Chapter 38 Mezziya (Meng)

32 2 0
                                        

Tinignan ko yung players ng PCU. Matatangkad din. Malalaki ang katawan. Sigurado akong mahihirapan ang UB neto pero kaya nila yan.

Nakuha ni Niko yung jump ball. Agad niyang pinasa kay Drex, pinasa naman ni Drex kay Deyle at nag-lay up si Deyle.

"WOOOOOOOOOO!!" Sigaw ng mga taga-UB.

Hawak nung naka number 1 yun yung bola. Pinasa niya kay number 10 agad namang shinoot.

Nagdaan ang 1st quarter at 2nd quarter at ganun at ganun ang nangyayari. Makaka-shoot ang UB, tas babawi ang PCU. Halos 1 point o two points lang lagi ang agwat nila at hindi na lumalayo dun.

Break na. Ang ingay ingay sa gym. Ang init pa. Nararamdaman kong sumasakit ulo ko dahil sa init at ingay kaya pupunta muna ako sa CR.

Tumayo na ako ng biglang nagtanong si DJ.

"San ka pupunta?"

"CR. Sama ka?" Sarcastic kong sabi. Hindi ko na mapigilan yung inis ko. Ang ingay, mainit, ang sakit pa ng ulo ko at higit sa lahat naiinis ako dahil dun sa letter na natanggap ko kaninang umaga.

Nakatingin lang sakin si DJ pero pinabayaan ko lang siya at nagsinula na akong maglakad.

Sumasakit na talaga yung ulo ko. Lumalala nanaman pero kakayanin pa naman. Hindi tulad nung dati na sobrang sakit talaga.

Dumirecho na ako sa isa sa mga cubicle sa CR. Hindi naman ako naiihi pero para lang matahimik ang buhay ko kahit saglit lang.

Narinig ko nang nag-umpisa na yung 3rd quarter. Ayoko munang bumalik. Papalamigin ko muna yung ulo ko at baka masungitan ko nanaman si DJ. Kawawa naman siya.

Ilang saglit pa ay lumabas na ako ng cubicle. Nagsalamin saglit. Napansin kong may katabi akong babae na nagsasalamin din. Pero bago siya umalis tumingin muna sakin at nangusilap.

Okay. What was that for?

Pinabayaan ko nalang siya at nagsalamin nalang ako. Psh.

Palabas na ako ng maisipan kong mag-ice cream saglit para naman bumaba yung init ng ulo ko. Kaya pumunta ako sa Mcdo at nag-order ng hot fudge. Tumambay muna ako saglit dun para ubusin yung sundae ko.

Sa di kalayuan nakita ko si Kuya at Nichole na papuntang parking lot.

So hindi na nila tatapusin yung game?

Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko kaya agad kong hinugot sa bulsa ko.

From: Kuya

Meng, umalisnakaminiNicholeha? Maypupuntahanlangkami. SiDJmunamaghahatidsayo. :) LoveyouMeng.

Pansin kong lagi ng may pinupuntahan sila Kuya at Nichole kaya hindi nadin ako nahahatid ni Kuya lagi.

Okay lang naman sakin. Kasi ganun din naman ako sakanya noon. Hati ang oras. Pero kay DJ nanaman? Kelangan ko munang dumistansya sakanya. Gagawa nalang ako ng palusot mamaya.

Maya maya ay naramdaman ko nanamang nag-vibrate yung phone ko.

Si DJ.

From: DJ

Sankana? :( Malapitnangmataposyunggame.

Hindi ko napansin yung oras. Inubos ko agad yung ice cream ko at tumakbo sa gym. Mejo nawawala na yung sakit ng ulo ko.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon