Tumingin ako sa cellphone ko sa ilalim ng unan ko.
11:00AM na at kagigising ko. Mejo inaantok pa ako. Eh kasi naman puyat na puyat na kami nila Dj, Kat,Dianne at Niko.
Nag-overnight sila dito sa bahay namin.
Oo, bahay namin! kasi may sarili na kaming bahay. Rent to own siya na bahay. Malapit padin kila Dj.
Ini-insist ni Dj na wag na kaming lumipat pero nakakahiya kasi talaga, kaya lumipat na kami. Para may privacy kami at pati nadin siya.
Nakalipat kami after a week na umalis na si Kuya papuntang Amerika. And speaking of Kuya, ayun! nagtatrabaho na siya dun gaya nung pangako ni Dj samin. Naka-vido call namin nila Mama si Kuya at Papa nung isang araw at sobrang nag-eenjoy daw sila sa trabaho nila lalo na si Kuya kasi na-apply niya daw lahat ng napag-aralan niya sa school.
At ngayon nakapikit pa ako, ayaw ko pang imulat mga mata ko kasi masakit sa mata yung araw. Kaya nagtalukbong pa ako sabay sabing "5 mins pa." Bulong ko sa sarili ko.
Naramdaman kong wala na akong mga katabi.
Tabi tabi kasi kaming natulog kagabi dito sa kwarto ko. Ako, si Kat at Dianne sa floor naman yung dalawang lalaki.
Late ako nagising kasi kagabi ako nalang yung nanonood, tinulugan ako ng mga taong to. Ang galing diba? Sila pa ang nag-aya tapos sila din mang iiwan.
Pinanood namin yung Bird Box at A Quiet Place, pero sa A Quiet Place palang tulog na silang lahat. Ang hina!
After nung A Quiet Place nanood pa ako ng isang movie. Yung Bumblebee.
Pagkatapos kong manood humiga na agad ako tas derechong tulog na.
At ngayon gigising na ako. Tapos na siguro yung 5 mins ko.
Tapos pagka-mulat ko nga aking mga mata. . .
May mga balloons sa ceiling ko. Mga white, gray and black na balloons.
Wait. Anong meron?
Hmmmmm. . .
Bumangon ako at kinusot mga mata ko sa pagkakatulog ko at humikab.
Tinitigan ko ulit yung mga balloons at nagtaka.
Anong meron?
Hinayaan ko nalang at bumaba na ako ng kwarto at pagkababa ko. . .
"HAPPY BIRTHDAY!!!!"
Sigaw nung mga kaibigan ko na mejo nagulat pa ako kaya nag-blink ako ng mga tatlong beses sabay tingin sa calendar sa may wall sa sala.
April 12 pala ngayon! OMG! Birthday ko na pala!
"Don't tell me sarili mong birthday nalimutan mo?" Tanong ni Dianne napapalapit sakin at yinakap ako. Hindi ako makasagot kasi gulat padin ako.
Nakita ko yung hawak na banner ni Kat na nakasulat "HAPPY BIRTHDAY TO THE BOTH OF YOU!"
Huh? Both of you?
Pagtingin ko sa likod ko andun si Niko na may hawak na dalawang medium size na cake. Nakalagay sa isa "Meng" sa isa naman "Niko".
Tas bigla kong naalala yung outing namin sa La Union kung san sinabi sakin ni Niko na same kami ng birthday!
Oo nga palaaaa!
Ngumiti ako at kinuha yung cake ko sa kamay niya.
"Happy Bithday!" sabay namin sabi ni Niko sa isa't isa at tumawa.
Maya maya pa ay sinuot na namin yung mga birthday party hats namin. Parang bata! hahaha. Sila Kat at Dianne yung may pakana neto for sure.
Kumain nadin kami ng mga take out na pagkain. Hindi na daw nakapagluto kasi lahat pagod.

BINABASA MO ANG
Admirer
Roman d'amourAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.