Chapter 50

30 2 0
                                    

Meng's POV

Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan.

"Meng?"

Si Kat.

Inayos ko yung pwesto ko.

"Kamusta na pakiramdam mo?"

"Okay lang." Sabi ko ng mahina. "Anong oras na?"

"12pm na."

"12 na?!"

"Yep. Kaya nga bumangon ka na jan at kakain na tayo."

"Sige. Sunod na ako. Mag-aayos lang ako."

Umalis na si Kat. Tumayo na ako hunarap sa salamin.

Napaka-haggard! Tinali ko yung buhok ko at bi-nun. Hindi na ako ng suklay ng buhok, maitatali naman e. Naghilamos nadin ako at kinuha yung phone ko sa bed side ko at nagsimulang maglakad papuntang kusina. Pagkadating ko dun walang tao.

Biglang dumating si Dianne.

"Hi Friend. Kamusta ka na?" Sabay hug niya sakin.

"Okay na ako. Salamat."

"Tara dun tayo kain sa labas. Teka, may kukunin lang ako."

Kinuha na ni Dianne yung dapat na kunin niya at nagpunta kami sa likod ng bahay nila Kat.

Pagkalabas namin, manghang mangha ako sa nakikita ko. Ang luwang ng swimming pool. Ang ganda nung mini garden. Sa di kalayuan may beach. Hindi ko kasi nakita to nung dumating kami dito nung friday dahil nakatulog na ako.

Ang lakas ng ihip ng hangin. Ang sarap magrelax. Makapunta nga dun mamaya sa may beach.

"Tara friend, kain na tayo."

Naisip ko ang pagkain. Oo, tama. Kain muna ako at gutom na gutom na ako.

Pumunta na kami sa left side kung san nakahanda yung maraming pagkain at. . .woah! Bat ang daming tao?! Bigla akong nahiya sa suot ko. Nakasando at naka-shorts lang naman ako.

Habang papalapit kami unti unti kong nakikilala yung mga tao.

UB Cardinals. Sabi ko sa isip ko.

Bat andito sila?

Shockers! Oo pala. Outing nila. Bakit outing nila?

"Champion sila friend, kaya andito sila." Sagot ni Dianne na parang binabasa yung utak ko. Ngumiti siya at naunang naglakad papunta kung nasan sila naka-upo.

Binilisan ko nading maglakad.

Nung nakalapit na ako may bumati sakin na poging boses.

"Hello Meng. :) dito ka na sa tabi ko."

Si Niko.

WAAAAAAAA! Kakakilig! >.< naramdaman kong uminit yung buong mukha ko. Waaa! Naman e. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Si Captain numi-ninja moves!" Sigaw ng isa sa mga cardinals. At naghiyawan na sila. Pero nung tumingin ako kay Niko, nakatingin lang siya sakin habang nakangiti.

Hindi naman ako maka-hindi sa alok niya kaya umupo na ako sa tabi niya. Buti nalang at sa left side ko si Kat. Phew!

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Okay na. Salamat." Simpleng sagot ko.

"Sorry." Sabi niya.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko.

"Nasuntok kasi kita."

"Ano ka ba. Ako din lang ang may kasalanan. Pabayaan mo na yun."

Pagkasabi ko nun ngumiti ulit siya. Waaa! Ano ba yan. Nakakamatay! Itigil mo yan!

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon