Chapter 69

4 0 0
                                    


Simula nung sinabihan namin si Nichole na tigilan na niya yung mga ginagawa niya hanggang ngayon wala kaming naririnig mula sakanya.

Well, natauhan na siguro siya. Isang buwan nadin yung nakaran simula yung pangyayaring yun.

Haynako! wala na akong pakialam jan basta ako sobrang saya ko ngayon dahil graduation na ni Kuya!

Sa sobrang saya ko ngayon walang makakapigil sakin na magsuot ng dress. Feeling ko naman ako yung gagraduate. Nagmake-up din ako ng very very slight. Syempre kahit araw ng Kuya ko ngayon dapat magpapa-pansin din ako ng konti para nadin maganda ako sa mga picture taking mamaya.

Nakaupo kami nila Mama na karga si Baby Meg dito sa may bleachers ng Gym kung saan gaganapin yung graduation.

Kasali si Kuya sa Top 10 Overall ng buong school. Pang Top 8 siya. Akalain mo yun matalino pala tong Kuya ko.. Nabanggit niya kagabi na lahat ng Top 10 magdedeliver ng konting speech kaya naman mejo kinakabahan siya ngayon. Kaninang umaga naka-ilnag tanong siya sakin kung okay lang ba siyang tignan. Halatang hindi siya mapakali.

~

"Wooooooow Kuya! I'm so proud of you Kuya brother! Marunong ka palang mag-english!" Pang aasar ko kay Kuya sabay kuha nung graduation cap niya syempre sinuot ko na, isang taon pa gragraduate nadin ako.

Si Papa nasa Amerika na, nagtatrabaho na kung san nagtatrabaho yung nanay ni Dj gaya nung napag-usapan. Si Kuya naman after 3 days lipad na agad siya sa Amerika para magtrabaho din doon kasama si Papa.

Kaya bago siya umalis magpapaparty siya. Despedida at celebration ng graduation niya dito sa bahay nila Dj after mismo nung graduation kaya ngayon andito kaming lahat. Yung dalawa kong kaibigan syempre, mawawala ba yung dalawang yun lalong lalo na si Dianne kasi crush na crush niya yung Kuya ko. Nagpapicture pa nga yung babaitang yun eh.

Bukod sakanilang dalawa, iba pang mga kaibigan ni Kuya na malalapit sakanya lang yung ininvite niya. Tapos kaming pamilya lang kasama si Dj at Niko.

"CONGRATULATIONS!!" Sigaw naming lahat nung pumasok si Kuya sa pintuan kasama yung mga kaklase niya. 

Si Dianne at Kat may hawak na banner kay kuya. Sila Papa at Mama may hawak na mga balloons. Ako, si Niko at Dj may hawak na party popper.

Kumain na ang lahat, tawan dito, tawanan doon, kwentuhan dito, kwentuhan doon.

Yung Kuya ko at mga kaklase niya sobrang saya dahil tapos na lahat ng paghihirap "daw" nila sa school. 

Kaya ako nakikita ko na yung sarili ko sa graduation ko na masaya din ako dahil tapos na ang pag-aaral ko. Dibale isang taon nalang naman na. 

Andito ako sa labas ng bahay. Hindi kasi ako makahinga sa loob ng bahay. Ang daming tao sa loob ng bahay kaya lumabas muna ako.

"Ui"

At napalingon ako.

Si Niko.

"Ui" sabi ko nang mahina habang tumabi siya sa kung saan ako naka-upo.

"Bat andito ka sa labas? ang lamig lamig wala ka pang jacket" Tanong niya habang inaabot niya sakin yung suot niyang jacket.

"Dami kasing tao sa loob hindi ako makahinga kaya dito muna ako sa labas." sabi ko habang tinititigan yung jacket na kinuha ko mula sakanya. Pansin ko may nakasulat na "Mr.". Naalala ko, ito yung jacket na binili niya saming dalawa nung nasa outing kami ng UB Cardinals kaya bigla akong napangiti sabay suot. Syempre, papabebe pa ba ako?

Isang buwan nadin nung nagpaalam siya kila mama at papa na liligawan niya ako. Minsan magugulat nalang ako nasa bahay siya tapos may dalang bulaklak. Minsan naman may sulat at pagkain sa locker ko tapos pinapaalala niya sakin na kumain daw ako at uminom ng tubig. Minsan naman susunduin niya ako at ihahatid hanggang bahay kahit pagod na siya galing practice nila ng basketball.

Pagkasuot ko nung jacket naramdaman ko na lumapit sakin si Niko.

"May binigay nga pala sakin si Nichole kanina. Hindi ko alam na pumunta din pala siya sa graduation kanina." sabi ni Niko at napatingin ako sakanya. Hindi ako nagsalita. Si Niko naman may inaabot sa likod niya.

"Ito card mula mismo kay Nichole." pag-aabot ni Niko at kinuha ko sakanya ng nakakunot yung nuo ko.

Ano naman kaya to? isa nanamang prank ganon?

Binuksan ko yung laman at sinimulang basahin habang nakikinig si Niko.

Yung letter ay tungkol sa paghingi niya sakin ng tawad sa lahat ng nagawa niya sakin at sa pamilya ko. Nung natapos kong basahin, napangiti ako. May pusong mamon din pala yun eh. Pinatawad ko na siya. Wala din namang patutunguhan yung buhay ko pag nagtanim ako ng sama ng loob sakanya.

"Hindi lang ikaw ang may ganyan. Ako din at si Dj." sabi ni Niko.

"Ano naman yung nakasulat sayo?" tanong ko.

"Ganyan din, humihingi din siya ng tawad."

"Yun lang?"

"Tsaka sinabi niya din na pupunta nadin siya ng Amerika, tatapusin niya yung pag aaral dun at magtatrabaho sa kumpanya nilang pamilya." Pagtatapos ni Niko. 

Buti naman at hinanap niya sa puso niya na tigilan lahat ng ginagawa niya. At bigla kong naisip! Si Kuya magttrabaho sa Amerika, si Nichole pupunta din dun. Hmmmmmm. Something smell fishy ah.

"Oy!" biglang sabi ni Niko na siyang ikinagulat ko. "Anong iniisip mo at bigla kang natulala jan?"

Ngumiti ako at sabing "Wala, wala. Ganda nang buwan no?" Sabi ko habang nakatitig sa moon.

"Sobra." sabi ni Niko sabay akbay sakin. Nagulat ako nung una pero lumapit ako sakanya at pinatong ko yung ulo sa balikat ni Niko. 







AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon