Chapter 47 Andre Niko

35 1 0
                                        

Pagkatapos gamutin yung mga sugat namin agad kaming umalis at pumunta ng locker room. May mga announcement pa daw na sasabihin si Coach.

Pagkarating namin sa locker room agad akong umupo sa bench. Sobrang pagod na ako. Humalo pa yung suntukang naganap kanina. Napakayabang kasi nung lalaking yun, akala mo kung sino.

Naalala ko si Meng. Habang nagsusuntukan kasi kami kanina nung Gonzales na yun bigla siyang pumagitna at nasakto namang nasuntok ko siya ng hindi sinasadya. Napalakas pa yung suntok ko na hanggang pag labas namin kanina sa clinic hindi padin siya gumigising. Nag-aalala na tuloy ako.

"Cardinals!" Pagtatatwag ng atensyong naming lahat.

"First, congratulations to all of you." Agad naman kaming nagsigawan.

"Secondly, pinapasabi sakin ng ni Mr. Norman na pasensya sa mga inasal ng players niya sa nangyari kanina."

No comment lang kami dun. Eto din ang isang maganda sa team namin, ayaw namin ng gulo. Halos lahat kami hindi mahilig makipag-away. Pero takang taka talaga ako sa Gonzales na yun. Sa laro kanina, nahahalata kong lagi niya akong tinutulak, inaapakan yung paa ko pero hindi napapansin nung referee. Parang galit siya sakin buong laro. Pero mas nakakapagtaka talaga yung biglaang pagsuntok niya sakin pagakatpos ng laro. Hindi ko inaasahan yun, pero gumanti ako sa sobrang pagod at inis ko sakanya.

"And thirdly, tuloy na tuloy padin ang outing natin ngayon!" Nagsigawan kaming lahat, excited na excited ang lahat. Makakapagpahinga nadin kami.

Matagal ko nang sinabi kay Coach na available yung rest house nila Kat at wala nang proproblemahin sa pagkain. In announce naman ni Coach sakanila at agad silang naghiyawan. Nagsimula nadin kaming maghanda at maligo pero bago pa ako maligo naramdaman kong nagva-vibrate yung bag ko. Pagtingin ko, si Kat.

"Hello?" Sabi ko.

"Hello Niko, kasama ko na si Meng ngayon kakagising niya lang at wala siyang kaalam alam na kasama kayo."

"Sige lang, basta ako bahala mamaya. Kahit mauna na kayo. Naghahanda palang kami."

"Okay sige sige. Basta tatawag at tatawag ako ha?"

"Okay. Bye. Ingat."

"Bye!! Yeeeee! Kinikilig ako sainyong dalawa." Pagkasabi ni Kat nun pinatay na niya yung tawag. Mga babae talaga.

Naligo na kami at naghanda. Pagakatapos nun ay dumirecho na kami sa mini bus na inarkila ni Coach. 1 hour and 30 minutes din ang byahe, nung malapit na kami tinawagan ko na si Kat para sa mga direksyon kung san yung rest house nila, nalaman ko din na kanina pa sila nakarating.

7:00pm na at andito na kami sa harap ng rest house nila Kat. Napaka-laki. Parang mansion ang ichura. Napaka-luwang nung garahe nila., sa gilid my garden. Yung bahay halos gawa sa salamin. Nakakarelax talaga yung ichura. Manghang mangha din yung mga Cardinals.

Maya  maya pa ay lumabas ng bahay si Kat at tumakbo papunta sa may gate. Agad naman na pinasok at pinark yung mini bus sa gilid. Bumaba naman kami at pumasok sa loob.

Halos lahat kami hindi nakakapagsalita sa sobrang laki ng bahay nila.

"Congratulations!" Sabi ni Kat na biglang sumulpot sa tabi ko.

"Salamat. San mga magulang mo? Andito din ba sila?" Tanong ko.

"Wala. Nasa Baguio sila."

Tinawag kaming lahat ni Kat, sinabi niya lahat kung san ang kusina, music room, movie room, mini gym,video game room at ang mga kwarto na pagtutulugan. Sinabi niya din na pag may problema tawagin lang nila ang isa sa mga katulong.

"Ate pa-ampon naman ako!" Sigaw ni Deyle. At nagtawanan lahat.

Biglang dumating si Dianne at tumabi kay Kat na sobrang luwang yung ngiti.

Pinakilala ko naman agad silang dalawa sa team. Ipapakilala ko na sana yung team sa kanila pero wag na daw kasi kilala na nila sila. Haha. Ayos.

"Ibaba niyo nalang muna lahat ng gamit niyo dito sa may guest room. Kain muna tayo at alam na alam ko na gutom na kayo." Sabi ni Kat.

Sari staring sigaw at hiyawan ang naririnig ko sa Cardinals, mga taong to hindi na nahiya. Lumapit ako sa tumatawang Kat.

"Pasensya ka na ha? Ganyan kasi talaga sila e."

"Haha. Ano ka ba! Okay lang. Nakakatuwa nga e."

Naalala ko si Meng.

"Asan pala si Meng?" Tanong ko.

"Napalingon agad sakin si Kat.

"Nakatulog siya. Sobrang pagod."

"Kumain na ba siya?"

"Hindi pa nga e. Ginigising namin siya kanina pero sabi niya bukas nalang daw siya kakain."

Tumango nalang ako. Nakokonsensya ako sa nagawa ko sakanya. Magsosorry nalang ako bukas pag gumising na siya.

Ummupo na kami sa dining table. Ang laki nung table, kakasya lahat ng Cardinals. Bago kami magsimulang kumain nagsalita si Coach at nagpasalamat kila Kat at ulit niya kaming kinongratulate.

Kainan na! Ngayon ko lang naramdaman yung gutom ko nung nakita ko yung mga pagkaing naihanda sa lamesa. Inumpisahan naming kumain.

Katabi ko si Kat sa right at sa left naman si Drex.

"Kamusta naman si Meng?" Tanong ko. Hindi kasi ako mapakali na hindi ko siya maisip.

"Ayun, dark purple na yung left cheek niya. Pero sabi niya kanina, kelangan niya lang ng tulog kaya ayun, pinabayaan lang namin."

Tumingin lang ako sa pagkain ko. Naramdaman kong tumingin si Kat sakin.

"Ano ka ba, gagaling din si Meng."

"Sana nga."

Pinagpatyuloy lang namin ang pag-kain namin.

"Kat, san dito banda yung malapit na saksakan niyo? Low bat na kasi ako e." Sabi ni Calvin.

"Ito o, saksakan." Sabi ni Tricky sabay turo kay Drex. "Saksakan ng pangit." Tawanan ang lahat.

"Dito o." Turo ni Kat na natatawa padin.

Biglang linabas ni Kat yung phone niya at linagay niya sa tenga niya. Humarap siya samin at linagay niya yung hintuturo niya sa labi niya na nagsasabing tumahimik kami.

"Hello Ma." Sabi ni Kat.

"Hello Ma!" Sigaw ni Deyle. "Kapatid, paka-usap naman ako kay Mama." Sabi niya kay Kat. Sabay tawa ang lahat.

"Wala po Ma. May gusto lang magpa-ampon. . . . Haha. Sige po sabihin ko sakanya. . . . Okay naman po kami dito Ma. Wag po kayong mag-alala. . . . . Sige po Ma. Bye po."

"Bye Ma!" Sigaw ni Deyle.

"Bye din daw Anak, sabi ni Mama." Sabi ni Kat kay Deyle habang binaba yung phone.

Kumain lang kami ng kumain hanggang sa nabusog kaming lahat.

Nagsimula nang tumayo ang lahat at pumunta sa kanya kanya nilang room. Pero ako parang wala pa sa mood matulog.

Hindi ko napansing kaming dalawa nalang ni Kat ang naiwan dito sa dining table.

"Mga mang-iiwan talaga yung mga yun." Sabi ko at tumawa naman si Kat.

"Pati nga si Dianne iniwan ako e." Sabi ni Kat.

After ilang minutes ng katahimikan nagsalita ulit si Kat.

"Kamusta na yung panga mo?"

"Eto, nadoble. Pero kakayanin padin."

"Pahinga ka nadin."

"Mabuti pa nga."

Tumayo na kami at nagpunta sa kanya kanya naming kwarto.

Nagpalit ako ng shorts at sando. Humiga ako sa higaan. Ngayon ko na nararamdaman yung pagod ko. Maya maya  ay nakatulog na ako.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon