Lunch na!
Dali dali kong linagay yung notebook ko sa bag ko at sinara. Pumunta agad ako kay Meng. Hinila ko siya.
"Ui ui ui ui ui! Teka!" Kinuha niya agad yung bag niya. Patuloy ko padin siyang hinihila hanggang sa makarating kami sa isa sa mga malapit na kainan sa school. Reklamo siya ng reklamo pero hinayaan ko lang.
Binitawan ko yung kamay niya ng makalapit na kami sa pintuan. Parehas kaming hinihingal.
Inayos niya yung bag niya pati yung buhok niya pagkatapos ay humarap siya sakin.
"Teka nga! Bat mo ba ako hinihila?" Sabi niya habang hinahabol yung hininga niya.
"Magla-lunch tayo. Libre ko." Sabi ko habang pumunta sa may pintuan. Binuksan naman nung guard.
Lumingon ako sakanya nakita kong naiinis siya pero yung gilid ng lips niya gustong ngumiti pero pinipigilan niya.
Hahaha! Nakarinig ng libre e. xD
Hindi nagtagal at pumasok na siya. Sumunod nadin ako. Pinili niya yung mesa na pangdalawa at malapit sa bintana.
Halata kong mahilig siya sa may view.
Umupo siya, umupo nadin ako sa harap niya.
"Sa susunod, sabihin mo ng mabuti. Hindi yung nanghihila ka nalang agad." Sabi niya habang nakatingin sa bintana.
"Sorry. Baka kasi maunahan nanaman ako nila Dianne at Kat sayo kaya inunahan ko nalang sila." Sabi niya.
Tumingin siya sakin. "Bakit? Pwede mo naman silang isama e."
"Pangdalawa lang yung pera kong pang-lunch e." Sabi ko ng nakangiti.
"Psh. Sige na nga! Loko to! Basta wag mo nang uulitin yun. Siguradong nagtataka na sila Dianne kung nasan na ako."
"Yep. ^_______^"
Bigla namang dumating yung waiter.
"Magandang tanghali po. Ano pong oorderin niyo?"
Tumingin lang sakin si Meng pero tumango lang ako.
"Rice with giniling. Mac and cheese. Grahams. Tapos orange juice."
Tumingin ulit siya sakin.
"Lakas kumain a. Haha." Sabi ko. Humarap ako sa waiter. "Ganun nadin ako. Salamat"
"Okay po. Pahintay nalang po saglit." Sabi nung waiter at tumango nalang ako.
"Gaya gaya!" Sabi ni Meng pagkaharap ko sakanya.
"Gaya gaya agad? hindi ba pwedeng yun din ang gusto kong kainin?" Sabi ko ng nakangiti.
"By the way, bakit moko linilibre? Dahil ba magpapasalamat ka sakin at pinush kitang isayaw mo si Kat? Yeeeeeee!."
"Baliw! Hindi din no. Pero salamat nadin kasi naging close na kami."
"Wushu! Echosero! Hahaha. Pero bakit nga?"
"Wala lang. Gusto lang kita ilibre." Nakangiti kong sabi.
"Woooo! Alam ko namang may dahilan." Pang-aasar niya.
Biglang dumating yung waiter dala yung mga inumin namin.
Naisip ko bigla. Bakit ko nga ba siya linilibre? E kasi nga gusto ko. Bakit ba? Crazy! Kausap ko nanaman sarili ko.
"Oo nga pala, thank you sa paghatid sakin nung debut ni Kat. Sorry nadin kasi nakatulog ako. Sobrang pagod ko kasi nun e. Hindi ko na kinayanan."
"Ang bigat mo nga e. Tapos tulo laway ka pa. Kadiri!"
"Ang OA!"
"Haha. Joke lang. Walang anuman."

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.