Chapter 11 Andre Niko

37 2 0
                                        

Naglalakad ako sa hallway ng may biglang sumigaw ng pangalan ko mula sa likod ko.

"Niko! Tol!" Kilala ko na, boses palang. Si Drex, team mate ko. Narinig kong palapit na siya sakin. Pero hindi ko padin siya liningon.

"Huy Niko!" Sabay tapik sa likod ko.

Lumingon ako at gulat na gulat sa nakita ko. Kasama ni Drex yung girl na sinundan ko nung isang araw. Nakatitig lang ako sakanya. Napansin niya ata kaya yumuko nalang siya.

"Oi! Kanina pa kita tinatawag hindi ka manlang lumingon" nabalik lang ako sa katotohanan ng magsalita si Drex.

"Aaaah. Sensya Pare, may katext kasi ako." Palusot ko.

"Lagi ka namang may katext eh. Haha. Hindi mo manlang ipakilala sakin. Oo, nga pala si Meng kababata ko. Meng si Niko ang dakilang babaero. Hahaha" Pagpapakilala sakin ni Drex. Hindi ko alam pero natuwa ako dahil kilala na namin ang isa' isa.

"Utot mo sino kaya ang babaero satin?" Sabi ko kay Drex at humarap ako kay Meng. Inabot ko ang kamay ko. "Hi Meng." Sabay ngiti ng pagkaluwang luwang. May kakaiba talaga sa babaeng ito.

Inabot niya naman ito at nakipag-kamayan. "Hi." Sabay ngiti pero mabilis lang yung ngiti niya.

Langyaaaaaaa! Ang ganda niya. Ayoko pang bitawan kamay niya. Pero wala akong magagawa kaya binitwan ko na. Habang nakatingin padin ako sakanya.

"Tol kumain ka na ba? Papunta palang kami ni Meng sa food court. Kung gusto mo sabay ka na samin." Alok naman sakin ni Drex.

Sa totoo lang kumain na ako. Pero pupunta padin ako. Gusto ko pang makilala si Meng. At parang meron talagang kakaiba sakanya na gusto kong malaman. Nakakacurious kasi siya, maslalo na yung tingin niya sakin nung practice namin ng basketball.

"Sige sige, tara na, papunta din ako dun actually." Palusot ko nalang ulit.

Nauunang maglakad sila Drex at Meng. Sumusunod ako. Hanggang balikat ko lang siya. Sakto lang yung haba ng buhok niya. Abot hanggang lagpas ng shoulders.
Wavy. Dark brown. Ang puti niya. Nakasando kasi siya na loose. Para siyang may lahing Amerikano.

Nakarating na kami sa food court at umupo sa bakanteng upuan.

"Libre ko na." Sabi ko.

"Yown naman! Haha. Hindi ako nagkamali na inaya kita." Masayang sabi ni Drex.

"Bat sinabi ko bang ikaw ang ililibre ko?" Humarap ako kay Meng. "Anong gusto mo Meng?"

Tumawa siya. Gusto ko yung tawa niya. 

"Gusto ko ng dalawang burger, dun sa minute burger ha? Tapos milk tea, taro flavor. Salamat!"

Woah! Dalawa. Lakas kumain ah. Chaka, minute burger, labas na ng school yun. Ibang klase. Hindi pa siya nahiyang magpalibre sakin. Ayos tong babaeng to ah. Pagdating lang siguro sa pagkain ganto siya. Kasi pag ibang bagay sobrang mahiyain siya pero iba ugali niya pagdating sa pagkain.

"Sure, sige sige." Sabi ko sabay ngiti.

Paalis na sana ako pero biglang nagsalita si Drex.

"Grabe tol! Ganyanan pala. Kanina mo lang siya nakilala pero ako matagal na." Pagmamaktol na sabi ni Drex.

"Haha. Joke lang. Tara samahan mo muna ako." Humarap ako kay Meng. "Meng, jan ka muna ha? Okay lang ba sayo na mag-isa mo lang? Babalik din anamn kami agad." 

"Sure sure. Sige okay lang." Sabi niya ng nakangiti.

Nagsimula na kaming maglakad ni Drex. Lumingon ulti ako sa kung nasaan si Meng at napansin kong naglabas siya ng libro mula sa bag niya. Magbabasa siguro siya ara hindi siya bored. 

Lumingon ako kay Drex.

"Br--"

"Alam ko na yang sasabihin mo, ang ganda niya no?" Pagpuputol ni Drex sa sasabihin ko.

"Yeah." Yun lang nasabi ko. Hindi ako yung tipo na kakausapin ang kaibigan para mapalapit sakanya. Gusto ko sarili kong sikap. Kaya ako mismo ang aalam ng mga tungkol sakanya.

"Kakaiba nga siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko e. Simple, palatawa, mambabasag, kahinaan niya ang pagkain, outlet niya yan pag stressed siya. Pero mahal na mahal niya talaga ang pagkain. Una niyang takbuhan yan simula pa nung mga bata pa kami." Natatawang sabi ni Drex.

Parang sa lahat ng bawat salitang sinabi niya may pinanghuhugutan siya. Magkababata sila, hindi malabong magkagusto sila sa isat isa. Si Drex masasabi kong may gusto siya kay Meng. Pero hindi pa ako sigurado. Syempre lalaki ako, alam ko din  kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae.

"Kaya pala kanina hindi na siya humindi nung sinabi kong manlilibre ako." Sabi ko.

Nakarating nadin kami sa minute burger, umorder nadin ako agad. Baka kasi gutom na gutom na si Meng. Yun nadin ang inorder namin ni Drex.

After 10 minutes nakuha na namin yung inorder namin. Binilisan naming maglakad papuntang food court.

Pagdating namin dun, nakasimangot si Meng. Patay. Gutom na to sigurado.

Nung makalapit na kami bigla siyang nagsalita.

"Ang tagal niyo naman. Gutom na gutom na ako, malapit na akong mamatay." Sabi niya sabay hablot sa hawak ni Drex na pagkain. Iaabot ko palang sana tong hawak ko pero halatang gutom nga talaga siya. Katakot naman tong babaeng to.

Binuksan na niya yung box at nagsimulang kumain. Ganun din ang ginawa namin ni Drex. Habang kumakain, nagnanakaw ako ng tingin. Seryosong seryoso siya sa paglamon niya.

"So Meng, taga san ka?" Tanong ko sabay kagat sa burger ko.

Nagulat ata siya. Nakalimutan niyang may kasama siya.

Tumingin siya sakin.

"Taguig Manila." Sabi niya tas agad na bumalik na lumamon. "Ikaw?" Pahabol niya.

Hindi ko aakalaing tatanungin niya ako pabalik. Ang tahimik niya kasing tignan. Parang loner kumbaga.

"Taga dito ako. Bakit ka lumipat dito?" Curious kong tanong. 

"Kasama ko sila Mama at ang mga kapatid ko. Sabi ni Mama mas maganda daw na mag-aral ako dito. Sabi ko nga eh na mas maganda dun kaso ewan ko. Kaya ayun! Sinunod ko nalang si Mama." Sabi niya sabay kagat sa burger niya at inom sa milk tea.

"Aaaah. Eh ang Papa mo?"

"Nasa America siya. Dun siya nagtatrabaho." Sabay inom ulit siya sa milk tea.

"Speaking of America, may lahi kang American?"

"Meron, pero one fourth lang. Yung lolo ko, tatay ni Papa American tas nag-asawa siya ng pure na Filipina. Ano to interview?" Sabi niya nang nakatingin siya sakin na mejo naiirita. At natawa ako.

"Haha. Parang ganun na nga."

"Okay. Sige ako din ang magtatanong. May lahi ka din ba?"

"Meron, Italiano. Itang Ilokano." Sagot kong natatawa.

"Tatawa na ba ako? Sabihin mo lang." Sungit ni Ate.

-_- hirap palang patawanin neto.

"Haha. Joke lang to naman." Sabi ko nalang.

"Ahem. Ahem." Drex

"Ay! Anjan ka pala Drex. Kelan ka pa anjan? Hahahahaha" Gulat na sabi ni Meng.

"Grabe! -_-" Tampong sabi ni Drex. Pero sa toto lang nalimutan kong andito pala tong mokong na to. 

"Haha. De joke lang naman." Sabi ni Meng at tuluyan na niyang inubos yung inumin niya.

Kwentuhan lang kami ng lunch. Andami ko ding nalaman tungkol sa pamilya niya. Sakanila ng Kuya niya. Ang sarap niyang kasama hindi awkward. Walang tahimik na moments. Ang daldal niya din. Pero nambabara siya. Masaya siyang kasama. Kaso halata ko na hindi totoo yung saya na pinapakita niya. Parang nararamdaman kong may mas malalim siyang kalungkutan at yun ang kelangan kong malaman sakanya.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon