EPILOGUE

16 0 0
                                    


"So ano na yung last na tanong mo sa question game natin?" 

"Ang kulit naman ng Love ko. Sa tamang panahon. Chill ka lang malapit na."

Sa 8 years naming pagsasama ni Niko lagi kong pinapaalala sakanya na meron pa siyang nag-iisang tanong para sakin. At sobrang nacucurious na ako kung ano yung gusto niyang tanongin sakin. Buti nga hindi siya naririndi sakin. Pero mukhang ngayong araw rinding rindi na siya kasi pang-lima ko nang tanong yun sakanya.

wala kasi akong magawa. Off ko ngayon sa work ko. Kaya kukulitin ko nalang si Niko.

Working na ako, sa isang kumpanya dito sa Baguio as Branch Manager. Si Niko naman natupad niya yung pangarap niya na maging isang sikat na basketbolista. 

Sakto ngayon wala siyang practice or anything na laro. Kaya may time kaming mag-usap.

Magkausap lang kami sa telepono pero magkikita kami mamaya. Date daw kami kasi miss niya daw ako. Mejo parang iba nga yung boses niya sa telepono eh, parang may sakit.

"Seryoso ka bang wala kang sakit?" Pagtatanong ko ulit.

"Wala nga. So mamaya ah? Date tayo. Magsuot ka ng dress, kahit wag ka na magmake-up kasi maganda ka naman na."

"Asus! Oo na oo na. Susunduin mo ba ako oh ano?"

"Dun tayo sa La Casa Blanca. 8pm yung reservation ko dun. At sorry hindi kita masusundo pero tinawagan ko si Dj para siya ang magsundo sayo." 

Tumingin ako sa orasan 6pm na.

"Ah okay sige sige. Maghahanda na ako. Bye! See you later!" 

"Bye Love. I Love you!"

"Love you too!."

At nagsimula na akong maligo.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako ng simple na dress. 

Tinanggal ko na yung twalya sa ulo ko para magblower. Pagkatanggal ko may narinig akong katok sa labas ng bahay. Kaya agad kong tinignan kung sino.

Si Dj.

"Ui! Ang aga mo naman!" At yinakap ko siya.

"Pinagalitan ako ni Niko na wag daw akong ma-late eh kundi lagot ako." Sabi niya.

"Asus! baliw talaga yun. Wag kang maniwala dun. Halika pasok, upo ka muna jan kasi hindi pa ako tapos mag-ayos."

At tumakbo ulit ako sa kwarto ko para ayusin yung buhok ko.

Pare-parehas kami nang pinasukang kumapanya nila Dianne, Kat at Dj. Ayaw naming maghiwahiwalay eh.

Ang weird kasi hindi naman off ni Dj ngayon pero andito siya sa bahay.

Baka nag-leave. Si Dj naman strong padin yung banda nila. Mejo sumisikat na nga eh. Kaya hindi ko alam kung aalis na sa trabaho si Dj para i-pursue yung career niya sa music.

Si Kat naman hindi na siya member nung banda nila pero nag-sspecial guest siya paminsan minsan doon.

And speaking of Kat and Dj. After graduation namin nung college naging sila nadin. Hay! sa wakas! Nakaramdam din si Dj. Manhid manhid nung lalaking yun.

Sobrang saya naman nung dalawang yun at hanggang ngayon sila padin.

Si Dianne naman marami pading crush at maraming manliligaw pero ni isa sa mga manliligaw niya wala siyang sinagot. Ewan ko ba jan, haba ng hair eh. Baka ayaw pa sa commitment. Well, may mga ganyan talagang tao. Masaya naman siya ngayong wala siyang boyfriend kaya masaya nadin kami para sakanya.

Tumayo na ako sa upuan ko at tinignan yung sarili ko sa salamin.

Naka-dress ako ng plain red. Naglipstick ng konti. At kinulot ng konti yung buhok ko. 

Kinuha ko na yung coat ko at purse at pumunta na ako kung san naka-upo si Dj sa sala. 

7pm na. Sakto yung labas namin baka traffic din kasi.

"Whoa! Ganda naman ng Bash ko. Hindi ka na Bashang!" Sabi ni Dj habang ginulo niya yung buhok.

Tinignan ko siya ng masama. Yung masamang masama na para siyang mamamatay na kung san siya nakatayo.

Inayos ko yung buhok ko ng matagal tapos guguluhin niya lang.

"Sorry na, masaya lang ako para sayo. Tara na." sabi niya at naglakad na palabas ng bahay.

Mejo nakakapgtaka yung sinabi niya, ano yun masaya siya para sakin kasi magdedate kami ni Niko eh ilang taon na naming ginagawa eto no.

Pumunta nadin ako sa labas ng bahay. 

Sumakay sa sasakyan ni Dj at nagsimula nadin siyang magmaneho.

Mejo naabutan kami ng traffic kaya natulog muna ako. 

Naging mas antukin ako simula nung nagkatrabaho na ako. Walang pakialamanan gusto kong matulog.

Pero paggising ko wala na akong makita.

Naka-piring na pala ako.

"Andito na tayo at wag na wag mong tatanggalin yan. Utos yan sakin ni Niko at please sumunod ka nalang. Wag nang umangal pa." 

Aangal na sana ako pero tinikom ko nalang yung bibig ko.

Inalalayan ako pagbaba ng sasakyan ni Dj hanggang sa naglakad kami kung saan saang lupalop ng mundo.

"Ready ka na bang tanggalin yung piring mo?" Tanong sakin ni Dj.

"Oo please!" Sabi ko ng naiirita. Bat ano ba kasing meron? 

"Game, 1, 2, 3 go"

At tinanggal ko. . . . . 


Sobra akong na-amaze sa nakikita ko.

May malalaking letter  na nakalagay "Will you marry me Mezziya?"

At bigla akong naluha.

"Ito na yun, yung kaisa-isang tanong na gusto kong ireserve para sa tamang panahon at eto na yun ngayon. Wag nang makulit ah?" Biglang sumulpot si Niko sa harap ko.

Naiiyak na ako sa tuwa at hindi ako makapagsalita.

"So, Mezziya Angelie Zander, my girlfriend for 8 years, will you marry me and be my wife forever?" Sabi ni Niko at lumuhod siya sa harap ko hawak ang diamond ring sa mga palad niya.

Parang nawalan ako ng boses.

Tuloy tuloy yung luha ko. Sobrang saya ko.

Tumango ako sabay sabing. . . 


"Yes"



ANG PAGTATAPOS

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon