Meng's POV
"Ma! Ang init ni Meng!"
Bigla akong nagising sa sigaw ni Kuya.
"Meng, wag ka nang pumasok ako na bahala sayo." Pag-aalalang sabi ni Kuya nung napansin niya akong nagising.
Hindi ko sinagot si Kuya.
Maya maya ay biglang dumating si Mama.
"O ito Mezzo tulungan mo ako. Kuhanan mo siya ng temperature niya." Narinig kong sabi ni Mama.
Pinikit ko ulit yung mga mata ko. Nanghihina yung katawan ko. Hindi nga pala ako kumain ng hapunan tapos hindi ko pa naubos yung pagkain ko nung lunch.
And speaking of lunch, kamusta na kaya si DJ? Gusto kong pumasok at kausapin siya pero hindi kaya ng katawan ko.
Naramdaman kong tinaas ni Kuya yung kilikili ko at linagay yung thermometer. Si Mama naman linagyan ng maliit na twalya yung nuo ko.
~
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Umupo ako sa higaan ko at sinandal ko yung likod ko sa may head board ng higaan ko. Mejo mas okay yung pakiramdam ko ngayon kesa kanina. Halos hindi ko na magalaw yung katawan ko kanina sa sobrang taas ng lagnat ko at pagkagutom ko. And speaking of gutom kelangan ko nang kumain.
Kinuha ko yung phone ko sa may side table ko at tinignan yung orasan.
8:30pm na! Grabe! Anong oras ba ako nagising kaninang umaga?
Madami din akong natanggap na text at tawag. Maya ko nalang tignan yang mga yan.
Tumayo na ako at dumirecho ng banyo. Gusto kong maligo ng maligamgam na tubig.
After kong maligo naramdaman kong mejo bumaba na yung temperatura ng katawan ko.
Bumaba na ako at dumirecho ng kusina. Naabutan kong may mga pagkain na nakahanda sa mesa. Hindi na ako tumayo pa sa kinatatayuan ko. Agad akong umupo at kumain. Para akong hindi naka-kain ng isang taon. Tuloy tuloy yung pagsubo ko. Tapos sobrang puno pa nung kutsara ko.
"Hinay hinay lang."
Nagulat ako at nabulunan. Ubo ako ng ubo. Pinapalo ko din yung dibdib ko. Ano ba yan, wala pa pala akong nahandang tubig.
"Ito tubig. Hindi ko sinasadjang gulatin ka." Sabi ng isang napaka-pamilyar na boses. Si DJ.
Kinuha ko yung tubig mula sa kamay niya ng hindi ko siya tinitignan at uminom.
Nung okay na ako, linapag ko na yung baso at humarap sakanya.
"Bakit ka andito?" Tanong ko sakanya.
"Pinabantay ka sakin ng Kuya mo kasi may importante daw siyang pupuntahan. Si Tita Claire naman sa work niya. Si Baby Meg, pinatulog ko na." Tumabi siya sa tabi ko. "Kamusta na pakiramdam mo Meng?"
"O-okay naman na ako." Utal kong sabi, feeling ko kasi parang barado padin yung lalamunan ko.
"Iniwan ko yung notes ko sa may living room niyo. Kunin mo nalang dun para makopya mo at hindi ka mapag-iwanan. Pati yung notes ni Kat sa mga subjects niya na magkaklase kayo hiniram ko sakanya para sayo. Tapos kung gusto mo din ituro ko sayo yung mga napag-aralan namin kanina."
"DJ, hindi mo naman na kelangang gawin to sakin e. Kung gusto mong magpakalayo layo sakin, okay lang."
"Haha. Meng." At pinatong ni DJ yung kamay niya sa kamay ko. "Naintindihan kita. Kung san ka masaya, masaya nadin ako." Sabi niya ng nakangiti.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.