Andito na ako sa upuan ko. Wala pa yung kaibigan ni Meng na si Kat. Wala padin si DJ pati si Nichole.
Nakakapagtaka talaga yung kanina. Lumapit si Nichole kay Meng. Magkakilala sila?
And speaking of Meng kamusta na kaya siya? Ang putla nung ichura niya nung tinatakbo ko siya sa clinic.
Sinusubukan ko siyang gisingin pero nawalan talaga siya ng malay.
Kamusta na kaya siya? Kanina pa siya hindi matanggal sa isip ko.
Bigla namang tumahimik yung classroom. Yung buong atensyon ng klase napunta sa may pintuan.
Papasok si Kat na ina-alalayan si Meng. At isa pang girl sa left side ni Meng. Sa likod naman si DJ at Nichole.
Dumirecho na sila Meng sa upuan nila. Mukhang mas okay na si Meng ngayon kumpara kanina.
Si DJ papasok na sana pero may tumawag ng pangalan niya kaya binalik niya yung atensyon niya sa may pintuan. Pagtingin ko yung kapatid ni Meng.
May sinasabi siya kay DJ. Tumango lang naman si DJ. Magkakilala na sila. Huli na ba ako kay Meng?
Pumasok nadin si DJ at dumirecho sa upuan niya. Sumunod si Nichole pero bago pa siya pumasok yinakap niya muna yung Kuya ni Meng.
Anong meron? Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong malaman. Kung paano nagkakilala sila DJ at yung Kuya ni Meng. Kung bakit sobrang close ni Meng at ni DJ. Kung bakit kilala ni Nichole si Meng at yung Kuya ni Meng.
Kilala ko na si Kat kaya siguro makakasagap ako ng mga impormasyon sakanya.
Maslalong nagkaroon ako ng protectiveness kay Meng dahil sa mga nangyari kanina. Ayoko na ulit mangyari yung mga nangyari kanina. Kaya kahit hindi pa kami ganun ka-close gagawin ko lahat ng makakaya ko para protektahan ko si Meng.
OA na kung OA. Sino bang makakapigil sa bagay na nakakapagpasaya sakin?
Pumasok na si Mam. Agad agad naman siyang nagturo. Habang nagtuturo si Mam. Pasluyap sulyap ang tingin ko kay Meng, sinisigurado kong okay na talaga siya.
~
3 WEEKS AFTER. . .
Game na! Labanan na ng school to school.
The past weeks tinadtad kami ni Coach sa training. Madaling araw. Pati hapon. Wala namang problema sa paghatid sundo kay Andrea kasi since tapos nadin yung project ni Papa siya na muna ang umasikaso kay Andrea. Kaya bawas sa problema yung makulit na kapatid kong yun. Every other night atang kinukulit akong tanungin ng tanungin tungkol kay Meng. Hindi kasi makapaghintay. -_-
Nung mga nakaraang linggo din patuloy padin ang pagbibigay ko ng kung ano ano kay Meng ng hindi niya alam na ako ang nagbibigay. Minsan chocolate, yung mga bite size lang. Para hindi ulit siya himatayin tulad noon. Feeling ko kasi kulang sa sugar yung si Meng e. Minsan naman inumin. Nalaman ko kay Kat na favorite ni Meng ang milk tea, yung taro flavor kaya binilhan ko din siya nun. Nung nakita ko ngang natanggap niya na e tuwang tuwa, parang bata. Haha.
Naalala kp yung unang binigay kong note sakanya. Natanggap niya kaya yun? Yun kasi yung araw na hinimatay siya. Sana nga natanggap niya.
Unti unti ding napapalapit na ako kay Meng sa tulong ni Drex, Kat at Dianne. Nakilala ko nadin si Dianne. Pinakilala sakin ni Kat nung isang hapon pagkatapos ng basketball practice namin. Lagi lagi na kasi silang nanunuod. Silang tatlo.
Maslalo na tuloy akong ginanahan maglaro at magpractice.Andito kami ni Drex sa food court nagla-lunch. Pinagplaplamuhan namin kung ano yung next move namin kay Meng.
"Bro, ayaw mo talagang gamitin kapatid mo? Para makilala na niya." Suggest ni Drex. Kinwento ko kasi sakanya na nangungulit tong si Andrea sakin tungkol kay Meng.
"No way. Baka kung ano ano pang sabihin ni Andrea. Masira pa plano ko." Sagot ko.
"Okay. Sabi mo e. So ano ang next move natin?" Tanong niya ng nakataas ang kilay.
Nag-isip pa ako ng pwede naming gawin na hindi kasama si Andrea. After 5 minutes wala padin akong maisip. Piniga piga ko na yung utak ko pero wala talaga hanggang sa nag-give up na ako.
"Sige na nga. Si Andrea na. Wala na akong ibang maisip." Ngumiti naman ang loko. "Basta pagsasabihan ko nalang yung kapatid ko." Pagpapatuloy ko.
"Sabi sayo e. Magtiwala ka kasi sa kapatid mo. Chaka, ngayon ko lang ata sasabihin sayo to, mahilig sa bata si Meng." Drex
"Talaga? Pero kahit na. Ang kulit kulit kaya nung kapatid ko."
"Sus! Trust me bro. Gagana yun." Ngiting sabi ni Drex.
Kalma lang siya sa plano namin tungkol kay Andrea. Samantalang ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung tama bang isali ko si Andrea. Bahala na si Batman, si Superman at ang buong justice league, may tiwala ako sakanila.
Sa di kalayuan nakita ko si Nichole at Mezzo. Sabi sakin ni Kat na Mezzo yung pangalan ng Kuya ni Meng. Nakwento niya din samin na sila na. Hindi nga ako makapaniwala nung una e. At ayoko munang magsalita tungkol jan. Kaya hayaan nalang muna natin sila.
Pumasok nadin kami after kumain. Mabilis din namang natapos ang klase. Paalis na sana ako ng biglang mabasalita si Kat.
"Niko! May practice ba kayo ngayon?"
"Yep meron. Papunta na ako actually. Bakit?"
"Sabay na kami. Kung okay lang sayo."
"Oo naman."
Sabay sabay na kaming pumunta ng gym. Tuwing manunuod sila ng practice hindi nila kasama si DJ o si Mezzo o si Nichole. Kaya silang tatlo lang, masaya na ako dun walang epal.
Pina-una ko na sila sa loob ng gym habang ako dumirecho sa locker room para magpalit.
Paglabas ko ng locker room pumasok nako agad sa gym. Nakita ko agad sila Meng sa dati nilang pwesto.
Sabi sakin ni Drex tuwing practice nakatingin daw lagi sakin si Meng. Ewan ko nga kung bakit e. Siguro sobrang pogi ko na. Haha.
Nagstreching muna kami. Tapos after nun exercise, tapos sa footworks naman, tapos kasama na ang bola. Pasa dito pasa doon. After nun practice sa 3 point shoot.
Tinawag naman kami agad ni Coach after ng practice namin.
"Okay so bukas na ang simula ng laro. Ang unang makakalaban niyo ay ang Don Bosco University. Hindi ko na kailngang ulitin lahat ng mga dapat niyong gawin. Dapat nakatatak nalang yan sa utak niyo."
Ganyan si Coach, pinapabayaan niya kami sa mga strategies na gagawin namin. Chaka nalang mangengealam si Coach pag dehado na kami sa laro.
"Niko, you know what to do with your team."
"Yes sir."
"Okay. Now go home and take a rest. You all know the rules, walang night party during the game. Pagnaging champion ulit kayo this year mag-a-outing tayo, all expenses will be taken by me." Ngiting sabi ni Coach.
Naghiyawan naman ang buong team. Pina-uwi nadin kami ni Coach.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomansaAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.