At dahil Tuesday ngayon may practice ng basketball.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase dumrecho agad ako sa locker ko at kinuha yung mga damit ko. Nagpalit nadin ako at dumirecho na sa gym kung san andun na si coach at ang team mates.
Pagkapasok na pagkapasok ko sumalubong agad sakin ang hiyaw ng mga babae. Tsk. Wala ng bago. Sanay na sanay na ako.
"Kelangan niyo ng matinding training dahil papalapit na ang laro ng bawat school. Tayo ang defending champion. Gusto kong maulit yung nangyari last year. Kaya ngayon palang maghanda na tayo. Ngayon, gusto kong maglaro muna kayo ng isang game. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Niko, Ray, Drex, Nate at Tricky magkakasama kayo. Kirk, Klarence, Calvin, Deyle at Adrian kayo naman ang magkakasama."
Nagstart na ang laro. Ako ang nakakuha sa jump ball. Pinasa ko kay Drex agad naman siyang tumakbo at shinoot kaso hindi pumasok kaya nagrebound si Nate at Deyle. Mabilis na nakuha ni Deyle yung bola. Pinasa niya ito kay Calvin at nag lay up. 2 pts na kila Kirk. Hawak ko ulit yung bola. Mejo wala pa ako sa mood.
"Go Babe Niko!!" *smirk* binilisan ko ang galaw ko at linagpasan sila Klarence at Kirk na humaharang sakin. Lumapit pa ako sa ring at shinoot ang bola. 2 all na.
Lumingon ako sa babaeng sumigaw kanina at ngumiti pero napansin kong may katabi siyang babae na nakaupo lang at nanunuod. Halos lahat ng katabi niya nakatayo at nagchicheer pero siya kalma lang na naunuod. Mas naganahan akong naglaro. Ipinagpatuloy namin ang paglalaro. Sa bawat shoot ko titingin ako sakanya. Pero wala lang para sakanya samantalang yung mga katabi niya sigaw ng sigaw. Tsk. Pabayaan na nga.
4th quarter na ng laro. Lamang kami kila Kirk ng 14 points. Halatang pagod na pagod na sila kaya mas ginalingan ko pang maglaro. Ilang beses nadin akong nakakashoot hanggang sa manalo kami.
"Idol!" Sabi ni Kirk
"Tsk. Wala talagang makaktalo sayo captain." Deyle
"Ang lupet! Ikaw na talaga!" Klarence
Sari saring batok ang natanggap ko. Kahit kelan talaga.
"Woooo! I love you pare! Pakiss!" Lumapit si Drex at yinakap ako Sabay halik sa pisngi.
Nagtawanan ang lahat. "Yuck! Kadiri ka naman Drex. Mandiri ka nga sa sarili mo."
Patuloy padin sila sa pagtatawanan samantalang ako kinuha ko na ang mga gamit ko.
"Nice game Niko." Sabay ngiti nung babae at ang kasama niyang mga babae. Siya din yung sumigaw kanina.
"Thanks" sagot ko.
Napalingon ako dun sa babaeng katabi niya. Nakita kong nakatingin lang siya sakin. Agad naman siyang umiwas ng tingin at naglakad palayo.
Masasabi kong napakaganda niya. Simple pero merong kakaiba sakanya na mapapatingin ka. Hmmmm?
Napunta ulit ang atensyon ko sa mga babaeng nasa harap ko at ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/28051575-288-k125860.jpg)
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.