"Hello bro?" Sabi ko.
"Hello. Bakit? Anong mnangyari kay Meng?" Tanong ni Mezzo.
"Nasuntok kasi siya ni Niko af---"
"Ha?! Sinuntok ni Niko si Meng?! Sumusobra na talaga yung lalaking yun. Lalaki ba yun at nanununtok siya ng babae?"
"Ha? Bakit? Ang sabi ko----"
"Andito ako sa bahay nila Nichole binabantayan ko siya. Sabi niya kas----" Nagsasalita si Mezzo pero naputol yung linya.
Inoff ko na yung phone ko at bumalik sa clinic. Lumabas kasi ako at pumunta sa pinaka-gilid nung hallway para makaudap ko nang mabuti si Mezzo.
Pagakapasok ko nang clinic dumirecho ako sa kung saan nakahiga si Meng pero wala siya. Maayos na yung hinigaan niya. Hindi ako nagkakamali dito siya humiga kanina. Chaka dalawa lang yung higaan dito. Pumunta ako sa may nurse at tinanong kung nasan si Meng.
"Kasama niya pong umalis si Ms. Velafuente."
Agad kong linabas yung phone ko at dinial yung number ni Kat.
"Hello?" Sabi ni Kat.
"Kasama mo si Meng?"
"Yep. Okay na siya."
"Asan kayo? Pupuntahan ko kayo."
"Ha? Hindi na. Okay n----" Bigla nanamang naputol yung linya. Bad trip naman o.
Agad kong tinext si Kat. Pero bago ko pa man itetext si Kat bigla siyang nag text sakin na nagsasabing okay na daw sila at may pupuntahan lang daw sila. Nagtanong ako kung saan pero hindi na siya nagreply.
Tinignan ko yung orasan ko. 4:27 na pala. Wala na akong maisipang mapuntahan kaya pumunta nalang ako sa music room.
Hindi ko mapigilang mag-alala. Okay na kaya talaga si Meng? Sana nga.
Ilang minuto pa ay dumating na sila Carl, Von, Edward at AJ. Pero hindi padin dumadating si Kat.
"Asan na si Kat my labs?" Tanong ni Von.
"Nagpaalam siya sakin na wala siya ngayon." Sabi naman ni Carl.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Ewan ko. Basta nagpaalam lang siya." Sagot ni Carl.
Naisip ko na baka hinatid niya si Meng sakanila. Hay buti naman kung ganun. Kampante na ako.
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang practice namin para sa Fusion.
Isa sa mga napili naming kantahin ay yung Love Me Like You do by Ellie Goulding pero linagyan namin ng sariling version namin. Mejo may pagka-rock siya.
Nag practice lang kami hanggang 8.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
