6:30 na, at napupuno nadin ng tao yung venue.
Andito nadin kami sa pwesto namin para tumugtog habang papadating pa ang ibang bisita.
Provided lahat ni Kat ang mga damit namin. Astig nga eh, kinulayan pa buhok namin.
Kinuha ko na yung gitara ko at nag start na kaming tumugtog pero instrumental lang muna.
"DJ!"
Lumingon ako at hinanap kung sino yung nagtatawag sakin.
"DJ." Si Meng. Halos hindi ko na siya mamukhaan. Ang ganda niya.
Papalapit na siya."Oi! Wag mong kakalimutan yung usapan natin kanina ha? Kinausap ko nadin si Carl, basta aakyat ako dito mamaya at papalit nako sayo."
"Ha? Aah. Oo. Sige sige."
Wala na akong ibang nasabi. Ang ganda niya talaga.
Pinagpatuloy padin namin ang pagtugtog namin. Dumadami nadin ang tao. Dumating na yung mga relatives ni Kat, pati yung mga school mates namin.
After 10 minutes nag start nadin yung debut. Ang daming tao. Aabot siguro sa 100.
Pumunta sa stage yung parents ni Kat.
"Good evening everyone. Thank you for joining us in our daughter's debut. Thank you for our relatives who flew here all the way from Canada. Also for Kathlyn's school mates and friends. And especially the band. Thank you so much and enjoy."
Pinasa naman nung Nanay ni Kat yung mic sa MC.
"Ayan! Ang dami nating oras kaya let's enjoy. Pero bago yan, ibigay muna natin lahat ng attention natin dito sa harap."
Biglang may plinay na video sa harap. Video ni Kat nung bata pa siya. Mga pictures niya nung baby siya. Naglalaro, kumakain, tumatawa mag isa. Haha. Nagtawanan lang ang lahat. Sunod naman ang mga pictures niya nung elementary siya. Ang itim niya! Hahahahaha! Dora pa yung buhok niya. Hahahahahahaha. xD bungi pa siya at sungki sungki yung ngipin niya. Hahahaha!
Sunod naman yung highschool days niya. Pictures niya kasama ang mga friends niya. Mejo pumuputi siya dito. Mahaba nadin yung buhok niya. Nagpa-braces din siya.
Sunod yung mga pictures niya recently, ang laki ng pinagbago niya from Dora to Dyosa. Ngayon mas maputi na siya, nagpakulay din ng buhok pero sa ilalim lang. Wala na yung braces niya at maayos nadin yung ngipin niya. Akalain mo yun? May igaganda pa pala yun. Hahahahahaha! Maasar nga yun mamaya. xD hahahahaahha! Ichura niya! :D
Natapos din yung video. Nagbilang na si Edward at nag start na kaming magplay.
Tinugtog namin yung kantang "Isn't she lovely?" Habang si Kat naman ume-entrada mula sa likod papuntang stage.
Habang naglalakad siya papunta sa harap ang daming bumabati sakanya. Haha. Parang kasal lang. :D
Nang makarating na siya sa harap, umupo na siya sa upuan niya at pinatapos yung kanta.
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you." Kanta nung MC at sumunod naman yung mga tao.
"Happy birthday happy birthday. Happy birthday to you!"
Nagpalakpakan ang mga tao. Bigla namang dumating yung escort niya na may dalang birthday cake.
"Wish!" Sigaw nung mga tao.
Ipnikit naman saglit ni Kat yung mga mata niya at nag-wish. Pagkatapos ay blinow niya na yung kandila.
Nagpalakpakan naman ang lahat.
Inumpisahan nadin ng MC yung program proper. Simula sa 18 messages mula sa mga relatives niya. Sunod naman yung 18 candles na kasali sila Meng at Dianne. Pagkatapos nun ay 18 dances na kaya naman nagsimula na ulit kaming tumugtog ng mga mellow na kanta.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomansaAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.