"YES! PANALO ULIT!!" sigaw ni Kat.
Panalo nanaman ang UB. Kahit na hindi naglaro si Niko nakayanan padin nang team niya. Buong laro naka-upo lang siya. Hindi niya naman ma-coach yung team niya kasi nga yung panga niya.
Halos buong laro nga nakatingin ako sakanya e. Minsan titingin din siya sakin, iiwas naman agad ako. Tapos kung ibabalik ko yung tingin ko sakanya, tatawa siya. >.< Nakakahiya ako.
Tinignan ko yung orasan ko. 3:00 palang. San kaya pwedeng gumala.
Wala na kasing pasok ng hapon. Ewan ko ba kung bakit. Haha. Ine-explain kanina nung isang instructor namin pero hindi ako nakkikinig.
"Tara! I-congratulate muna natin sila Niko tapos alis na tayo." Sabi ni Kat.
Tumayo naman kami at pumunta sa court.
Nakita ako ni Drex na palapit sakanila.
"Meng!" Sigaw niya.
"Congrats! Galing a." Sabi ko sakanya. Siya kasi ang tumayong leader.
"Haha. Syempre naman! Papalitan ko na si Captain!" Sigaw niya na parang pinariringggan si Niko.
Nakita ko siya. Napunta yung tingin niya samin nung narinig niya yung salitang 'captain'.
Binalik ko yung tingin ko kay Drex.
"May pupuntahan ka ba after?" Tanong ni Drex.
"Wala. Bakit?"
"Labas sana tayo."
Napa-isip nanaman ako. Baka makita kami nung taong nagbigay sakin ng ahas. Hindi pwede to, baka maidamay ko din si Drex.
"Ha? Ano ka ba! Kelangan mong magpahinga. Pagod na pagod ka na o."
"Sige na nga. Sige, una na ako. May sasabihin pa daw si Coach e. Bye!"
"Bye!"
Umalis nadin yung buong team. Hindi ko manlang nakausap si Niko kahit saglit lang.
Palabas na kaming apat sa gym. Si Dianne at Kat ang magkasama, at nauuna silang maglakad. Sumusunod naman kami ni DJ sa likod.
Narinig kong pinag-uusapan nila Kat yung mga pogi ng Brent Colleges. Yung totoo boto sila sa mga taga UB o dun sa kalaban? -_-
"San tayo pupunta?" Tanong ni Dianne.
Biglang napalingon si Kat. "Shockers! Oo nga pala. May practice tayo DJ!"
Napa-angat yung ulo ni DJ. "Oo. Nga! Ikaw kasi!"
"Anong ako?! Ikaw kaya jan!"
Nagsisigawan sila habang paalis.
"Ba-bye a!" Sigaw ni Dianne. At nagtawanan lang kaming dalawa.
Bigla namang may tumawag sakanya at agad niyang sinagot.
"Hello?. . . . . . . Ha? Bakit ngayon pa?. . . . . . okay, sige sige. Papunta na ako. Sige. Bye."
"Friend, sorry ha? Uwi na ako. O gusto mong sumama?"
"Sa bahay niyo? Sure!"
"Sige tara."
Lumabas na kami ng school at nagjintay sa may waiting shed.
Maya maya pa ay huminto sa harap namin ang isang sasakyan na black. Yung parang pick-up ang dating. Ang astig tignan.
"Sosyal! May taga sundo. Astig nang sasakyan niyo."
"Hehe. Salamat. Tara."
Nauna siyang sumakay, sumunod naman ako.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
