"Good Morniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!" Sigaw ko. "What a wonderful day! ^_____________^"
"Naks naman. Anong meron sayo anak?" Sabi ni Mama.
"Masaya lang ako Ma. Bakit po? May bayad na ba ang pagiging masaya ngayon?"
"Hindi naman. Kain ka na. Maya maya pababa nadin ang Kuya mo."
Umupo na ako at nagsimulang kumain. Nomnom!!
Habang kumakain ako linalaro ko si Baby Meg. Cute cute!
"Anak kamusta ka sa school mo?" Tanong ni Mama.
"Okay lang naman po ako Ma. Kering keri padin." Sagot ko sabay subo pero ngumiti lang si Mama.
"Good Morning." Bati ni Kuya. Ang lungkot niya ngayon a.
"Hi Kuya, umagang umaga nakasimangot ka. Tatanda ka ng maaga niyan."
"Ha? Hindi, kulang lang kasi ako sa tulog." Sabi ni Kuya. Pero nararamadaman kong nagsisinungaling lang siya. Siguro dahil sakanila ni Nichole. Pero ayoko munang banggitin baka maslalong maasar sakin si Kuya. Kagigising pa naman niya.
Umakyat na ako at naligo. After nun nagsuot ako ng black na skinny jeans, white na soccer T-shirt at black na vans. Inayos ko nadin yung mga gamit ko. Half day lang kami ngayon kasi nga may game.
Bumaba na ako at naabutan si DJ at Mama sa sala.
"Hi Meng!"
"Hi." Sagot ko ng nakangiti.
"Hindi daw papasok ang Kuya mo, masakit daw ang ulo niya at hindi daw maganda pakiramdam niya." Sabi ni Mama. Ang dami naman. Feeling ko di totooo yun. Kausapin ko nalang mayang pag-uwi si Kuya.
"Nagpasuyo ako kay DJ na sumabay ka sakanya hanggang school."
Tumango lang ako.
"Alis na po kami at 7:30 na."
Tumayo na si DJ. "Bye po Tita." Pagpapaalam ni DJ kay Mama.
"Bye Ma. I love you po. Ingat papuntang work!."
Luamabas na kami ng bahay. Dumirecho sa sasakyan ni DJ at sumakay. Pina-andar niya din namn agad.
Habang nasa sasakyan tumingin ako sa labas. Naalala ko nanaman yung kagabi. Nakasama ko si Niko. Ang saya sa feeling. Sobrang saya. Feeling ko kasama ko ulit si Ken. Pero alam kong mali yung ginagawa ko. Parang ginagamit ko lang si Niko para mapasaya ko sarili ko. Pero may part sakin na gusto ko pa siyang makasama na siya talaga.
Hindi ko akalaing hindi pala kumakain ng street foods yung lalaking yun. Hahaha. Ichura niya kagabi, halos sumuka na siya. Sana naman hindi sumakit yung chan niya. Laro pamandin nila ngayon.
"Ang saya mo ata ngayon." Singit ni DJ.
"Naman! :)"
"Pwede ko bang malaman?"
"Secret. Walang clue. :p"
Ilang sandali pa ay nakarating nadin kami ng school.
"Wait punta muna akong locker."
"Samahan na kita."
Ngumiti lang ako at nagpunta ng locker. Binuksan ko yung locker ko at nakita ang paper bag. Hindi naman sakin to a. Kinuha ko at binuksan ko. May laman siyang damit na nakatupi at note sa ibabaw.
Binuksan ko.
Goodmorning. :) Ingat. Sanamagustuhanmo. :) parasayoyan.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.