Chapter 55

34 2 1
                                    

Meng's POV

"O ano namang tungkol kay Nichole?" Tanong ko kay Kat.

Tumingin siya kay Niko tapos sakin.

"Siya kasi yung may pakana nung vandal sa locker mo. At hindi lang yun, siya din yung may pakana nung mga ahas at uod sa locker mo." Sabi ni Kat at tumatango naman si Dianne.

"Pano naman kayo nakakasiguro?" Tanong ko habang pinupunasan ko yung buhok ko.

"Nahanap kasi ni DJ yung lalaking nagbalik sayo nung cupcakes na binigay ni DJ nung kumakain tayo sa may food court tapos tinanong niya kung sinong may pakana. Tinakot niya ng tinakot yung lalaki hanggang sa sinabi niya yung totoo."

"S-sigurado ba kayo?" Utal kong sabi. Hindi ako makapaniwala. Magagawa ba talaga sakin ni Nichole yun? Napaka-imposible naman na ata yun. Simula nung nakilala ko siya naging mabait siya sakin. Naging close pa kami ng sobra dahil kay Kuya.

"Yun naman ang sabi sakin ni DJ."

"Baka naman ibang Nichole. Hindi naman niya magagawa sakin yun. Parang kapatid na ang turing namin sa isat isa. Baka nagkamali lang si DJ." Sabi ko. Kasi hindi talaga ako makapaniwala e.

Nagtinginan lang sila Dianne at Kat.

"Hintayin nalang natin kung nakabalik na tayo ng Baguio. Wag muna nating isipin yan. Last day na natin dito guys kaya mag-enjoy nalang tayo." Sabi ko at ngumiti.

"Okay sige. Kakain nadin pala tayo. Una na kami, tutulungan pa namin si Manang mag-ayos dun sa labas." Sabi ni Kat at agad naman silang umalis ni Dianne.

Lumingon ako at nakita ko si Niko na nakatingin sakin na hindi ko maintindihan yung ichura niya. Para siyang galit na naaawa.

"Okay ka lang?"

"Ha? Aaa. Oo naman. Labas muna ako para makapag-ayos ka ng mabuti." Sabi ni Niko at lumabas naman agad siya.

Napahinga ako ng malalim. Haaaaay buhay! Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung tama bang pumunta kami dito sa Baguio e. Mas maganda buhay ko dun sa Manila. Gusto ko nang bumalik dun.

Humarap ako sa salamin at nag-ayos ng buhok. Tinali ko din sa likod yung shirt. Ang laki kasi sakin.

~

Andito na kami sa labas at malapit nang matapos na kumain ng biglang magsalita si Kat.

"Ganto ang plano. After nating mag-lunch pupunta tayo sa San Fernando para magsurfing. Dalhin niyo lang yung mga kelangan niyo kasi babalik din tayo ng hapon dito tapos derecho byahe na ng Baguio. Ayos ba?" Pagatatapos ni Kat.

Naghiyawan ang buong Cardinals.

~

Nagbabyahe na kami papuntang San Fernando. Nasa mini bus lahat ng cardinals. Magkakasama kaming tatlo nila Kat at Dianne. Si Kat yung nagda-drive, nasa  passenger's seat naman si Dianne, nagkukwentuhan lang sila samantalang ako tulala sa labas habang nakikinig ako ng music sa phone ko.

"Meng!" Nagulat ako nung sumigaw si Dianne kaya napatingin agad ako sakanya sabay tanggal sa earphones ko.

"Andito na tayo." Sabi ni Dianne ng na-eexcite.

Nag-ayos na ako at bumaba na. Ganun din sila Kat at Dianne.

Resort tong pinuntahan namin. Papasok palang good vibes na good vibes na. Pati hanggang sa may reception hanggang sa room namin.

Binaba ko na yung bag pack ko sa higaan. Iisang room lang kasi yung kinuha namin.

Pumunta kaming tatlo sa may veranda.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon