Meng's POV
Naka-upo na ako dito sa mini park malapit sa village namin. Nagpa-alam nadin ako kila DJ at Kat, since may practice sila para sa Fusion. Si Dianne naman derecho uwi na. And speaking of Fusion apat na araw nalang pala yun.
Hinimas ko yung magkabilang braso ko. Ngayon ko lang naramdaman yung lamig. Bigla din akong kinabahan. Pero bakit naman ako kakabahan e mag-uusap lang naman kami.
Kelangan ko ding pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Tama na ang iyakan mode. Iniyak ko na lahat kagabi, yun na yun. Ayoko na. Dapat maging matatag ako, dapat hindi ako magpapakita ng kahinaan.
Tinignan ko yung oras sa phone ko. 5:15 na. 15 minutes na akong naghihintay. Hindi ba dapat andito na siya?
Bago pa ako mag-isip ng kung ano ano biglang may tumapat na sasakyan sa harap ko. Baka ito na si Niko. Bago niya kayang sasakyan to? Siguro.
Maya maya pa ay may bumabang babae. Siguro nasa mga late 40s na siya. Mejo nakaka-intimidate siyang tignan. Mejo nakakatakot din. Sobrang kapal ng make-up at ang formal ng suot.
At dun ko lang narealize nung tumingin siya sakin na kamukha niya si Niko.
Nanay ni Niko.
Nanigas yung buong katawan ko sa pagkaka-upo ko. Hindi ko alam yung gagawin ko kaya nanatili akong umupo.
Naglakad siya papalapit sakin.
"Ms. Zander." Sabi niya sa mejo mataray na boses at may pagka-slang.
Napatayo agad ako. "Hello po Mrs. Aguilar. Magandang hapon po." Sabi ko ng mejo nahihiya at mahina.
"Impressive. Kilala mo agad ako." Sabi niya at inayos niya yung postura niya. "Parehas na parehas kayo ng ugali ng Step Sister ko." Sabi niya na may emphasize sa Step sister.
"Step sister?" Tanong ko.
"Oh! My bad. Hindi mo alam?"
"Na alin?" Tanong ko na mejo naiinis na. Nawawalan nadin ako ng galang sakanya.
"Yung Mama mo Mezziya. Step sister ko. Oh! Hindi ko na pala siya step sister dahil siya na mismo ang umalis ng bahay. Don't tell me hindi mo din alam yun?" Tanong niya.
Napataas yung kilay ko sa bagong impormasyon na natanggap ko. Totoo ba to? Bakit ngayon ko lang to nalaman?
"Pano naman ako makakasiguro na totoo yang mga sinasabi mo?" Tanong ko na talagang nawawala na yung respeto ko sakanya. Nararamdaman ko nading nag-iinit yung katawan ko dahil sa galit.
"O, why not ask your Mom Mezziya? By the way, hindi yan ang pinunta ko dito." Bigla akong napayuko. Napapa-isip ako kung maniniwala ba ako o hindi. Mas magandang tanungin ko nalang si Mama. "This is about Niko." Pagpapatuloy niya at biglang napunta lahat ng atensyon ko sakanya. "But before that. ."
Hindi ako nagsalita hanggang sa may binigay siyang sobre. Tinignan ko lang siya ng tingin na nagtatanong.
"Come on. Take it."
At kinuha ko.
"That's cash amounting to 500,000 pesos. That's from your Dad by the way. Sabi niya ibigay ko daw sainyo. Too bad hindi siya makakauwi dito." Sabi niya na may smirk.
"Ano naman yung tungkol kay Niko?" Agad kong tanong dahil naiinip na ako at gusto ko nang umuwi.
"You're a tough girl e?" At lumuwang pa yung ngiti niya na nakaka-asar. "Okay. Andito ako para sabihing layuan mo na si Niko. Hindi siya nababagay sayo kasi isa kang Zander at isa siyang Aguilar. And that's absolutely the reason."

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.