Pagpasok namin ni Meng. Tinawag ko saglit si Kat.
Pumwesto kami sa gilid.
"Kat, pabantay naman ako kay Meng. Masakit ulo niya. Baka kasi may mangyari sakanya pag wala ako."
"Oo sige sige. Ako bahala."
Pumunta na siya sa upuan niya. Pagtingin ko kay Meng, linagay niya yung ulo niya sa arm nung arm chair niya.
Pumunta nadin ako sa kung san ako naka-upo. Nakita kong andun na si Nichole. Pero nakatingin siya kay Meng. Agad naman siyang tumayo at lumapit kay Meng. Magkakilala sila?
May sinabi si Nichole kay Meng pero si Meng ngumiti lang at tumango. Bumalik naman agad si Nichole sa tabi ko.
Linabas niya yung phone niya at nagtext. Ako naman nakatingin padin kay Meng. Baka kung ano pang mangyari sakanya.
Naalala ko yung napulot kong papel kanina. Sa sobrang sakit ng ulo niya hindi niya siguro napansin yung papel na nahulog kaya ako ang pumulot.
Bago ko binigay kay Meng sinigurado ko munang sakanya nga talaga kaya binuksan ko. At nakita ang handwriting ni Niko. Alam ko ang handwriting ni Niko, ilang beses ba naman kaming naging magkaklase noon.
Mukha ngang mangyayari samin ang nangyari noon saming tatlo nila Nichole.
(Continuation of Chapter 22)
Flashback. .
"Ui teka lang naman. Hintayin mo naman ako." Sabi ni Nichole habang tumatakbo palapit sakin pero patuloy lang ako sa paglalakad.
Nang makakita ako ng bakanteng mesa, linagay ko yung bag ko sa bakanteng upuan. Lunch na. Kaya naman nag-libot libot ako para maghanap ng makakain.
Nang makakita na ako ng makakain pumila na ako.
"Ano sayo?"
Nagulat ako at lumingon sa likod ko. Si Nichole. Ang bilis niyang makahabol sakin.
Hindi ko siya pinansin at pumila nalang ako.
Ano bang gusto ng babaeng ito sakin? Para siyang aso, sunod ng sunod sakin kahit san ako magpunta at naiinis ako dahil dun. Lalo pa't hindi ako sanay. Hindi ako close sa mga babae.
Nag-order na ako ng Lechon paksiw. Sumilip naman si Nichole sa plato ko. Pero pinabayaan ko lang siya.
"Ako Ate same lang sakanya." Narinig kong sabi ni Nichole.
Nang-iinis ba siya? Kasi kung oo naiinis na ako ngayon.
Pumunta na ako sa mesa at nagsimulang kumain. Napansin ko namang may bag sa mesa. Malamang kay Nichole yun.
Hindi ko nalang binigyan ng pansin yun. Basta binilisan ko nalang ang pag-kain ko.
Maya maya pa ay umupo sa harap ko si Nichole. Linapag niya yung tray na hawak niya at nagsimula ding kumain.
Napapansin kong tumitingin tingin siya sakin pero ako tuloy padin sa pag-kain.
Bigla naman siyang tumayo at umalis pero iniwan niya lang yung pagkain niya dun.
Maya maya pa ay bumalik siya na may dalang dalawang Choc-o.
Linapag niya yung isa sa harap ko habang naka-ngiti. Ako naman tumingin sakanya ng magkasalubong ang kilay.
Naalala ko wala pala akong nabiling inumin.
After all may maganda din pala siyang kalooban. Ako lang talaga siguro yung masungit.
Tumingin ako sakanya.
"Salamat." Sabi ko habang nakangiti pero binalik ko sa poker face ang mukha ko. Agad naman siyang tumingin sakin at ngumiti. Yung ngiti na nakakatunaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/28051575-288-k125860.jpg)
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.