"Carl, ilan ba ang kakantahin natin sa debut?" Tanong ko.
"Maghanda lang tayo ng 15-20 na kanta. Magdamagan daw yun eh. Pero may pahinga din tayo syempre. Siguro 25 nalang. Pangback-up lang yung lima." Sabi sakin ni Carl.
"Eto o, You and Me" Biglang singit na sabi ni Edward.
"Mas maganda yung Ikaw at Ako" Sabat naman ni Von kay Edward.
"Tinagalog mo lang e" Sabi ni Edward
"Baliw! May kantang ganun! Hindi ka nanaman updated. Mga kanta mo kasi panahon pa ng hapon." Von
"Hindi a. E yung sayo panahon pa ni Magellan." Edward
"Utot mo, ma----" Von
"Heeeep! Tama na yan wala tayong matatapos!" Sigaw ni Carl.
Nanahimik naman yung dalawa. Hahahahaha. Biglang tumabi sakin si Edward sabay bulong.
"Tol! Ilakad mo nga ako kay Kathlyn na yun."
Baliw na talaga to.
"Sorry. Hindi kami close, tsaka hindi mo pa nga siya nakikita e." Sagot ko at nagfocus ako sa music library ko para maghanap ng mga kanta sa debut.
"Psh. Sige na nga. Gagalingan ko nalang pagdadrums ko." Sabay ngiti ng nakakaloko.
Tumahimik na siya at nagtrabaho na lahat ng seryoso. After 40 minutes naka pili na kami ng 25 na kanta. Yung iba sinimulan na naming i-practice. Hindi naman kami masyadong nahirapan kasi familiarize na namin lahat ng songs. Nakakapagod lang dahil madami.
Nung mejo nakapagpahinga kami ng konti. Nagsiuwian na kami.
Nang malapit na ako sa bahay. Nag-slow down ako sa harap ng bahay nila Meng at napansin kong nasa veranda siya ng kwarto niya, may hawak na gitara, kumakanta.
Binilisan kong pinark yung sasakyan at agad na tumakbo paakyat ng kwarto. Lumapit ako sa pintuan ng veranda at binuksan ito ng katamtaman lang para marinig ko siya.
"People fall in love in mysterious ways, maybe its a part of a plan."
Langya! Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Ang galing niyang mag-gitara, kuhang kuha niya yung acoustic version. Ang ganda pa ng boses niya.
Umupo ako sa floor at sinandal ko yung likod ko sa dingding. Patuloy ko padin siyang pinapakinggan. Langya talaga! Bat ganun? Ang galing niya. Ang ganda ng boses niya. Pinikit ko ang mga mata ko. Dinidinig ko bawat linya ng kanta. Ibang klase. Linabas ko ang phone ko at rinecord siya na kumakanta. Sana marinig.
Ilang sandali pa ay natapos niya ding tugtugin yung kanta. Tinigil ko nadin ang pagrerecord. Pinakinggan ko, mahina pero sakto lang, malinaw parin kasi gabi na. Yung bandang chorus lang yung narecord ko pero ayos lang. Basta narecord ko siyang kumakanta. Yun ang mahalaga.
Tinago ko na yung cellphone ko at pansin kong hindi pa ako nakakapagpalit. Haha. Eh pano naman kasi nakita ko si Meng na nag-gigitara.
Narinig kong may pumindot ng door bell. Agad agad akong bumaba para tignan kung sino.
Binuksan ko yung pintuan. Si Mezzo. Kapatid ni Meng.
"Yo DJ." Bati sakin ni Mezzo. Sabay fist bump.
"Yo. Pasok" Sabi ko naman at pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Pwede bang dito muna ako saglit?" Tanong ni Mezzo.
"Oo naman. Sabi ko naman sayo diba na anytime pwede ka dito, kahit gano katagal." Pag-allok ko at pumunta kami sa may bandang sala.
"Salamat. Oh hindi ka pa ata nakakapagpalit?" Tanong ni Mezzo na nakatingin sa damit ko.
"Aaah. Oo. Kakadating ko lang kasi ng bahay galing school." Sagot ko.
"School? Ang gabi naman na ata?" Takang taka na tanong ni Mezzo.
"May practice kami sa banda. Umabot ng gabi kasi naghanap pa kami ng mga kanta. Kakanta daw kami sa sabado sa isang debut."
"Talaga? Kasama ka ng banda ng school? Astig. Eh sino naman yung magdedebut?"
"Si Kathlyn." Tumingin ako sakanya.
"Velafuente?" Tanong niya.
Kilala ba yung babaeng yun? Tanong ko sa utak ko. Famous ata yun ah.
"Yep. Kilala mo?" Tanong ko naman kay Mezzo.
"Kaibigan ni Meng, pinakilala niya sakin kahapon lang. Edi sabay sabay na pala tayong pumunta dun sa sabado ihatid ko na kayo."
Ahhh. Sabi ko naman sa utak ko. Mukha din kasi siyang famous eh.
"Kaibigan?" Kaya pala nakikita kong magkakasama na silang tatlo nila Dianne. Akala ko sinasamahan lang or what. Pano naman kasi ang tahimik na tao. "Talaga? sige sige." Masayang sagot ko. Syempre kasama si Meng. Hahahaha.
"Kunin ko number mo." Inabot niya yung phone niya. Tinype ko naman number ko.
"Tarang kwarto ko. Jamming tayo. Marunong kang maggitara?" Tanong ko.
"Yep. Sige sige, gusto ko yan." Sagot naman ni Mezzo. Hindi ko na siya natanong kung bakit andito siya or baka may gusto siyang sabihin sakin. Halata namang gusto niyang tumambay dito. Siguro bored na siya sa bahay nila. Bago palang kasi sila dito sa Baguio. Kaya siguro naghahanap ng gagawin. Haha.
Umakyat na kami ng kwarto ko. Pagkapasok namin, linibot niya ang tingin niya. Manghang mangha ang ichura niya. Haha. Eh pano ang luwang ng kwarto ko tas punong puno pa ng ibat ibang klase ng gitara.
Iniwan ko muna siya saglit na mag-ikot ikot sa kwarto ko. Haha. Pumunta muna ako sa damitan ko at kumuha ako ng damit na pangbahay at nagpalit sa banyo. Pagkalabas ko naghihintay si Mezzo na manghang-mangha padin yung ichura.
"Grabe Pare! Kulang nalang maging bentahan na ng gitara tong kwarto mo" Sabi ni MEzzo na nakatingin padin sa mga dingding ko na kung saan nakasabit yung mga gitara ko.
6 lang naman ang gitara ko. Haha. tatlong electric at talong acoustic.
"Baliw. Hindi naman bro. Bigay lang lahat yaan sakin kaya todo ingat ako kasi sobrang laki ng centimental value ng mga gitara ko." Sabi ko habang kinukuha ko yung dalawang acoustic na gitara. Inabot ko kay Mezzo yung isa.
"Talaga? Ang yaman naman nung nagbigay sayo ng mga gitara mo. Haha. SIno ba? Gawin ko nga siyang kaibigan ko para bigyan din ako. Haha" Sabi ni Mezzo sabay upo sa sahig at nagsimula na siyang tumugtog ng mga random na chords.
"Si Mama lahat ang nagbigay sakin ng mga yan. Sabi ko nga tama na eh, kasi baka hindi ko nadin magamit yung iba, sayang lang baka masira." Sabi ko at umupo nadin sa sahig.
Napatigil sa pagtugtog si Mezza sa sinabi ko. "Talaga? Asan Mama mo ngayon?" Tanong sakin ni MEzzo.
Ako naman ang nagsimulang tumugtog ng random chords. "Nasa Amerika siya ngayon. Nagtatrabaho. Sabi ko nga uwi na siya dito eh kaso hndi niya maiwan trabaho niya doon. Malaki kasi sweldo. Kaya sabi ko pag ako nakapagtapos, papauwiin ko nalang si Mama ako naman ang magttrabaho. Dadalawa nalang kami sa buhay hindi pa kami magkasama." Sabi ko sabay buntong hininga.
Napatingin naman sakin si Mezzo habang ako tumutugtog padin ng random chords pero mahina lang.
Sa tingin ni Mezzo alam ko na kung ano yung susunod na tanong kaya inunahan ko na siyang magsalita.
"Wala na si Papa ko. Namatay na siya"
"Sorry"
"Okay lang" Sabi ko sabay linakasan ko yung pag-strum ng gitara ko at kumanta.
Sinabayan nadin ako ni Mezzo. Nagjam lang kami ng buong gabi. Kumanta ng mga kung ano anong kanta. Halo halong genre ng mga kanta. Ang gaan lang sa pakiramdam ng mga kanta. Yung tipong ang lungkot mo tapos makakarinig ka lang ng mga kanta gagaan na yung mga kanta.
Music is life nga naman.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.