Chapter 19 Mezziya (Meng)

26 2 0
                                        

Sakto ang pagpasok namin ni DJ ng classroom. Nakasalubong pa namin si Niko na nakatingin samin ni DJ ng may pagtataka. Oh well, bakit kaya? Anong meron? Hindi ko nalang pinansin at nginitian ko nalang siya at dumirechong pumasok sa classroom. 

Dumirecho na ako sa upuan ko kung saan nakaupo na sila Kat at Dianne. Ang sama ng tingin nila sakin. Haha. Kelangan kong mag-explain sa dalawang to. Nagtatampo siguro tong mga to.

Pagpasok ko pinagchichismisan ako. Halata naman eh kasi nakatingin sila sakin habang nagbubulungan. Hindi ko nalang pinansin at tumabi na ako dun sa dalawang babaitang yun na hanggang ngayon ang sasama padin ng tingin sakin.

Hindi kasi ako nakapagpaalam sakanila na sabay kami ni DJ maglunch ngayon. Libre niya daw kasi ako. Sabi ko nga na isama sila Kat at Dianne eh, pero wala na daw siyang pera. Hahaha. Kaya ayun! Ako lang ang linibre niya. Okay nadin siguro yun para tipid ako sa pera. Haha.

Umupo na ako at bigla namang pumasok na si Mam. "Good Afternoon Class". Umupo naman agad siya at inayos yung projector.

Habang inaayos ni Mam. Lumingon ako kay Kat at Dianne.

"Ui friends, sorry hindi na ako nakapagpaalam bigla kasi akong hinila ni DJ kanina eh."

"Anong gamit ng cellphone?" Sabi ni Dianne.

"Wala akong load. Sorry talaga."

"Tapon mo na yang phone mo." Dianne

"Basta may kapalit." Sabi agad ni Kat

"Good Afternoon Mam, sorry I'm late."

Hapon na may nale-late padin? Taanong ko sa utak ko

Nagulat ang buong klase ng makita nila yung nalate. Anong meron?

Napalingon din ako at nakita ang babaeng nakatayo sa may pintuan.

"Ms. Santiago?"

"Yes Mam."

"Okay. Please don't be late next time." Sabi ni Mam. Iniwan ni Mam sa mesa yung hinhawakan niya at naghanap ng bakanteng upuan.

"You can seat beside Mr. Valdez."

"Thank you Mam." Sabi nung girl at naglakad habang nakayuko na papunta sa tabi ni DJ.

Umupo na yung girl. Napansin ko namang magkasalubong yung kilay ni DJ habang nakatingin dun sa girl na tumabi sakanya.

Lumingon naman yung girl kay DJ at ngumiti.

Magkakilala sila?

Nabalik ako sa katotohanan ng biglang magsalita si Mam.

"Ms. Santiago, kindly introduce yourself here in front because the whole class seems to wonder."

Agad namang pumunta sa harap yung girl.

Naka-fitted siya na pang taas. Naka skinny jeans din. Tas naka boots. Naka make-up unti. At naka bun yung buhok.

Maganda yung girl, halos lahat ng lalaki siguro dito naglalaway na. Hahaha.

"Hello everyone. I'm Nichole Santiago. A late enrollee. I'm taking up Business Administration major in Financial Management."

Maarte yung boses niya, pero sakto lang. Hindi naman siya yung mukhang mean girl.

"Thank you Ms. Santiago, you may now go back to your seat."

Bumalik na siya sa kung san siya nakaupo.

Mukhang gulat na gulat padin ang buong klase. Kasama na dun si Dianne, Kat, DJ at Niko. Bakit? May hindi ba ako alam?

O well, pinabayaan ko nalang yun. Malalaman ko din.

Napagdesisyunan ko na ililibre ko tong dalawang friends ko mamayang uwian. Para hindi na magtampo.

~

Mabilis na natapos ang klase. Salamat naman! Gusto ko nang makasama ang friends ko at makapag-sorry ng mabuti sakanila. Ngayon nalang ulit kami makakapagkwentuhan simula nung debut ni Kat.

Nag-aya sila kahapon kaso inaantok talaga ako naisip kong magkulong nalang sa bahay at matulog.

Andito kami ni Kat sa labas ng classroom ni Dianne. Hinihintay namin siya.

Ilang sandali pa ay lumabas din siya na ang lamya ng ichura.

"Oh napano ka?" Tanong ko.

"Ang hirap ng quiz. T.T"

"Sus! Bawi ka nalang next time. Tara na, ililibre ko kayo ni Kat para naman makabawi ako sainyo sa hindi ko pagpapaalam sainyo kanina."

Pumunta na kami sa parking lot at agad ko namang nakita si Kuya na nakasandal sa sasakyan habang naka-cross yung arms niya sa chest niya.

Ngumiti naman agad ako nung tumingin siya saming tatlo.

"Friend, okay na ako. Okay na okay." Sabi ni Dianne na nakatitig kay Kuya.

"Hahaha! Si Kuya lang pala katapat mo e." Sabi ko.

Pumasok na kaming lahat sa sasakyan. Pina-andar nadin ni Kuya yung sasakyan.

Nagpaload ako kanina at Tinext ko si Kuya kanina na pumunta kami mg mall para babawi ako sa dalawang to. Pumayag naman si Kuya kasi may gagawin din daw siya dun.

Ilang minuto pa ay nakarating din kami sa mall. Hindi naman kalayuan sa school kaya mabilis kaming nakarating.

Nagpaalam nadin si Kuya. Ito namang si Dianne. Kilig na kilig. Hahaha.

Dinala ko sila sa paborito kong tambayan sa Manila. Buti nalang at meron din dito sa Baguio. Dito sa MilkyTea. Hehe. Favorite na favorite ko kasi ang milk tea.

Nag-order na kami. Puro large. Haha. Para mahaba haba ang kwentuhan.

Umupo nadin kami malapit sa bintana kung saan kita ang view.

"Ay shoot! Nakalimutan kong itxt si DJ. Wait."

Napansin kong napatingin sakin si Kat nung nabanggit ko yung pangalan ni DJ. Nagseselos kaya siya? Well, wala naman siyang dapat pagselosan.

Linabas ko na yung phone ko at nagtext.

To DJ:

Yo! Sorry nakalimutan kong sabihin na idedate ko sila Dianne at Kat. Hehe. Kahit una ka nang umuwi.
-Meng

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon