Pumasok si Kat at Niko sa second class namin. At gulat na gulat ako sa mukha ni Niko. Purplish yung panga niya.
Umupo na si Kat sa tabi ko. Si Niko naman sa upuan niya. Pinagtitinginan siya at pinag-uusapan ng mga tao.
Ano kayang nangyari sakanya?
Tumingin ako kay Kat na nagsasabing 'anong nangyari' pero binigyan niya naman ako ng 'mamaya nalang' look.
Sakto namang pumasok na yung instructor. Nag-discuss lang naman. Pero wala nanaman akong naintindihan. Third year na ako. Pano na yan? Sa dinami dami ba naman kasi ng nangyari sakin, lahat ng yun bigla bigla nalang pumupunta sa utak ko, kaya ayan tuloy yung atensyon ko wala na sa harap.
The past few days napakamalas ko. Una, makakatanggap ako ng sulat, tapos makakatanggap ako ng ahas at uod. Tapos nag-hyperventilate pa ako. Dumagdag pa si DJ at Niko.
Sabi ko as much as possible lalayo muna ako sa kanilang dalawa e pero kabaliktaran yung nangyayari.
Pag napapanganib ako maslalo akong linalapitan ni DJ at ganun din si Niko.
Hay! Nakakapagod na.
Thankful nalang ako sa dalawang kaibigan ko na sila Kat at Dianne na kahit anong mangyari sakin anjan padin sila sa tabi ko.
Pero isang tao pa ang gusto kong nasa tabi ko pag may problema ako at yun ay si Kuya. Lagi na siyang late umuuwi. Late pumunta ng school. Lagi silang may lakad ni Nichole. Nasa iisang bubong kami pero parang feeling ko ang layo layo ni Kuya.
Kamusta nadin kaya sila ni Nichole? Matagal ko nadin silang hindi nakakamusta. Gaya nga ng sabi ko lagi silang may pinupuntahan. Kaya sa pagpunta sa school, minsan sumasabay ako kay DJ ganun din sa pag-uwi, minsan naman magtataxi nalang ako.
Automatic na lumingon yung ulo ko sa direksyon ni Niko. Parang may sariling utak.
Pagkalingon ko sakanya, naka-yuko lang siya at nakahawak yung isang kamay niya sa panga niya.
Mga 3 minutes atang naka-titig ako sakanya. Naramdaman kong sinisiko ako ni Kat pero pinabayaan ko lang.
"Ms. Zander!" Sigaw ni Mam kaya napalingon ako kay Mam.
Buong atensyon ng klase napunta na sakin.
"I'm asking you, what do you mean when we say that the Banko Sentral ng Pilipinas is the Bank of last resort?"
Tumayo ako. Ano ba naman kasi yan Meng! Kung maka-titig naman kasi parang wala ng bukas. Haysh!
"Uh. . . . ." nag-isip ako. "BSP, covers all banks that are located here in the Philippines. For example, if a particular bank is going through bankruptcy then they can't find any bank or lending institution that can help them then BSP is the only option. They will provide enough money to accommodate their needs and soon raise money."
Umupo na ako at pinagpatuloy na ni Mam yung discussion.
Buti nalang at nag-advance reading ako. At least yun yung naintindihan ko sa nabasa ko. Phew!
"Sige. Titig pa." Bulong sakin ni Kat. Ngumiti naman kaming dalawa.
Hindi lang kasi matanggal sa isip ko yung mukha ni Niko. Pano nalang mamaya? May laro pa sila. For sure hindi siya papalaruin ng coach nila.
Kakaisip ko kay Niko, mejo nawala sa utak ko yung mga hinaharap ko na problema.
Haaaaay! Ang gagawin ko muna siguro ngayon ay wag magpaapekto. Bakit naman kasi ako magpapaapekto e hindi naman totoo yung nasa sulat. Oo tama, yun yung gagawin ko. Kung bakit naman kasi ako nagpaapekto kahapon. Pero kasi first time ko yun, sa totoo lang ayoko ng mga gulo, kaya hindi ako sanay sa mga ganun, kaya siguro umiyak ako kahapon at nag-hyperventilate.
Buong umaga puro lecture lang. Pero si Niko hindi na pumasok nung dalawang subjects, siguro dahil sa may laro sila mamaya. Maglalaro pa kaya siya? Sana magpahinga nalang muna siya. Pero teka nga, bakit ko ba siya inaalala? Alalahanin niya mukha niya. Haha. Joke lang. Magkahawig na magkahawig kasi talaga sila ni Ken, pero mas angat padin si Niko. Yanga pag-kasama ko si Niko naiisip ko si Ken, pero Mali yun. May part din sakin na gusto ko pang makasama si Niko, may part din sakin na nag-aalala sakanya.
Aysh!
Pero pogi naman kasi talaga siya. Aaminin ko na. Lalo na pag naglalaro siya ng basketball. Lalo na pag naka-jersey attire siya. Lalo na pag pawisin siyang tignan o kaya pag katatapos niyang maligo. Ish! Bat ko ba iniisip ang mga gantong bagay. Focus Meng! Focus!
Isang klase nalang at lunch na. Pagkatapos nun game na. UB vs Brent Colleges. Sabi sakin nila Kat at Dianne malalakas din daw sila. Daw! Pero nagtitiwala ako sa players ng UB, lalo na kay Niko. Hahaha. xD Landi! Pero pano ako magtitiwala ngayon kung hindi siya okay?
Nagdiscuss lang si Mam at nagpa-quiz after. Buti nalang nakikinig na ako, kung hindi, zero na talaga ang nakuha ko.
"Class, read in advance. If there are no questions you may now go. See you next meeting."
Pagkasabi nun ni Mam tumayo na ako agad. E pano naman kasi kanina pa kami naka-upo, tas mamaya pag manunuod ng game uupo nanaman.
"Tara lunch!" Sabi ni Kat.
"Sama ako!" Sigaw ni DJ.
"Sure." Sagot ni Dianne.
Nag-ayos muna kami saglit ng mga gamit namin at naglakad papuntang food court. Nag-order nadin kami agad at kumain.
Ngayon ko lang napansin na hindi pala namin kasama si Nichole. Bat kaya siya absent? May kinalaman kaya to kay Kuya? Mmmmmm.
"Friend, naalala ko lang ano palang nangyari kanina? Bigla bigla ka nalang umalis ng classroom at bumalik na kasama si Niko na may pasa sa mukha?" Tanong ni Dianne.
Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan.
Lahat kami napunta ang atensyon kay Kat at hinihintay siyang sumagot.
"Tumawag kasi sakin yung kapatid ni Niko." Uminon si Kat ng tubig.
Kapatid? Si Andrea?
"Sabi niya andun daw sila ni Niko sa hospital." Nagulat ako nung nabanggit ni Kat yung hospital. "Sabi niya may kaguluhan daw dun na nangyayari. Kaya ayun! Pumunta ako dun. Tas nung nakarating na ako dun ginagamot na yung mukha ni Niko." Sumubo siya.
"Sino naman gumawa nun?" Tanong ni Dianne.
Nagkibit-balikat lang si Kat at linunok yung nginunguya niya.
"Tinanong ko din sakanya yun pero hindi niya ako sinagot kasi nga yung panga niya."
Oo nga naman. Pero hindi ba sinabi nung kapatid niya yung nangyari?
"E yung kapatid niya? Hindi ba sinabi?" Tanong ni DJ na parang nabasa niya yung utak ko.
"Hindi din e. Tahimik lang yung kapatid niya, parang gusto na ngang umiyak anytime e."
Mmmm. Sino kayang gagawa nun?
Pinagpatuloy lang namin ang pag-kain namin. Nag-alok si DJ na ilibre ako ng ice cream pero umayaw ako. Mahirap na baka makita kami nung tao na nagpadala sakin ng mga alaga niyang ahas at uod. Nag-.alok din si DJ na buhatin nalang yung bag ko pero umayaw din ako. Si Kat hindi na umiimik. Napak-manhid naman kasi netong si DJ, hindi niya ba makita si Kat? Psh.
Dumirecho na kami sa gym. Malapit nang mapuno. At dahil nga Malabo yung mata ko umupo kami sa pinakaharap ng bleachers.
Maya maya pa ay pumasok na yung mga players. Hindi ko maalis yung titig ko kay Niko. Hindi talaga siya maglalaro kasi hindi siya naka-jersey attire. Naka jogging pants lang siya at naka-varsity jacket. Naka-upo lang siya dun sa may bench, samantalang yung mga ka-team niya nagwawarm-up na at ganun din yung mga kalaban nila.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
