Chapter 57

26 2 0
                                        

Meng's POV

Inayos ko na yung mga gamit ko at linagay sa bag.

Lunch time na at hindi ko nakita si Niko sa mga subjects na magkaklase kami. Sayang naman, gusto ko pa siyang makita. Nakak-disappoint tuloy.

"Uuuuuuy! May nalulungkot dahil wala si Niko." Pang-aasar ni Kat.

"Ha? Hindi no. Umuulan lang kasi." Sabi ko at ngayon ko lang narealize na umuulan nga talaga.

"Achuchu! Hindi daw. Hindi mo bagay magsinungaling Meng." Sabi ni Dianne.

"O pano mauuna na kami?" Sabi ni Kat. "Good luck." Sabi niya sabay kindat.

"Bye." Sabi ko ng malamya.

Sinabi ko kanina kila Dianne at Kat na kakausapin ko si DJ tungkol samin. Nung narinig to ni Kat laking tuwa ng babaita. -_- Well, una, hanggang friends lang talaga ang maibibigay ko sakanya at pangalawa mas deserve ni DJ si Kat. Hindi ako.

Naglakad na ako palabas ng building na napakalamya. E pano naman kasi una, si Kuya tapos si Niko. Bakit kaya hindi pumasok yung lalaking yun? Baka napagod sa outing. Baka nga. Haaaay. Matext nga siya.

To: Niko

Bakit hindi ka pumasok? Hope you're okay. Kain ng madami. :)

At pinindot ko na yung send button. Sana nga okay lang talaga siya.

Pagkapindot na pagkapindot ko nung send na button biglang may humawak sa arm ko at hinila ako.

"Ui! Tignan mo nga yang dinadaanan mo. Muntik ka nang masagasaan, umuulan pa mandin." Sabi ni DJ at binitawan niya na yung arm ko.

"Sorry."

"Tara kain na tayo. Hindi ka okay at alam kong pagkain lang ang magpapa-okay sayo." Sabi ni DJ na siguradong sigurado sa sarili. Parang ilang months lang ata kami nagkakilala pero parang kilala niya ako simula bata palang.

Wala akong sinabi kay DJ kung san kami kakain pero ewan ko ba kung san niya ako dadalhin.

Ilang minuto pa ay nakarating kami sa isang karinderya. Nag-order na kami at umupo nadin.

Habang kumakain kami ni isa samin walang nagsasalita. Bakit ganun? May hint na ba si DJ kung ano ang sasabihin ko?

Imbis na gumaan loob ko at magkaroon ng lakas ng loob na sabihin sakanya yung dapat na sabihin ko lalo pa akong kinabahan. Baka kasi may alam na siya tungkol sa sasabihin ko.

Hindi ko tuloy naubos yung pagkain ko.

"Ayaw mo na?" Sabi ni DJ na walang emosyon.

"Busog na ako e." Pagsisinungaling ko.

"Alam mo Meng hindi mo bagay magsinungaling."

Ilang tao na ba ang nagsabi sakin na hindi ako marunong magsinungaling? Ganun na ba ako madaling basahin?

"Sabihin mo na nga sakin yung sasabihin mo." Sabi ni DJ na talagang nakatingin sa mata ko. Swear! Ngayon ko lang siya nakitang ganto kaseryoso. Well, except nung nag-confess siya sakin.

"Ayaw mo ba sakin? Meng, kulang pa ba yung binibigay ko sayo?"

"DJ, a--"

"Sabihin mo lang kung anong gusto mo ibibigay ko sayo mahalin mo lang ako pabalik."

"DJ." Huminga ako ng malalim. "Sorry. Na-a-appreciate ko talaga lahat ng effort na ginagawa mo sakin. Pero simula palang talaga hanggang kaibigan nalang ang turing ko sayo. Sorry. Oo, may gusto akong iba. Sa---"

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon