Chapter 64

3 0 0
                                    

Meng's POV

Naka-upo kaming tatlo nila kuya at DJ sa sofa. Sa pagsasalita ni Kuya parang naiiyak na ako kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinandal ang ulo ko sa head rest ng sofa. Ngayon ko na nararamdaman yung pagod ko.

"Tinext ako ni Mama na naibenta na nga yung bahay at lupa natin. Sa ngayon, hndi ko pa alam kung bakit niya ginawa yon. Gagawan ko to ng paraan, hndi naman basta basta ang pagbebenta nito eh. Kaya sa ngayon DJ makiki-usap muna ako sayo na dito muna kami titira nila Meng at Mama pansamantala." Sabi ni Kuya.

"Ano ka ba Bro, okay lang. Walang problema sakin. Kahit dito na kayo tumira. Okay lang talaga. Sabihin niyo lang kung kelangan niyo pa ng tulong." Sagot naman ni DJ.

"Salamat DJ ah?" sabi ko sabay mulat ng mata. Tinignan ko siya. "Salamat talaga."

Lumingon naman ako kay Kuya. "Kuya, kaya natin to. Hindi mo lang laban to ah? laban natin. Magtulungan tayo. Tatapusin natin yong problemang to." Sabi ko at bigla akong inakbayan ni Kuya.



Kinabukasan. . . .


Nasa sasakyan kami ni DJ. Nasa harap si Kuya, ako nasa likod. Papunta na kaming school. Regular class na kasi ngayon. Pero itong si DJ mukhang nanlulumo padin ang mukha dahil sa pagkatalo nila sa Fusion. Si Kuya naman nanlulumo sa bahay at lupa namin. Ako naman nanlulumo sakanilang dalawa. Haaaaaaayy buhay parang life -_-

Patuloy lang na nagdadrive si DJ na tahimik kaming tatlo. Siguro kasi madaming tumatakbo sa isip ng bawat isa, tulad nalang ako. Haaay!

Sila Mama at Baby Meg nalang ang natira sa bahay. Wala nading trabaho si Mama. Pero okay nadin yun para makapagpahinga na siya. Pero saan na kami kaya kukuha ng pera ngayon? haaaaayy. Andaming "pero" :/

Maya maya pa ay huminto na pala yung sasakyan sa parking lot ng school. Inayos ko na yung bag ko at lalabas na sana pero bigla akong natigilan sa nakita ko. Hindi ako makagalaw. Bakit ganto? Sa tuwing nakikita ko siya gusto kong umiyak ng umiyak ng uniyak.

Si Niko.

Naka-upo sa loob ng sasakyan niya at nakatitig sa cellphone niya. Mukhang may binabasa dahil naka-kunot yung nuo niya.

"Meng! labas na jan." Sigaw ni Kuya at napatingin siya sa kung saan ako nakatingin. Nahalata niya atang nakatitig ako sa isang direksyon.

Mas nakakagukat pa ngayon dahil biglang lumabas sa sasakyan ni Niko si Nichole.
Malakas yung pagsarado ng pinto ni Nichole na siyang ikinagulat ni Niko at lumabas nadin ng sasakyan.

Saktong pagkalabas niya nagkatinginan kami. Pero agad kong iniwas ang tingin ko at yumuko. Hindi ko alam kung san patungo mga paa ko basta naglakad ako ng naglakad papalayo.

Habang naglalakad ako, naririnig ko yung nga bulung-bulongan ng mga tao. Hindi ko nalang pinansin. Kunwari hindi ko narinig.

Ang bilis natapos tong araw na to. Parang na-fast forward lahat ng nangyari ngayon.

Mostly ngayong araw ang tahimik ko. Siguro nagtataka mga friends ko at sila kuya at DJ pero thankful ako kasi ni-isa sakanila, hindi nila ako kinulit kung ano ba talaga ang nangyayari sakin. Actually hindi ko din alam kung bakit ako ganto ngayon. Wala lang talaga siguro ako sa mood.

Naglalakad ako sa hallway just in time na nakita kong magkasama si Niko at Nichole.

Well, deadma! Pagod na ako mag-isip. Bahala na. Hindi ko naman dapat sila pinoproblema.

Haaaaaay. I need time to just stop for the mean time. Gusto kong magpakalayo at magpahinga.

Mountains, trees, beach and sunset <3 yan lang muna ang mga kelangan ko ngayon in this world full of problems.

Hindi kami magkakasabay umuwi nila Kuya at DJ, si kuya may gagawin pa daw. Si DJ may band practice. So ngayon, mag isa ko and prefer kong maglakad papuntang bahay.

Feel kong maglakad at mag-isip isip. Naka-earphones ako at sobrang lakas ng volume.

Naka-senti mode ako ngayon. Eh kasi! Yung kanta pang senti eh.

Naglakad lang ako ng naglakad. Ang dami kong nakakasabay na mga estudyante din na pauwi. May mga nakakasalubong naman akong mga tao na siguro may date pa or something.

Well ako, pauwi na at excited akong magkulong sa kwarto ko habang buhay. Sa kwarto ko nalang ako nagiging komportable. Magmumukmok. Matutulog. Oh kung ano ano pa man.

Hindi ko namalayan andito na pala ako sa harap ng bahay namin. Well, bahay pala ni DJ.

Narinig kong parang may mga taong nag-uusap usap sa may sala kaya kumatok ako agad at binuksan ang pinto.

At bumugad sakin ang taong pinaka-mamahal ko at sobrang namiss ko.

"Pa!"

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon