Meng's POV
Binalak kong matulog sa byahe kaso hindi ako makatulog dahil lang jan sa text ni Niko. >.< todo todo naman kasi kung magpakilig e. Naglagay pa ng tubig sa bag ko. And speaking of that, ubos ko na yung tubig. E galing sakanya e. Hahaha. Joke lang. :D
Mejo gumagabi na. Nag-slow down na si Kat, ibig sabihin andito na kami sa rest house nila. Pero napansin naming tatlo na may isa pang sasakyan sa garahe nila Kat. Hindi ko mapansin yung sasakyan kasi madilim nadin.
Bumaba na kami at agad naman na dinikitan ako ni Niko.
"Mahilig kang manggulat no?" Sabi ko.
"Hindi a. Magugulatin ka lang talaga. Ininom mo yung tubig?" Tanong niya sabay lakad na kami papasok sa rest house nila Kat.
Binuksan ko yung bag ko at pinakita ko yung bote ng tubig.
"Good. That's my girl." Sabi niya sabay kindat.
Okay. Namumula nanaman ako. Swear! Bakit ba kelangan niyang kumindat. Tusukin ko yung mata niya e. Haha. Joke lang.
Binuksan ni Niko yung pintuan at laking gulat namin ng makita namin si Kuya.
Agad siyang tumayo at lumapit sakin.
"Tara na. Uwi na tayo." Sabi niya sakin sabay hawak ng mahigpit sa wrist ko. Nagsimula nadin siyang maglakad palabas.
"Teka lang Kuya. Pauwi nadin kami. Sabay sabay na tayo." Sabi ko habang nagpupumiglas.
"Hindi. Mauuna na tayo. Lahat ng gamit mo. Kinuha ko na. Sakay." Sabi ni Kuya at binitawan niya ako. Andito na pala kami sa harap ng sasakyan namin.
"Teka nga. Bat ang init ng ulo mo Kuya?" Tanong ko. Kasi naman ngayon ko lang siya nakitang ganto kainit yung ulo.
"Sakay." Sabi ni Kuya. Mejo nagtaas na siya ng boses kaya agad akong napasakay sa sasakyan.
Lahat ng cardinals kasama si Niko, Dianne at Kat nakatingin samin.
Tumingin ako sa kanilang tatlo at nag-sorry ng mahina. Nagsimulang nading nag-drive si Kuya.
~
Nakarating kami dito sa Baguio nang ni-isa samin walang nagsasalita. Hindi rin ako nakatulog kasi kanina ko pa ini-isip kung bakit galit si Kuya. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako na baka bigla siyang magalit. E hindi ko pa siya nakikitang magalit. Kanina pa nga lang nung nagtaas siya ng boses napasakay agad ako ng sasakyan pano nalang kaya pag nagalit na siya.
Dumirecho na ako sa kwarto ko at umupo sa dulo ng kama. Maya maya pa ay pumasok si Kuya dala dala yung mga gamit ko pero agad agad din siyang umalis na wala manlang 'good night'.
Tinignan ko yung orasan ko. 10:05 na pala. May pasok pa bukas. Haaaaay! Humiga na ako na hindi nagpapalit. E pano ba naman kasi shirt ni Niko tong suot ko, susulit sulitin ko na ang pag-gamit bago ko ulit ibigay sakanya. Haha.
Humiga na ako at narinig ko yung phone ko na nagriring kaya kinuha ko.
Gulat ako ng makita ko si Niko na tumatawag. Waaaaaaaa! First time tong tatawagan niya ako.
Umupo ako at sinagot yung tawag niya.
"Hi." Simpleng sabi ni Niko pero grabe yung kilig ko. Sa sobrang kilig ko napatayo pa ako at napatalon talon.
"H-hi. Napatawag ka?" Sabi ko.
"Gusto ko lang alamin kung naka-uwi na kayo?"
"Oo. Kakauwi lang namin."
"Good. Kami malapit na. Pahinga ka na. See you tomorrow then?"
"Yep. Salamat."
"Para san?"
BINABASA MO ANG
Admirer
Lãng mạnAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.