Chapter 25 Mezziya (Meng)

33 2 0
                                    

(Continuation of Chapter 20)

"Meng." Gulat na sabi ni Kuya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Nichole

"Kapatid ko siya." Sabi ni Kuya. Bigla namang nanlaki mga mata ni Nichole.

Nararamdaman kong nakatingin lang samin sila Kat at Dianne. Gulat na gulat sila.

Ako din gulat. Kelan pa sila ni Kuya? Hindi manlang magkwento.

Okay lang naman sakin magka-girlfriend si Kuya. Malaki ang tiwala ko sakanya. Pero nakakainis siya a. Hindi manlang magkwento.

Pero masaya din ako sa Kuya ko kasi may pag-ibig na siya. Hahahahaha! Yeeeeee! Ma-asar nga to mamaya pag-uwi.

Pero mukhang ako lang ang masaya sa kanilang dalawa. Sila Kat at Dianne hindi ko alam kung naiinis sila o nagagalit o ewan. Kakausapin ko nalang sila next time. Ngayon kelangan ko munang pagtuunan ng pansin tong dalwang to.

Halatang gulat padin si Nichole sa pagsabi ni Kuya na magkapatid kami.

Pabalik balik ang tingin niya saming dalawa.

"Yep, magakapatid kami." Sabi ko.

"Talaga?! Pero oo nga no, may pagkakapareha kayo. Amazing." Pagmamanghang sabi niya. Lumingon si Nichole kay Kuya. "Zo, hindi mo naman sakin sinabi na may kapatid ka pala."

"Oo nga Kuya, hindi mo din sinabi sakin na may girlfriend ka na pala." Pagtatampong sabi ko.

Woooo! Tampo talaga ako. >.<

"Teka lang. Teka lang. Syempre may panahon para jan. At ngayon na yun. O diba nagkakilala na kayong dalawa?"

Hinampas ni Nichole si Kuya sa kanang balikat ni Kuya.

Hinampas ko din si Kuya sa kaliwa. Para pantay.

"ARAY NAMAN!! Mga sadista!" Hinihimas ni Kuya yung magkabilang balikat niya.

Nagtawanan lang kami ni Nichole. Lumapit siya sakin at kumapit sa braso ko.

Okay siya. Masayang kasama lalo na't magkakasundo kami at pag-iisahan namin si Kuya. Hahaha.

Umupo na kami sa mga upuan namin. Tumabi naman si Kuya kay Nichole.

Pagtingin ko kila Kat at Dianne ang bablangko ng mga ichura nila. May mali. May mali talaga.

Hindi ko napansing ubos na pala nila yung mga inumin nila.

"Ui friend, una na kami ni Dianne. May bibilhin lang akong libro, nagpasama ako kay Dianne." Sabi ni Kat.

"Sige sige. See you tomo. Bye! Ingat kayong dalawa."

"Bye" sabay nilang sabi.

Nagpaalam din sila Kuya at Nichole sakanila.

Alam kong gusto na nilang umalis kanina pa. Siguro excuse lang nila yung pagbili ng libro. Kilalang kilala ko na sila. Gumawa ako ng mental note para kausapin ko yung mga yun.


AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon