AUTHOR'S NOTE:
Hellooooooooo! After how many months akong nawala sa buhay niyo? Or umabot na as years? I'm so so so so so super sorry. As in. Kung ngayon lang ulit ako makakapag.update. Sobrang busy sa school! >< Pero sana kahit ganon, eager padin kayong basahin tong story ko. ^______^Namiss ko to nang sobra :( sana namiss niyo ding basahin. :)
O eto na! Basa na! ;)
Meng's POV
Nagising ako dahil sa ulan. Tumingin ako sa orasan ko. 6:09 palang pala. 30 minutes pa.
Nung pinikit ko ulit yung mga mata ko narinig Kong nagbukas yung pintuan ng kwarto ko. Napatingin ako. .
"Kuya?" Pagtatanong ko. "o bakit namumula yang mga mata mo?"
Last time na maalala ko may salitan pa kami ni Kuya tungkol kay Niko. Kelangan ko na palang ayusin din yun. Pero bago ang lahat kelangan ko munang malaman kung bakit namumula mga mata ni Kuya.
Lumapit siya sa may bed ko at tumabi sakin. Kinuha niya yung kumot ko at nag.share kami. Hinihintay ko lang si Kuya na magsalita. Nung nakapwesto na siya. . .
"Wala na kami ni Nichole." Bulong ni Kuya na parang anytime iiyak na siya. Alam kong pinipigilan niya lang.
Agad akong nakaramdam ng galit. Galit kay Nichole. Ano bang problema niya? At lahat nalang kami gusto niyang saktan at pagtripan?
"Kuya anong nangyari?" Kalma kong tanong. Kelangan Kong kumalma. Kelangan ko munang malaman yung mga pangyayari.
"Hindi ko alam Meng. May pagkukulang ata ako. Pero saan? Lahat naman binigay ko sakanya. Bakit ganun nalang yung nangyari at bigla nalang siyang nang.iwan? The past few days, okay naman kami. Pero nung isang araw lang bigla na siyang nang-iwan. Lagi ko siyang tinitext at tinatawagan pero hindi ko siya macontact. Pinupuntahan ko din siya sakanila pero wala siya dun. Sa school lagi ko siyang hinahanap pero bakit ganun? Ni hibla ng buhok niya hindi ko makita."
"Kuya." Bulong ko. Sabay yakap sa waist ni Kuya.
"Meng." Bulong din ni Kuya sabay akbay sakin. "Bakit ganun? Ganto pala kasakit. Ngayon, alam ko na lahat ng naramdaman mo kay Ken."
"Kuya, gaya nga ng sinasabi mo sakin noon, maging malakas ka, andito lang po ako. Diba hinaharap nating dalawa lagi lahat ng problema? Kaya natin to."
"Salamat Meng. Namiss kita. Sorry nga pala sa pagtrato ko sayo nung outing niyo."
"Okay lang po yun Kuya. Pero bakit mo po pala ako ayaw makipagkita kay Niko?" Tanong ko. At napatitig lang ako kay Kuya. Matagal ko nang gustong malaman yung sagot dito.
"Nakwento sakin ni Mama yung nangyari nung isang araw na nakipagkita ka sa mama ni Niko." Napahinto si Kuya at bigla ko nanamang naalala lahat ng pangyayaring yun.
"Gaya nga ng nasabi sayo step sister ni mama yung mama ni Niko. Pero simula nung tumakas si Mama inumpisahan niya ding ayusin lahat ng papeles niya at putulin lahat ng relasyon niya sa mga Aguilar. Pinalitan din ni mama yung pangalan niya at nagsimula ng bagong buhay. Hanggang nakilala niya si Papa. Pero hindi nagsimula na ulit ang sunod sunod na problema. Nagtatrabaho si Papa sa business partner ng mga Aguilar, ang mga Santiago. Sinabihan namin si Papa na umuwi nalang dito at dito nalang maghanap ng trabaho. Pero ayaw siyang pakawalan doon. Hanggang sa iba na yung trato kay Papa. Minamaliit siya. Lahat ng ginagawa niya para sa kumpanya ng mga Santiago dadaan muna sa Ate ni Nichole tas sasabihin niya na siya ang gumawa nun na dapat e si Papa. Meng hanggang ngayon ganun padin ang trato kay Papa. Hindi siya makauwi dahil yung pera na dapat pamasahe niya pauwi dito sa Pilipinas e kinuha nung Mama ni Niko para ipunta dito satin para magamit natin. Yung pera na yun suhol din para hiwalayan mo na koneksyon mo kay Niko."

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.