Chapter 66

15 0 0
                                        

Gumising ako ng determinado.

Late na akong nakatulog kagabi dahil nag-iisip ako ng pwedeng gawin para makatulong ako kila Papa kumita ng pera at para makabayad ng konti kahit papano dito sa bahay ni DJ.

At napag-isipan kong magbenta ng pagkain. Yung pagkain na mabubusog ang tao. Kaya naman naisip kong gumawa ng pancake na may palaman na peanut butter.

Madali lang gawin yun. Kaya linista ko na lahat ng mga ingredients at lahat ng kelangan para sa pancakes ko.

May konti akong ipon pero sapat na para makabili ng kelangan ko para sa pagtitinda ko.

Kinuha ko yung listahan sa mesa ko at tinignan muli, baka may nakalimutan ako.

Dahil linggo ngayon, walang pasok kaya pupunta ako ng grocery store.

Tapos na akong maghanda ng sarili ko. Tinawagan ko sila Kat at Dianne para tulungan ako sa pagbili. Agad naman silang nag-agree para tulungan ako.

Nung nasa sasakyan kami ni Kat at habang papunta kami sa grocery store. Kinwento ko lahat ng pinag-usapan namin kagabi. Nalaman nila na dumating si Papa at kung bakit siya andito. Yung dahilan kung bakit nalang galit na galit sakin si Nichole. Kaya ayun! Yung dalawang best friends ko namumula nadin sa galit dahil sa mga narinig nila mula sakin.

"Haynako Friend! Andito lang kami para tulungan ka. Pabayaan mo na sila. Hindi sila worth it na bigyan ng time kaya tama lang tong ginagawa mo na tutulungan mo sila Mama mo. Andito lang kami ni Dianne para sayo. Tutulungan ka din namin magbenta." Sabi ni Kat na may halong inis at galit.

"Oo nga Friend! Pero excited na ako sa pagbebenta natin!" Sabi naman ni Dianne.

At kumuha na kami ng mga kelangan.

Pagkauwi namin sa bahay. Nagpahinga kami.

"Madaling araw pa naman ako magluluto kaya pwede na kayong maunang umuwi." Sabi ko kila Kat at Dianne.

"Overnight!!" Sigaw ni Dianne.

"Oo nga! Oo nga! Gusto ko yan!" Sigaw naman ni Kat.

At lumuwang yung ngiti ko.

"Sige go! Paalam na kayo. Uwi muna kayo tas balik nalang kayo dito.

Pagka-alis nila. Inayos ko na lahat ng ingredients para sa pancake ko.

Habang nag-aayos ako biglang dumating si DJ

"Oh, ano yang ginagawa mo?" Tanong niya sabay upo sa isa sa mga upuan.

"Gumagawa ng mapagkakakitaan." At ngumiti ako sakanya. "Ay oo nga pala! Sorry kung hindi muna kita tinanong, mag-ooernight pala sila Dianne at Kat dito."

"Bakit? Anong gagawin niyo?" Tanong niya ng naka-kunot ang nuo.

"Gagawa kasi kami ng pancakes para bukas ng madaling araw para mabenta namin." At ngumiti ako habang nag aayos ng ingredients. "Dagdag sa pagtulong ko kila Mama at Papa at pati nadin bayad dito sa pagtira namin sa bahay mo." Pagtatapos ko.

"Meng, wag na. Wag nang magbayad dito. Isipin mo nalang muna yung pamilya mo. Okay?" Sabi ni DJ.

"Hay! Salamat ah?" Sabi ko nang nakangiti.

"Tamang tama, may sasabihin din pala ako kay Kat mamaya."

At bigla akong kinilig sa sinabi niya.

"Yeeeeeeeee!! Ikaw ah?? Liligawan mo na siya??" Pang-aasar ko. Pero bago pa niya maitago yung ngiti niya nahuli ko na.

"Hindi din no. Akyat na ako sa kwarto ko." Sabay takbo sa taas.

Haynako! Nagdedeny pa kasi eh.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon