Chapter 53

45 2 0
                                    

Meng's POV

Nagising ako sa naamoy kong pabango. Ano ba yan! Ang lakas. Natutulog yung tao e. Chaka ang aga aga palang. Napatingin ako sa relo ko. 6:15 palang naman a. Kaya pinikit ko ulit yung mga mata ko. Pero naamoy ko ulit yung pabango. Haaay. Bahala na nga. Umayos ako ng pwesto ko para makatulog ulit ako. Naamoy ko ulit yung pabango pero binalewala ko lang pero ilang saglit pa ay napabangon ako at nawala yung antok ko.

Panlalaki yung amoy ng pabango at hindi lang yun. Bakit blue yung kulay ng bed sheet ko? Sa pagkakaalam ko yellow a. Nagpalit kaya? Pero hindi e. Hindi ko kwarto to. Iba yung ayos ng mga gamit, iba yung painting ng dingding.

Maya maya pa ay may tao na palabas ng banyo. Lalaki. OMY! Habang papalapit ng papalapit limalaki ng lumalaki yung mga mata ko. Please! Don't tell me na si Niko yan. Waaaa! Nakakahiya. Sa lahat ba naman ng pwede kong mapagkamalan na kwarto ko yung kanya pa. >.< kainis naman o.

"Sorry. Nagising ba kita?" Tanong ni Niko.

"H-ha? Hindi. H-hindi naman." Nauutal kong sabi. E pano ba naman kasi. Early in the morning ganyang mukha at ichura ng tao ang makikita mo. Good vibes na good vibes. Sana ganto lagi. :D

Lalo pa siyang lumapit sa higaan at dun ko na naamoy yung pabango niya.

"Sure ka?" Paninigurado niya.

Tumango nalang ako. Ayoko nang magsalita baka maamoy niya yung hininga ko. Nakakhiya naman sakanya.

Umalis na ako sa higaan niya, tumayo at nag-chinelas.

"Um. B-bakit andito ako sa kwarto mo?" Nalilito kong tanong. Hindi naman ako uminom kagabi. Or uminom ako? OMY! may nangyari kaya?! Hindi pwede to. Bata pa ako. Pero nakadamit pa naman ako. Chaka wala naman akong nararamdaman na masakit down there.

"Pumasok ka dito kagabi. Sa sobrang pagod mo. Hindi mo na namalayan na maling kwarto yung napasukan mo." Sabi ni Niko.

Napayuko ako sa sobrang hiya. Waaaaa! Nakakahiya ka Meng.

"Nakahiga na nga ako nun e. Buti nalang maluwang tong kama." Pagpapatuloy niya.

Waaaa! So ibig sabihin magkatabi kaming matulog buong gabi! >.< swear! Parang kamatis na siguro mukha ko.

"Pero umalis din ako at dun ako natulog sa sofa." Sabay turo sa sofa.

Hala! Ang liit nung sofa.

"Pasensya na." Sabi ko ng nahihiya. Napak-gentleman nga talaga niya. Rinerespeto niya ang mga babae. Bakit ganun? Nahuhulog na ata ako. Waaaa! Wag muna! Si heart naman kasi. >.< traydor!

"Okay lang." Sabi niya sabay ngiti. "Cute mong panuorin habang natutulog."

Okay. Kamatis na talaga ako. Waaaa. Kakakilig!

"Uh. Um. Una na ako. Magprepepare lang." Sabay lakad agad habang nakayuko. Pero nung nakarating ako sa may pintuan nakita kong suot ko pa pala yung jacket niya kaya agad agad kong hinubad at naglakad pabalik sakanya.

"Salamat pala sa jacket." Tumalikod na ako at naglakad ng mabilis papuntang kwarto.

Sinarado ko yung pintuan at li-nock.

Bakit ganun? >.< unti unti na akong nahuhulooooooooooooog!

Hay! Tama na muna yan. Naglakad na ako papuntang banyo at naligo.

Binagalan kong maligo. Feeling ko kasi ang dumi dumi ko. Dalawang beses akong nag-shampoo at nagsabon ng katawan. Nag.punas nadin ako ng katawan after. Lumabas ako ng banyo at dumirecho sa lalagyan ng mga damit ko. Wala na talaga akong natitirang damit, yung sando nalang na binigay ni Mr. UN ang naiwan kaya yun na ang susuotin ko.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon