Chapter 17 Andre Niko

29 2 0
                                    

Nagtext ako kay Meng nung sabado ng gabi kaso hindi niya parin ako rinereplayan. Well, ako din naman ang may kasalanan kasi hindi ako nagpapakilala. Ewan ko ba pero pagdating sakanya natotorpe ako.

Ako yung kilalang lalaki sa school, heartthrob, yung tipong halos lahat ng kilos ko kelangang malaman ng buong school. Kilalang kilala ako sa mga babae, pag may mga babaeng umaaligid sakin ang lakas ng loob kong makipag-usap sakanila, makipagtawanan. Well, nakikipag-usap at nakikagtawanan naman ako kay Meng kaso ewan ko ba, pero nakakatorpe, natotorpe ako at nahihiya pagdating sakanya, ni hindi ko nga manlang mapakilala sarili ko sa text eh. Langya! Feeling ko tuloy bakla ako.

Iba ang nararamdaman ko pagdating sakanya. Gusto ko siya. Gusto ko yung mga tawa niya, yung smile niya. Everything about her. Pag anjan siya gustong gusto kong tumitig sakanya. Buong mundo ko tumititgil pag anjan na siya. Nakaka-addict siyang tignan.

Meron akong mga naging babae. Pero fling fling lang. No strings attached. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa love pero sa mga magulang ko palang nakikita ko na na parang hindi siya worth it. Si Mama, palagi niyang ipinapakita sakin na mahal na mahal niya si Papa, pero nakikita ko na hanggang salita lang siya. Cold love ang meron siya pagdating kay Papa. Pag tinignan mo ng mabuti ang mga mata ni Mama hindi pagmamahal ang meron kundi galit. Ilang beses ko nang napapansin yun kaso ayokong tanungin, feeling ko pag nagtanong ako mababago na ang lahat. At hindi pa ako handa sa pagbabago na yun.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at linagay ko na yung phone ko sa side table ko. Simula pagkagising ko kanina ko pa tinititigan yung phone ko kung nagreply si Meng o hindi. Haaaay. Bahala na si Batman.

Dumirecho na ako ng banyo para maligo. Nagbihis nadin ako pagkatapos. Kinuha ko yung duffle bag ko sa may cabinet ko at kumuha ng mga extra na damit pang practice. Minsan kasi biglaan magtawag si coach ng practice namin kaya dapat lagi ready.

Pagkatapos kong mag-ayos lahat ng gamit ko sa school, pumunta na ako sa kusina kung san naabutan ko si Andrea na kumakain.

"Where's Dad?" Tanong ko kay Andrea na kasusubo lang ng cereals niya.

"He already went to his office. He said that he has things to do and he has people to meet." Sabi naman nji Andrea na punong puno yung bibig.

Pag umaga kasi si Papa dapat ang naghahatid kay Andrea sa school niya. Tapos ako naman ang taga sundo pag uwian na niya. Pero since busy ngayon si Papa, ako nalang muna ang maghahatid.

Kumuha nalang ako ng bread at pinalamanan ko ng kung ano mang palaman ang unang nahawakan ko at kinagat na.

"I'm finished eating! Let's go!" Sigaw ni Andrea habang tumatakbo sa sink at nagsimulang magtooth-brush.

Dumerecho na ako sa sasakyan at kumain ng bread habang hinihintay si Andrea. Sa school nalang ako magbbrush. Nasa locker naman yung spare na toothbrush ko.

Linabas ko ulit yung phone ko, nagbabakasakaling may reply si Meng pero wala kundi si Papa yung nagtext na nagsasabing ihatid ko si Andrea. Rineplyan ko si Papa sabay kagat ng malaki sa kinakain kong bread.

Mamaya maya nakita ko nang tumatakbo papuntang sasakyan si Andrea. Sinimulan ko nadin yung makina ng sasakyan.

"Let's goooooooo!" Sigaw ni Andrea habang hinihingal sa pagtakbo niya. At pinatakbo ko nadin yung sasakyan.

"Did you lock the door?"  tanong ko kay Andrea. Kasi kami kami lang na tatlo ang nasa bahay. 

"Yep!" Sagot niya. 

Good. Kasi ako lagi kong nakakalimutan kaya nauuna ako lagi sa sasakyan para siya lagi ang mag-lock.

Ilang minuto pa ay nakarating din kami sa school nila Andrea at binaba ko nadin siya.

"Bye Kuyaaaaaaaaa! See you later!" Sigaw ni Andrea habang pababa siya ng sasakyan.

Kakaiba na talaga pag-uugali netong kapatid ko. Nakakapagtaka na.

"Bye" sabi ko nalang at pinaandar ko na yung sasakyan ko papuntang school.

Nang makarating ako ng parking lot ng school parang may nahagip yung mata ko na familiar na sasakyan. Pero baka kaparehas niya lang kaya binalewala ko nalang.

Nag-park na ako at kinuha ang mga gamit ko at bumaba ng sasakyan. Tumingin ako sa relo ko. 5 mins nalang at time na. Dali dali akong pumunta ng locker at nagbrush. Iniwan ko nadin yung mga iba kong gamit na hindi naman kelangan sa room.

Pagkatapos ay tumakbo na ako sa room ko. 

As usual late nanaman ako kaya wala na akogn magagawa kundi pumasok pero this time hindi na ako pinansin ng teacher kasi siguro sanay na siya na late ako lagi.

Umupo ako sa pinaka likod. Sa tabi ng bintana. Linabas yung notes ko at nagsimulang makinig. Mejo ginaganahan akong makinig ngayon. Minsan kasi nakatingin lang ako sa labas pero iba ngayon.

Napatingin ako sa harap at nakita ko yung likod ni Meng. Nakayuko siya. Siguro nagsusulat to. Haaaaay. Nakakatorpe talaga. Magpakilala na nga lang sa text hindi ko pa magawa. Dibale merong time para jan.

Ilang subjects pa ang nagdaan kung san kaklase ko si Meng at sinusubukan ko siyang pansinin kaso hindi ko magawa kasi meron siyang kasama lagi na dalawang babae. 

Lunch na. Pag gantong lunch minsan nag-aaya ako ng kasama minsan gusto ko mag-isa ko lang. Tulad nalang ngayon. Tinatamad kasi ako minsan magsalita kaya mas gugustuhin kong mag-isa ngayong lunch.

Dumirecho na ako sa foodcourt at namili ng pagkain ko. Pagkatapos kong mamili. Pumunta na ako sa isang gilid ng foodcourt. Yung pang dalawahan tas tabi ng bintana.

Sinimulan ko nang kumain at sumubo. Pagkatapos ay napatingin ako sa labas at nagulat ako dahil may nakita akong isang babae na sobrang familiar yung mukha. Pero hindi pa ako masyadong sigurado dahil malayo pa kaya hinintay kong makalapit konti. Nang makalapit nanlaki ang mga mata ko.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon