Chapter 52

32 2 0
                                    

Meng's POV

Nabingi ata ako sa sobrang lakas ng sigaw ng Cardinals kasama sila Kat at Dianne.

Mr. And Mrs.? Bago ko pa man tanungin kung san nila nakuha yung Mr. And Mrs. Na yan, nakita ko si Drex na nakatitig sa suot ko na napakaluwang ng ngiti.

Tinignan ko yung suot kong jacket.

Mrs. Yung nakalagay. Wait. . . ito yung. . . OMY! Couple jacket! Tinignan ko din yung suot ni Niko at hindi nga ako nagkamali. Mr. Yung nakalagay sa jacket niya. Ito yung binili niya dun sa mall kanina. Bakit hindi ko manlang napansin na ito pala yung jacket na yun.

Namumula na ako. Kaya tinakip ko yung mukha ko sa mga palad ko. Nakakahiya. Pero mahihiya pa ba ako kung sobrang pogi nung Mr. Ko? Hahaha. At teka, kelan niya sinuot yung kanya? Hindi ko manlang napansin. Pero wala na talaga akong magagawa at suot na naming parehas.

Hiyawan lang yung mga cardinals, kasama na yung dalawang bruhita na nag setup samin. Bastos yung dalawang yun.

Hinila ako nila Kat at Dianne palayo sa mga Cardinals na naghihiyawan pa. May narinig pa nga ako na nagtanong kay Niko kung kami na ba e. Really? -_- pero pwede nadin. Hahaha. Joke. -_-

"Yeeeeee! Kinikilig talaga ako sainyo girl! Kwento mo naman, anong nangyari?" Sabi ni Kat. Si Dianne naman ngumingiti lang at hinihintay akong magkwento.

"Kayo!" Sabay turo sakanilang dalawa. "Kayong dalawa! Bad! Iset-up ba naman ako. Wag niyo nang uulitin yun, hindi niyo lang alam muntik muntik na akong mamatay sa sobrang kilig ko." Sabi ko sakanila.

"Yeeee! Gustong gusto mo naman." Pang-aasar ni Dianne.

"Mejo. Pero seryoso, nag-enjoy talaga ako ngayong araw na to. Salamat din sainyo. Haha. Kasi hindi naman mangyayari yun kung wala kayo e."

"Naman! So kamusta naman siya?" Tanong ni Kat

"Ayun! Total package na siya friend! Ang bait niya, gentleman, wala siyang pakialam sa paligid niya kahit ganun yung ichura niya kanina."

"In love na si Meng." Sabay na sabi nilang dalawa.

"Ano ba kayo! Agad agad? Hindi pa namin masyadong kilala ang sat isa. Pero may iku-kwento ako." Sabi ko at kinwento ko yung gabi na nag-uusap kaming dalawa ni Niko. Kinwento ko yung part na tinanong niya ako kung may taong willing na tumulong sakin na kalimutan ko yung past ko, yung question game hanggang sa kanina na nag-volunteer siya na tutulungan niya akong kalimutan yung past ko.

"Saglit, ano ba kasing meron jan sa past mo?" Tanong ni Dianne.

Aw crap. Oo nga pala hindi pa nila alam yung kay Ken kaya inumpisahan kong ikwento simula sa simula, yung naging kami, yung iniwan niya ako, yung lumipat kami dito, yung nakilala ko sila, yung pumunta dito si Ken, hanggang sa nangyari yung suntukan after nung championship. Habang nagkukwento ako nanlalaki yung mga mata nila.

"Teka, hindi ba parang ginagamit mo si Niko na makalimutan yang Ken na yan?" Tanong ni Kat.

Hindi ako nakapagsalita kaya si Dianne yung nagsalita para sakin.

"Nag-volunteer naman siya e. Chaka akalin mo yunh three months na nagmumukmok siya dun, Kelangan niya talaga ng someone na makakalimutan niya yun. First boyfriend niya pa yun, hirap kaya nun." Sabi ni Dianne kay Kat.

"Sabagay. Pero andito din naman kami Meng." Sabi ni Kat sakin na nakangiti.

"Salamat." Pagkasabi ko nun nag-group hug kami.

Sobrang thankful talaga ako sa  dalawang to kahit na ilang beses pa nila akong iset-up.

Hindi ko napansing napunta kami dito sa kwarto ko. Napalalim ata yung pagkukwentuhan namin.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon