Simula nung makarating kami dito sa gym tinititigan ko na si Meng pero nakatitig lang siya sa mga players. Lumaki naman yung mga mata niya at halatang gulat na gulat siya nung pumasok na yung mga players ng BU. Nahalata kong tinititigan niya yung naka-number 12 ng player ng BU. Gonzales yung apilyedo niya. Bakit kaya siya nakatitig sakanya? Kilala kaya niya?
Ilang minuto pa ay nagsimula na yung laro. Sila Kat at Dianne kabadong kabado sa laro mas lalo na si Meng.
Ang BU ang nakakuha ng jump ball. Malakas talaga sila. Muntik na nilang talunin ang UB last year. Magkakasing tangkad kasi sila. Pati yung depensa nila sobrang higpit. Lalo na ngayon, pinaghandaan talaga nila tong laro. Ang BU seryosong seryosong naglalaro, determinado talaga silang manalo. Minsan dalawa dalawa ang bumabantay kay Niko. Yep, naglalaro na si Niko. Mejo halata padin nga yung suntok niya sa mukha. Kulay violet na yung panga niya. Mejo nanghihina siya pero kinakayanan niyang maglaro.
Unang naka-score ang BU, at nangunguna sila ng four points. 20-24 na. Mejo madikit ang laban at mainit ang laro lalo kay Niko at yung Gonzales yung apilyedo. Halata ko na kanina pa sila nagkakabungguan. Naka-dalawang foul na yung Gonzales, si Niko naman naka-isa na. Minsan hindi nakikita nung referee yung mga foul nila kaya andaming nagcocomplain, isama mo na si Kat at Dianne na sigaw ng sigaw.
~
4th Quarter. .
Mas lalong umiinit yung laban. Parang anytime magsusuntukan na si Niko at Gonzales. Si Meng, alalang alala.
"AGUILAR FOR THREEEE!" Sigaw nung commentator.
90-93 na yung score. 90 ang UB at 93 naman ang BU. Sa buong laro hindi pa nalalamangan ng UB ang BU. Kelangan na nilang kumilos ng kumilos. Si Niko, halatang pagod na pagod na kaya nagpa-sub muna siya at nagpahinga. Nagpa-sub din yung Gonzales, ano to? Gayahan ng strategy?
Halos lahat ng studyante na nanunuod, nakatayo na dito sa gym. Kumakapal ang tensyon sa dalawang grupo na naglalaban.
"LAST TWO MINUTES!"
Bumalik na sa court si Niko pati yung Gonzales. 97-95 na yung score. Kakayanin pa yan ng UB, may oras pa. Dapat wag silang masyadong magmadali.
99 na ang BU, nakapag-lay-up yung naka number 10. Bumawi naman ang UB at nagdunk yung naka number 17. Hindi na masyadong makapag-shoot si Niko dahil sa lakas nung depensa nila. Pawis na pawis na silang lahat pero pag-pinagkunapara yung dalawang team, mas mukhang pagod ang UB.
30 seconds nalang. Nasa BU ang bola. Pinantayan ng UB ang higpit ng pagbabantay ng BU. Binigay na nila lahat ng lakas nila sa huling oras. Hindi sila naka-shoot.
20 seconds. Nasa number 17 yung bola. Dapat relax lang sila. 99-97 yung score. Kakayanin yan ng three point shoot.
Pinatagal nung number 17 yung bola sakanya at pinasa niya sa naka-number 8.
10 seconds. Pinasa nung naka-number 8 yung bola kay Niko. Mejo nahirapan si Niko pero nakayanan niyang tumakbo sa three point lane. Dalawa yung nagbabantay sakanya.
5 seconds. Nagkunwaring tatalon na si Niko kaya napataas yung talon nung dalawang nagbabantay sakanya. Nung pababa na sila agad na tumalon si Niko at shinoot yung bola.
"THE CHAMPION FOR THIS YEAR'S GAME IS. . "
"3!"
"2!"
"1!"
"THE UB CARDINALS!!!!"
Yes! Panalo nanaman! Napakasaya nga naman. Masayang masaya ang mga taga-UB pero sa kalagitnaan ng pagdiriwang namin napatigil kami at nagulat.
Sinugod nung Gonzales si Niko at sinuntok sa mukha. At dun nagsuntukan na pati yung ibang mga players. Napatayo na si Meng at agad na naglakad papuntang court.
"Meng!" Sigaw ko. Hindi siya pwede dun. Baka maisali siya. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy padin siya sa paglalakad. Sila Kat at Dianne, hindi nila napansing umalis si Meng kasi tutok na tutok sila sa mga pangyayari.
Tumayo ako at sinundan si Meng.
"DJ!" Sigaw ni Kat pero hindi ko din siya pinanasin at pinagpatuloy ko din yung pagalalakd ko.
Nung makarating na ako sa court may mga pumipito na mga Marshall. Inawat nila yung mga players pero hindi padin sila tumitigil. Hinanap ko si Meng kung nasan siya pero hindi ko mahanap.
Naglakad lakad pa ako hanggang sa makita ko si Meng na nakatayo sa harap nila Niko at Gonzales na nagsusuntukan. Sumisigaw siya na tumigil na sila pero ni isa sa kanila walang nakikinig. Kaya ang ginawa ni Meng ay pumagitna siya sa nagsusuntukang Niko at Gonzales. Maya maya pa ay nasuntok ni Niko si Meng at napahiga si Meng sa floor. Napatakbo ako kung nasan sila. Gulat na gulat si Niko sa nagawa niya, pati yung Gonzales.
Nung nakarating na ako, wala akong sinayang na oras at binuhat ko na siya papuntang clinic. Napansin ko ding umawat na yung ibang players.
Nararamdaman ko yung adrenaline rush sa katawan ko. Agad kong naidala si Meng sa clinic. Ipinahiga ko siya sa higaan at sinabi sa nurse yung nangyari.
"Wag po kayong masyadong mag-alala. Gigising din po siya maya maya. Tawagin niyo nalang ako pag nagising na siya at gagamutin natin yung natamo niyang suntok."
Tumango nalang ako sa nurse. Binalik ko yung tingin kay Meng. Nasuntok siya. Unti unti nang nangingitim yung left cheek niya. Kung bakit naman kasi sumugod pa tong babaeng to e. Makulit.
Maya maya pa ay pumasok si Niko, si Gonzales at iba pang mga players na nakatamo ng mga suntok.
Napatingin sila sa direksyon namin. Tumingin si Niko kay Meng. Ang lungkot nung mga mata niya.
Bigla ding dumating sila Kat at Dianne.
"Meng!" Sigaw ni Kat. Nagrelax naman siya nung nakita niyang okay si Meng. Inayos ko yung upo ko.
"Gigising din daw siya maya maya."
Biglang lumapit samin yung nurse.
"Mr. Valdez and company nagsend sakin ng mensahe ang instructor niyo na ako muna ang magbabantay sakanya. Pasok nalang muna kayo."
Antagal ko din bago makalabas ng clinic. Hindi ko maiwan mag-isa si Meng. Kaya bago ako pumasok tinwagan ko si Mezzo pero hindi niya sinasagot yung tawag ko kaya tinext ko nalang para mabantayan niya agad si Meng. Sana gumising na siya para makauwi na siya at makapagpahinga.
Pumasok na kaming tatlo nila Kat at Dianne. Pagkapasok namin, usap usapan yung nangyari sa gym kanina.
Pumasok na si Mam at nagsimulang mag-discuss.
Pati sa 1-2 na class ko discussion lang din.
Bago ako pupunta sa clinic para i-check si Meng, pumunta muna ako sa music room para ilagay yung bag ko. Nung nailagay ko na yung bag ko, agad akong dumirecho sa clinic.
Pagkapasok ko, hindi padin nagigising si Meng. Malakas talaga yung natanggap niyang suntok kay Niko. Wala ding nagbabantay sakanya. San ba kaya si Mezzo? Tinignan ko yung phone ko pero ni isa wala siyang text. Ako nalang muna ang magbabantay sakanya hanggang sa magsimula ang practice namin.
Umupo ako sa upuan malapit sa higaan ni Meng. Sakto namang may tumatawag sakin kaya linabas ko yung phone ko para tignan ko kung sinong tumatawag.
Si Mezzo.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomansaAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
