Pumunta muna ako sa bleachers para kausapin saglit sila Meng.
"Niko una na kami ni Dianne. Malapit nadin kasing dumilim." Pagpapa-alam ni Kat.
"Okay. Thanks sa panunuod."
"Wala yun. Bye!" Kumaway siya at humarap kay Meng. "Bye friendship! Ingat ka."
"Bye! Ingat din kayo." Sagot ni Meng at tuluyan na silang umalis.
Ngayon, kaming dalawa nalang ang natira.
"Ikaw Meng? Hindi ka pa ba uuwi?"
"Hintayin ko lang si Kuya. After 10 minutes siguro andito na yun."
"Okay. Samahan na kitang maghintay."
"Hindi. Wag na. Okay lang. Kelangan mo nang maligo at nangangamoy ka na. Haha."
"Pogi naman ako. Haha."
"Balewala yang kagwapuhan mo kung mabaho ka rin lang. :p"
"Oo na! Ikaw na panalo. Ligo lang ako saglit para wala ka nang masabi. Bye nadin at baka hindi na kita maabutan."
"Sige. Bye! shoo! Haha."
Lumingon ako for the last time sakanya at ngumiti. Nakita ko namang namula siya. Lakas talaga ng appeal ko. Haha.
Dumirecho na ako sa locker room para maligo. After kong maligo nag-ayos na ako ng mga gamit ko sa locker.
"Bye Captain! Good luck satin bukas." Sabi ni Tricky.
"Bye!" Sabay sabay na sabi ng buong team.
"Bye! Ingat!" Sabi ko.
Ako nalang pala yung natira. Unting ayos nalang ng gamit.
After nun. Lumabas na ako ng gym at nagtungo sa parking lot ng school.
Sumakay nadin agad ako.
Palabas na ako ng school nang mahagip ng mga mata ko si Meng na nakatayo sa waiting shed malapit sa gate ng school.
Hininto ko yung sasakyan sa tapat niya at binaba ko yung bintana nung sasakyan.
"Hinihintay mo padin Kuya mo?" Tanong ko.
"Hindi. Naghihintay ng masasakyan. May pinuntahan pa kasi si Kuya at si Nichole."
"Hatid na kita." Pag-aalok ko. Namula naman siya.
"Hindi. Wag na. Okay lang ako. Kaya ko nang umuwi." Pilit niya.
"Malapit na kayang dumilim baka kung ano pang mangyari sayo. Chaka once in a lifetime lang ako mang-alok." Sabi ko habang binuksan ko yung pintuan nung passenger's seat.
Ngumiti lang siya. "Sige na nga. Salamat."
"No problem. San bahay niyo?" Tanong ko. Actually alam ko, naalala ko pa yung daan nung sinundan ko sila. Pero tinanong ko nalang para wala siyang masabi.
"Quezon hill." Sabi niya sabay tingin sa labas.
"May tanong ako." Sabi ko habang nakatingin padin sa kalsada.
"Ano yun?"
"Bakit sa tuwing kasama mo ako ang tahimik mo?"
"Ha? Hindi rin no. Wala lang talaga kasing mapag-usupan."
"Mmmmm. May tanong ulit ako."
"Sige lang." Sabi niya habang nakatingin sakin at hinhintay yung tanong ko.
"Nanliligaw ba sayo si DJ? O kayo na?"
Nagulat siya sa tanong ko. "Kami ni DJ? Hindi no. Magkaibigan lang kami. Ba't sino nagsabi sayo niyan?"

BINABASA MO ANG
Admirer
RomansaAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.