Chapter 35 Andre Niko

38 1 0
                                    

Thankyousamgabinibigaymo. :) na-appteciatekolahat. Peropwedebangmagpakikilalakana? Please. >.<

Andito kami ni Drex sa sasakyan ko. Katatapos naming ilagay yung binili kong bracelet sa locker niya ng may makita kaming note.

Chaka nalang ako magpapakilala pag tapos na ang game at pag naging champion ulit kami. Balak ko siyang isama sa outing ng team.

"Bro, tara na may practice pa tayo." Sabi ni Drex. "Pero sa tingin mo may ideya na siya na ikaw yun?"

"Wala. Haha. Malakas ang kutob ko na wala."

Lumabas na kami ng sasakyan at naglakad papuntang locker room.

"Nakita ko pala si Meng at DJ kahapon sa isang resto. Sila na ba?"

Nagulat ako. Dumadamubs nadin ang loko.

"Sabi naman sakin ni Meng na magkaibigan lang daw sila."

Yun siguro ang angat ako kesa kay DJ. Para kay Meng magkaibigan lang sila. Pero sabihin na nating pantay kasi hindi pa ako nakakapag-pakilala.

Nagpalit kami agad pagdating sa locker room. Pumunta nadin kami sa gym.

Kelangan naming mag practice ng mabuti. Kalaban namin ang PCU. Magagaling sila tinalo nila kami last year ng dalawang beses.

Wala sila Meng ngayon. Busy siguro.

Focus lang kaming lahat sa pagpa-practice. Ito ang isa sa mga gusto ko sa mga teammates ko, seryoso pag nasa court.

After ng practice dumirecho na ako ng uwi at kelangan ko pang gawin ang mga homework ko at mag-review.

"Hi Kuyaaaaaaa!! I bet your tired and hungry I made macaroni soup for you." Sabi ni Andrea kahit na hindi siya yung gumawa. Natira lang to kagabi e. -_-

"Thanks." Sabi ko nalang para hindi siya mabasag. Kawawa naman.

Naglakad si Andrea papuntang kusina at sinundan ko lang siya. May nakahanda na soup sa mesa kaya agad akong umupo at linapag ko sa sahig yung bag ko.

Kumakain ako ng biglang naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Kaya kinuha ko agad sa bulsa ng bag ko.

From: Meng

Magpakilalakanaplease. >.< Hindiakomakakatulog.

Haha. Unting tiis nalang Meng.

Si Andrea nakatitig sakin ng nakangiti.

"What?"

"Nothiiiiiing ^____________^"

Bigla naming narinig na nag-bukas yung pintuan. Dumating na siguro si Papa. Pero may narinig din kaming boses ng babae.

"So Nichole are you willing to take the offer?"

Nichole?

"Yes Sir, definitely." Sagot ni Nichole habang papasok sila sa kusina.

"Hi Andrea and Niko." Sabi ni Papa.

Ngumiti lang ako kay Papa. Ito namang si Andrea gulat na gulat. Pagkalaki laki ng mata. -_-

"Kuya, she's your girlfriend?!" Tanong niya habang tumakbo siya papunta kay Nichole.

"What? No!" Sabi ko. Ako? Yan? No way. Ex? Oo.

"Really? Bakit sabi sakin ng Mama mo na may girlfriend ka at isa daw siyang Santiago. I bet si Nichole yun since siya lang naman ang  nag-iisang anak ng Santiago and Associates." Sabi ni Papa.

What?!

"Hindi ko po siya girlfriend. Absolutely---"

"Yes." Pagpuputol sakin ni Nichole. "May hindi lang po kami pagkakaintindihan kaya baka po ang alam niya e wala na kami." Sabi niya habang naka-ngiti kay Papa.

Si Andrea nakatunganga lang.

"Ano?! Hindi. Walang tayo. Hindi ta--"

"Sorry po Mr. Aguilar pero kelangan po namin munang maayos to. Labas lang po kami saglit." Sabi ni Nichole sabay hila sakin palabas.

Nung nasa labas na kami chineck ko muna ng mabuti kung walang nakakarinig at nakakkita samin. Chaka ko hinarap si Nichole.

"Nichole anong kalokohan to?! Hindi mo ba naisip na maraming masamang pwedeng mangyari?"

"Alam ko. Pero may magagawa pa ba ako? Pag-tayo na ang mga may ari ng mga kumpanya na hinahawakan ng mga magulang natin pipilitin at pipilitin ako nila Mama na makipag-merge sainyo and worse na magpakasal sayo. Nalulugi na kami Niko at kayo nalang ang pwede naming lapitan. Pumayag na ang Mama at Papa mo. Besides hanggang ngayon ang alam padin ng Mama mo e tayo padin."

"Nichole pwede mo namang sabihin yung totoo, na hindi tayo. Matutulungan padin naman namin kayo e."

"Wag mo nalang muna sabihin kahit kanino. Satin nalang muna. Please."

Pagkasabi niya yun umalis na ako. Pumasok na ako ng bahay at dumirecho sa kwarto. Iniwan ko na siya dun.

Sinabi ko naman kina Mama at Papa noon na wala na kami. Alalang alala ko pa yun. Pero bakit ang alam padin ni Mama e kami padin?

Nag-iisip ba yun? Pano nalang sila ni Mezzo?

Maya maya may kumakatok sa pintuan ko.

Hindi ko pinansin nung una. Ayoko muna sana ng may kausap. Pero tuloy tuloy yung katok. Sino pa nga ba?

"Come in."

At bigla namang pumasok si Andrea. Dere derecho siyang lumapit sakin.

"What?" Tanong ko sakanya na may halong pang-iinis.

"I heard everything."

"Andrea Kyla don't you dare tell a thing to anyone. Understand?!"

Nice! Una, si Nichole. Ngayon naman alam nadin netong si Andrea. Kelangan ko siyang bantayan ng todo. Pano nalang pag-nasabi niya lahit sa isang tao? Mabilis pa naman ang chismis, lalo na sa school.

Tumango lang siya at umalis na ng kwarto ko. Halatang disappointed si Andrea. Syempre ine-expect niya na magkakaroon na siya ng Ate.

Yung tinatayo kong relasyon namin bilang magkapatid biglang gumuho dahil lang sa isang pagkakamali.

Hindi ako mapakali. Baka bukas makalawa alam na ng buong school. Pano nalang kung malaman ni Mezzo? Ano nalang mangyayari? Pano nalang kami ni Meng?

Pa-ikot ikot ako sa kwarto ko. Hanggang sa napagod ako.

Kelangan ko ng magpahinga, may laro pa kami bukas. Kelangan ko munang itabi lahat ng yan.

Kumuha ako ng damit pantulog at nagpalit. Dumirecho nadin akong humiga. Antagal din bago ako makatulog.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon