Chapter 6 Andre Niko

37 4 0
                                    

Agad akong pumunta ng banyo at naligo. Habang naliligo, naisip ko yung babaeng nakaupo lang kanina. Tsk. Ayoko ng isipin yun. Nakakastress.

Lumabas na ako ng banyo at nagpalit. Nag-ayos ng sarili at naglakad na papunta ng parking lot.

Nakita ko nanaman yung babae, may kasamang lalaki. Pumasok sila sa sasakyan. Pumasok nadin ako sa sasakyan ko. Binalak kong sundan ang babaeng yun at yung kasama niyang lalaki kung sino man siya.

After 20 minutes, nag slow down yung sasakyan nila kaya nag slow down nadin ako. Pinasok nung lalaki yung sasakyan sa garahe. Ako naman nag park across ng bahay nila. Hinintay kong makababa yung babae. Nang makababa siya sumunod yung lalaki at sinalubong sila ng babae ng nasa early 50s.

Ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig yung  lalaki at babae. Kaya ang hinala ko ay magakapatid sila. At nanay nila yung sumalubong sakanila.

Pinaandar ko na yung sasakyan at nagdrive papunta sa school ng kapatid ko para sunduin ko siya. Habang nagdadrive naisip ko nanaman yung babae. Argh! Ano bang meron sakanya? Bakit ko siya naiisip? Langya! Ayoko na!

Pinark ko na yung sasakyan sa harap ng school. Bumaba na ako at sumalubong naman agad sakin yung kapatid ko.

"Hi Kuyaaaaaaaaaaa! How are you? How's school? Did you find a girl?" Tanong ni Andrea ang kapatid kong 7 years old.

"Yeah" Lagi nalang niyang tinatanong sakin yan, gustong gusto niya daw kasing magkaroon ng Ate. Ang sungit ko daw kasi. Haha.

"REALLY?! Is she kind? Is she beautiful?"

"Very" sagot ko ng nakangiti sakanya.

Langya! Anong nangyayari sakin?!  Bigla ko siyang binigyan ng poker face na tingin at nagsimulang maglakad pabalik ng sasakyan. Hinintay ko siyang makarating sa may passenger's seat, nang makarating na siya, tinulungan ko siyang umakyat ng sasakyan. Sinarado ko yung pintuan at tumakbo sa driver's seat. Pagkaupong pagka-upo ko nagtanong agad siya.

"Kuya! Kuya! Kuya? Tell me more about her. Is she cool?"

"Nah. Forget what I said just be quiet"

Narinig kong nagbuntong hininga siya. Masunurin yan pagdating sakin. Haha. Lagi ko kasing nasusungitan.

Patuloy lang ako sa pagdadrive.

Naiisip ko nanaman siya. Nacucurious na tuloy ako kung sino siya. Tsk. Tama na talaga. Kelangan kong gawing busy ang sarili ko. Kaya naman binilisan kong magdrive para magawa ko na lahat ng homework ko.

After 15 minutes nakarating nadin kami ng bahay. Hindi na ulit nagtanong pa si Andrea ng kung ano ano. Dumirecho na ako sa kwarto ko. Naghilamos at nagpalit ng pambahay. Pumunta na ako sa study table ko at sinimulang gawin ang mga homework ko.

Ilang sandali pa ay may narinig akong katok sa pintuan ko.

"Kuya! I'm already hungry" pagmamaktol ni Andrea

Lumabas ako at bumaba. Sumusunod naman sakin si Andrea.

Tatatlo lang kami nila Papa dito sa bahay. Si Mama nasa America nagtatrabaho. Kaya englishera yang si Andrea, dun siya naipanganak at lumaki pero pinunta din siya dito para maging close daw kami. Pero kabaliktaran yung nangyari. Ang kulit kulit niya kasi. Nakakabanas, kaya hindi ko maiwasang mainis sakanya. Kaya nga lagi niya akong tinatanong kung may nakilala na akong babae e, kasi gusto niyang magkaroon ng Ate.

Gumawa ako ng Mac and cheese. Kumuha ako ng bowl, linagyan ng food at inabot sakanya.

Kadlasang wala si Papa dito sa bahay. Engineer siya. Madami siyang ginagawang projects kaya sobrang busy. Habang wala si Papa, kelangan kong alagaan tong si Andrea. Minsan sobrang kulit pero pag nainis na ako magtataas ako ng boses, makikinig din naman siya. Minsan nga naisip ko sana hindi nalang siya pinunta dito sa Pilipinas. Haha. Pero joke ko lang naman yun. Kahit napakakulit niyan kapatid ko padin siya.

"Is she cool?"

-_-

"Hehe. ^_______^"

"I dunno. Maybe. That's enough. Just keep quiet and eat."

Sinunod niya naman ako.

Pagkatapos naming kumain. Hinugasan ko na ang mga plato.

Pagkatapos umakyat na ako. Sumusunod naman si Andrea.

"Good night Kuya."

Lumingon ako sa kapatid ko. Ngayon lang niya ako binati ng ganun.

"Night" sabi ko habang nakatingin sakanya na nagtataka.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon