Chapter 68

9 0 0
                                    

Andito kami lahat sa bahay ni DJ.

Ako, si Kuya, si Dj, si mama, si papa at si Niko. Oo si Niko. Andito siya sa bahay para kausapin ang lahat at humingi nadin daw ng tawad sa mga magulang ko lalong lalo na sa Kuya ko.

Nung nalaman ni Kuya na pupunta dito si Niko nag away lang naman kami. Pero buti nalang at andito si Papa para pakalmahin si Kuya.

Sinabi lahat ni Niko kila mama lahat ng nangyayari sa kumpanya, humingi nadin siya ng tawad kila mama dahil nawalan na sila ng trabaho at matutuluyan. Habang nagkkwento si Niko, si Kuya, yung kunot niyang nuo ngayon lalong kumunot dahil sa galit at inis. Si Dj naman nakikinig lang hanggang sa bigla naman siyang nagsalita nang matapos nang magsalita si Niko.

"Tito at Tita, tutulong po ako." sabi ni Dj na nakatuon ang atensyon sa mga magulang ko.

"Bro, wag na. Dami na naming utang sayo." sabi naman ng Kuya ko.

"Ako na bahala." sagot ni Dj kay Kuya ko na gusto pa sanang umapila pero hinayaan niya nalang. "Matagal ko nang nakausap Mama ko tungkol dito. Yung kumpanyang pinagttrabahuan ng Mama ko, kalaban ng kumpanyang pinagttrabahuan ng nanay Niko. "

Tumigil sa pagsasalita si Dj at humarap sa mga magulang ko. "Tito at Tita, pwede daw po kayong pumask sa kumpanya kung san nagtatrabaho yung Mama ko. Si Tito po as long as nabigay niya lahat ng requirements pasok na siya agad at pwede na agad siya magsimula. Tutulungan naman po kayo ng mama ko doon sa Amerika. Pero si Tita kung kelan niya gustong magtrabaho doon kasi syempre meron pa si Baby Meg na inaalagaan niya."

"Nako! malaking tulong to sa pamilya namin Iho. Maraming salamt talaga!" sabi ng Papa ko habang tumayo siya at yinakap si Dj.

"Ma, wag ka nang magtrabaho mas kelangan ka ni Meg at Meng. Ako nalang ang magtatrabaho pagka-graduate ko." Biglang singit naman ni Kuya.

"Sumasang-ayon po ako sa desisyon ni Kuya." sabi ko.

Tumayo naman bigla si Niko at inabot yung kamay niya para i-shake hands ni Dj at tumayo nadin si Dj at nagbro hug sila.

Simula sa simula hindi nagkakasundo itong dalawa dahil sa nkaraan nila pero kelangan nilang malaman na ni isa sa kanila ay dapat hindi magtanim ng galit sa isa't isa dahil wala naman silang kasalanan. Ang may kasalanan sa lahat ng ito ay si Nichole.

Natapos din ang usapan naming lahat.

Si Papa, after one week napagdesisyunan niya nang umalis at magtrabaho sa Amerika para may pang tustos samin at para ayusin niya lahat ng mga papeles na kelangan niya sa kanyang bagong trabaho.

Bukod kay Niko at Dj na nagbati, pati si Kuya ko at Niko nagbati din. Nagkaunawaan sila at humingi ng tawad sa isa't isa. Haaaaay. Sarap sa feeling ng ganito. Masaya lahat at walang kinikimkim na galit ang bawat isa.

Ito namang si Niko biglang nagsalita sa lahat kung pwede daw akong ligawan. Pumayag naman sila pero bumulong sakin si Kuya na wag ko munang sagutin dahil kakabreak lang nila ni Nichole baka daw kung ano pang sabihin ng ibang tao.

Tama naman si Kuya tsaka hindi pa ako ready sa ganyan.


Kinabukasan. . . 


Andito kaming lahat sa sasakyan ni Niko. Si Dj sa pasengger seat. Sa likod naman kaming tatlong magkakaibigan, Dianne, Kat at ako. Papunta kaming school.

Kagabi bago matulog kinwento ko sa dalawa kung ano yung mga nangyari at si Dianne, siya ang nagpresenta na sabay sabay kaming pumunta sa school. Kaya agad niyang tinawagan si Niko para sakanya nalang makisakay at ayun nga andito na kami sa sasakyan niya.

Nakwento ko din sa dalawa yung tungkol sa ligaw thingy ni Niko sakin at agad naman tumili si Dianne at Kat sa telepono. Kaya binantaan ko na yung dalawa na wag masyadong kiligin pag magkakasama kami kasi alam ko yung bunganga nang dalawang yun. Kung ano anong lumalabas na kahihiyan. Haha.

Masasasabi kong masaya ako ngayong araw na to dahil sa mga nangyari kahapon. Syempre mas lalo akong masaya ngayon dahil magkakasama kaming magkakaibigan tapos nadagdagan pa. Tapos nagkabati pa itong dalawa na si Niko at Dj. Nag-uusap sila sa harapan tungkol sa mga sasakyan. Haaay. Boys and their toys nga naman.

Hindi ko napansing nasa school parking lot na pala kami at si Niko at Dj nasa labas na pala ng sasakyan. Biglang kumunot yung nuo ko kasi may kumpol ng tao sa harap kung san naka-park yung sasakyan ni Niko. Kaya agad kaming lumabas nila Dianne at Kat.

Tumabi ako kay Niko, pumunta naman sa likod ko si Dj kasama nila Dianne at Kat.

At doon ko nakita na papalapit samin si Nichole at may kasama siyang mga ibang babae. Kumuha pa ata to ng mga kakampi niya.

Lumapit pa si Nichole hanggang nasa harap na niya kami. Well, nasa harap ni Niko. Biglang kinuha ni Nichole yung kamay ni Niko sabay sabing "Baby, akala ko ba ako lang?"

Binitawan naman agad ni Niko yung pagkakahawak ni Nichole sa kamay niya.

"Pumayag lang ako sa gusto mo kasi gusto kong protektahan yung taong mahal ko. Pero ginawa mo padin, para san pa itong pagkukunwari natin?" galit na sabi ni Niko. Napatngin ako sakanya nung sinabi niya yun. Grabe tong lalaking to! pano ako hindi mahuhulog sa gantong lalaki?

Napatingin naman sakin si Nichole nung nasabi ni Niko yun. 

"Ito?" turo sakin ni Nichole. "Ito yung mahal mo?! o inagaw niya ikaw sakin?!" Galit na sabi ni Nichole. "Bago ka mapunta kay Niko marami ka pang mapagdadanan sakin. Ginagawa ko lahat ng sinasabi ko! Bitch!" 

"Subukan mong saktan si Meng ako makakalaban mo Nichole. At pag sinabi ko gagawin ko din!" Sabi ni Niko.

Hindi na nakapagsalita si Nichole pero halatang galit na galit na siya.

"Nichole tama na. Pinapagod mo lang sarili mo. Wala din namang magandang maidudulot ang paninira." Sabi ko ng nakatitig kay Nichole.

"A--"

"Narinig mo siya Nichole tama na tong gulong to. Ikaw lang naman gumagawa nang lahat ng to eh." Sabi ni Niko.

Tinitigan niya pa kami ng matagal bago siya umalis kasama yung mga alepores niya.

Pagka-alis nila linagay ni Niko yung kamay niya sa likod ko para i-comfort ako.


AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon