat habang sumasayaw. Lagi ko narin siyang ina-asar. Ang tawag ko nadin sakanya, Dora. Hahaha. Pero ang tawag niya sakin, Boots. Mukha daw kasi akong unggoy. Sa pogi kong to? Magiging unggoy ako? Oh come on! Haha.
Tinigil namin saglit ang pagsasayaw para kumain. Nakakgutom.
Saglit lang kaming nagkakilala ni Kat pero ang bilis naming naging close. Masaya siyang kakulitan. Napakabunganga niya. Minsan nga gusto ko nalang lagyan ng ear plugs tong tenga ko eh. Siguro nagmana siya sa Mama niya. :D parang M16 ang boses. xD
Pagkatapos naming kumain bumalik ulit kami sa dance floor. Kelangan kong isayaw si Kat ng buong oras para sa usapan namin ni Meng at para mapatawad niya nadin ako.
Pero naisip ko din, sa dinami daming pwedeng ipagawa sakin bakit ito pa?
Halos isang oras na kaming sumasayaw ni Kat. Haha. Parusa yan dahil binatukan niya ako kanina.
"Tara na. Ayoko na. Pagod na ako. Ang sakit na ng mga paa ko."
"Ha? Hindi pa kaya tapos tong dance for all. Tapusin na natin. Saglit nalang to."
"Ayoko na. Ang sakit na talaga ng paa ko."
Naglakad na siya paalis pero bigla siyang natisod. Agad naman akong tumakbo at inalalayan siya. Buti nasalo ko siya bago pa siya tulutyang mahiga sa floor.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
