Umupo siya sa tabi ko.
"Oh bat parang gulat na gulat ka?" Linapag na niya yung pagkain niya sa mesa.
"Akala ko ba sa America ka na mag-aaral? Bat ka andito?" Sabi ko ng may halong pagtataka at galit sa tononng boses ko. So tama pala yung sasakyan na nakita ko kaninang umaga. Sakanya pala talaga yun.
"Grabe ka naman. Ayaw mo bang andito ako?" Tumingin siya sakin at sumubo. "Well, ang boring sa America kaya nagdecide akong pumunta ulit dito, chaka I am assigned to help manage one of the building here na pinapatayo ng Papa mo. Besides, gusto kitang makita. Long time no see." Sabay ngiti. Humarap na siya sa pagkain niya at pinagpatuloy niyang kumain.
Humarap nadin ako sa pagkain ko. Bigla akong nawalan ng ganag kumain kaya tinulak ko na yung pagkain ko palayo sakin. Napansin niya naman ito at humarap sakin habang ngumunguya.
"Oh? Hindi mo pa nauubos yan ah. Sayang nam----."
Tumayo na ako at kinuha ko na yung bag ko. Derederecho akong lumabas ng food court.
"Ui! Niko! Teka lang!"
Binilisan ko pa ang paglakad ko hanggang hindi ko na siya marinig pa.
Dumirecho ako sa CR. Tumapat ako sa may salamin. Naghugas ng kamay at pagkatapos ay naghilamos.
Bakit ba siya andito? Hindi ko alam Pero parang bumabalik yung galit ko. Tapos umaasta pa siya na parang walang nangyari. Langya!
Siya lang naman ang dakilang EX ko.
Ayoko nang maalala pa. Baka may magawa akong hindi maganda.
Pinatuyo ko na ang mga kamay ko at lumabas na sa CR. Dumaan ako sa daan na hindi masyadong matao. Ayoko na ulit na makasalubong yung babaeng yun.
Naisipan kong magpunta muna sa locker room. Maaga pa naman para sa susunod na klase.
Ilang minuto pa ay nakarating din ako ng locker room ng hindi nakakasalubong si Nichole.
Pagkabukas ko ng pintuan andun sa isang sulok sila Drex, Tricky at Deyle.
Napunta lahat sakin ang atensyon nila.
"Oh Captain!" Sabay na sabi ni Tricky at Deyle.
Napansin ata ni Drex na kakaiba ichura ko.
"Okay ka lang bro?" Tanong ni Drex
Lumapit ako sa kung saan sila naka-pwesto.
"Babae nanaman ba yan? Yan kasi, ang pogi mo masyado Captain. Ang daming naghahabol sayo." Tricky
"Oo nga! Share ka naman ng kapogihan mo!" Sabi ni Deyle. Tawa naman sila.
"Tsk. Ulol!" Yun nalang ang nasabi ko.
Kahit kelan talaga tong mga to. Hindi nakakatulong.
Pumunta ako sa kabilang dulo ng locker room. Kung saan hinahati ng mga lockers kaya hindi ko na nakikita sila Tricky.
Umupo ako at ibinaba yung bag ko. Sumandal ako sa pader. Linabas ko din yung earphones ko at sinaksak sa phone ko, linagay ko din naman agad sa tenga ko. Pinikit ko din ang mga mata ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong may humawak sa braso ko.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Drex na nakatayo sa gilid ko.
Tinanggal ko yung earphones sa tenga ko.
"Bro, okay ka lang? Mukha kasing may problema ka eh." Concern na sabi ni Drex.
"Thanks bro."
Umupo naman siya sa katabing upuan.
"Naaalala mo pa si Nichole?" Tanong ko kay Drex.
Lumaki agad yung mata niya nung narinig niya yung pangalan ni Nichole.
"Oo bro. Bakit? Anong meron sakanya?"
"Andito siya. Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko maraming Hindi maganda ang mangyayari."
"Pano mo alam? At bakit naman siya andito?"
"Nakita niya siguro akong kumakain sa food court tas bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Gulat na gulat nga ako eh. Sabi niya na magma manage daw siya ng isang company dito at yun yung ginagawa ni Papa na building."
Hindi ko na sinabi yung part na 'gusto akong makita ni Nichole'. Galit lang ang nararamdaman ko. At alam ko ding yun ang mararamdaman ni Drex pag sinabi ko yun.
Napabuntong-hininga nalang ako sa sobrang frustrated ko. Bat ba baki andito siya? Manggugulo nanaman ba? Haaaaaaay.
5 minutes nalang at time na. Kaya andito na ako sa harap ng building namin.
Binilisan ko pa ang paglakad.
Malapit na ako sa harap ng classroom ko nang makita ko sila Meng at DJ na papalapit din sa classroom, pero nasa opposite side sila, nagtatawanan.
Bago pa ako pumasok sa classroom napatingin sakin silang dalawa.
Ngumiti sakin si Meng. Ngumiti din ako sakanya. Napansin ni DJ kaya naman nagsalubong yung kilay niya at pabalik balik ang tingin niya samin ni Meng.
Tumingin din naman agad sakin si DJ at tumango.
Tuluyan nadin akong pumasok. Naramdaman ko din na sumunod na sila Meng sa likod ko.
Sa pagpasok naming tatlo. Tumahimik ang klase at nararamdaman kong lahat ng tingin ay nasamin. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang nagchismisan ang buong klase.
Nagtataka siguro sila kasi nung isang araw kasabay ko si Meng. Pero ang kasabay niya ngayon si DJ. Syempre yung bagong lipat na baabe makakasabay yung kilalang mga lalaki dito sa school sa magkaibang araw. Syempre ako din magtataka, sino ba namang hindi?
Dumirecho na ako sa upuan ko sa likod. Ganun din si DJ. Si Meng naman tumabi dun sa dalawang babae sa harap.
"Good Afternoon class"
Hindi ko napansing pumasok na pala si Mam. Umupo siya saglit at inayos yung projector.
"Good Afternoon Mam, sorry I'm late" sabi ng isang estudyante habang hinahabol ang hininga niya.
Lumingon ako para tignan kung sino yun.
At nanlaki ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
