Chapter 22 David Jay (DJ)

27 2 0
                                        

Hindi namin namalayan yung oras. 12:50 na pala.

Nagmadali kaming maglakad ni Meng. Hindi kami tumakbo kasi baka sumakit yung mga chan namin sa sobrang busog, lalo na si Meng.

Ilang sandali pa ay malapit na kami sa classroom namin.

Biglang humarap sakin si Meng sabay sabi "Bukas ulit ha?" Sabi niya ng tumatawa.

"Haha. Namimihasa na a. Chaka baka magalit sakin sila Dianne at Kat."

"Pabayaan mo yung dalawang yun. Malalaki na sila, kaya na nila mga sarili nila. Hahahaha."

Nagtawanan lang kami.

Napatingin ako malapit sa may pintuan ng classroom namin. Andun si Niko. Napatingin sakin si Meng kung bakit ako nag-stop, tumingin siya sa direksyon ng mga mata ko.

Nagkatinginan sila ni Niko. Tumingin ako kay Meng, nginitian niya naman si Niko.

Magkakilala sila? Biglang nagsalubong yung kilay ko.

Pabalik-balik yung tingin ko sakanilang dalawa hanggang nakatingin nalang ako kay Niko. Tumango nalang ako sakanya. At tumango nalang din siya sakin.

Sa pagtingin ko kay Niko, wala akong emosyon na nakita sa mga mata niya maski sa mukha niya. Pero naramdaman ko yung linalabas niyang aura. Halo halong inis, galit at selos.

Lalaki din ako. Mabilis makaramdam. Bakit siya nagseselos? Dahil ba kay Meng? Mauulit nanaman ba ang nangyari samin dati?

Nauna siyang pumasok sa classroom. Sumunod naman agad kami ni Meng.

Pagpasok na pagpasok namin, bulungan ang buong klase.

Pinabayaan ko nalang at buti nalang ganun din si Meng.

Dumirecho na siya upuan niya kung nasaan nakapwesto na sila Kat at Dianne. Ganun din ako.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Mam. Linabas ko naman yung notes ko para ma-recall yung last na discussion namin.

Nagbabasa ako habang

"Good afternoon Mam. Sorry I'm late" sabi ng pamilyar na boses.

"Ms. Santiago?" Tanong ni Mam. Bigla akong nanigas. Santiago? Don't tell me. . . Inangat ko yung ulo ko para tignan kung siya nga talaga yun.

"Yes Mam." Shoot! Siya nga! Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa America na siya at dun na siya mag-aaral?

"Okay. Please don't be late next time." Sabi ni Mam. Iniwan niya kung ano man yung hinahawakan niya at naghanap ng bakanteng upuan.

"You can seat beside Mr. Valdez."

Nice.

"Thank you Mam." Sabay naglakad siya papalapit sa tabi ko ng nakayuko.

Nang makaupo na siya nakatingin padin ako sakanya ng takang taka. Bigla naman siyang lumingon sakin at ngumiti.

Napunta sa harap ang atensyon naming dalawa ng biglang magsalita si Mam.

"Ms. Santiago, kindly introduce yourself here in front because the whole class seems to wonder."

Pumunta naman agad siya sa harap.

"Hello everyone. I'm Nichole Santiago. A late enrollee. I'm taking up Business Administration major in Financial Management."

"Thank you Ms. Santiago, you may now go back to your seat."

Bumalik naman agad siya sa tabi ko.

Bakit ba siya andito? Sa sobrang pagtataka at pagkagulat ko hindi ko napansin na pati pala yung buong klase gulat na gulat din.

Nichole Santiago. Ex ko. Siya ang first Ex ko.

Bumalik sakin lahat ng alaala. Lahat ng mga nangyari noon.

First year kami nun. First day of school dito sa school na to. Nasa pinaka-likod ako ng classroom. Tahimik. Halos lahat ng studyante nakatayo. Yung iba nagkukwentuhan lang. Lahat ata may kausap ako lang ang wala.

Hanggang sa lumapit ang isang babae sakin. Black ang buhok. Straight. Abot hanggang balikat niya. Maputi. Mejo singkit. Ang nipis ng mga labi niya. Unang tingin ko palang sakanya nun nahulog na ako. Para akong ewan dun na nakatitig lang sakanya. Hanggang sa napunta ako sa katotohanan ng bigla siyang magsalita.

"Hi! Pwede ba akong tumabi sayo?" Tanong niya sakin habang nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya. Yung tipong mapapatitig ka talaga.

Sa mga sandaling yun para akong nawalan ng boses. Lumunok ako at tumango nalang sakanya.
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako ganto? Parang hindi ako lalaki. Sabi ko sa isip isip ko.

Umupo naman agad siya sa tabi ko. Nung mga oras na yun, halo halo ang nararamdaman ko. Ilang, kaba at saya. Naiilang ako sakanya at kinakabahan, ewan ko kung bakit pero ganun talaga yung nararamdaman ko. Saya kasi katabi ko siya.

"Nichole." Sabi niya habang inabot niya yung kamay niya. "Nichole Santiago." Pagapaptuloy niya. Ang ganda talaga ng mga ngiti niya. Nakaka-addict.

Tumingin lang ako sakanya. Sa totoo lang tahimik talaga akong tao. Lumaki ako kasama ang mga libro at gitara. Maingay lang ako pagkasama ko sila Mama at Papa. Nung elementary, hindi ako nakikipaglaro. Mas gugustuhin ko pang nasa loob ako ng classroom at magbasa. Ganun din nung highschool.

"DJ." Plain kong sabi sakanya. Walang ngiti at walang shake hands. Hindi ako sanay na nakikipagsocialize. Lalo na sa mga babae.

Binawi niya naman agad yung kamay niya.
"Well, nice to meet you DJ." Sabi niya habang nakangiti padin.

Hindi ko mapigilan sarili ko na mapatitig sa mukha niya, lalo na sa lips niya.

Salamat nalang at dumating na yung instructor namin. Nag-focus na ako sa harap. Hindi na ako lumingon pa sakanya hanggang sa matapos yung klase. Buti nalang at ganun din siya.

Tumayo na ako kinuha agad yung bag ko. Naglakad na ako papunta sa susunod kong klase. Ayoko na ulit may kumausap pa sakin. Hindi ako sanay.

Pero saktong nasa may pintuan na ako ng sinisigaw niya yung pangalan ko.

"DJ! Wait! Teka!"

Pinagpatuloy ko padin yung paglalakad ko. Pero ilang sandali palang ay nasa tabi ko na siya. Kumunot yung nuo ko. Ano bang gusto niya sakin.

Tumingin ako sakanya pero ngumiti lang siya sakin. "San next class mo?" Tanong niya.

Hindi ako nagsalita at pumasok nalang ako sa classroom malapit sa kinanatatyuan namin.

Umupo ako sa pinakalikod ng classroom. Bigla naman akong nakaramdam na may umupo din sa tabi ko. Paglingon ko si Nichole.

Lumingon din siya. Pero ngumiti lang. Kung hindi siguro ako na-a-attract sakanya inis na inis na ako ngayon.

Patuloy padin siyang nakangiti sakin. Pero ako poker face padin. Pinabayaan ko nalang siya at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa harap.

"Anong course mo? Ako Financial Management."

"Accountancy"

"Talaga?! Astig! Talino mo siguro."

Hindi ako nagsalita pa. Hanggang sa nagtanong siya ulit.

"Pwedeng patingin ng schedule mo?"

Tumingin ako sakanya pero ngumiti nalang siya. Ayoko sanang ipakita kaso baka isipin niyang bastos ako kaya inabot ko sakanya.

Binuksan niya naman yun, napansin kong linabas niya din yung schedule niya.

"Uy! Halos sa lahat ng subjects magkaklase tayo."

Nice.

Present. .

"Uy! Uy DJ! Tapos na ang klase!" Sabi ni Nichole.

Lumingon lingon ako. Kaming dalawa nalang ang naiwan. Napalalim ata yung pag-iisip ko.

Inayos ko na yung mga gamit ko at derederechong lumabas ng classroom. Hindi ko na hinintay pa si Nichole. Ayoko muna siyang harapin.

Habang naglalakad ako palabas nararamdaman kong nakatingin sakin si Nichole.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon