Chapter 13 Mezziya (Meng)

29 3 0
                                        

Langya! Ang pogi talaga ni Niko. Waaaaaaa! pero hindi  parin siya  ang makakapag balik ng dating ako. Pero After 3 months ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gaan sa pakiramdam. Ewan ko ba kung bakit pero ang gaan talaga. Sa tatlong buwan na nakaraan wala akong ginawa kung hindi umiyak gabi gabi. At hanggang ngayon nararamdaman ko padin yung sakit.

Habang nakahiga ako sa higaan ko. May nagtext.

Toot toot..

Inabot ko yung phone ko sa mesa sa tabi ng higaan ko at tinignan kung sino yung nagtext.

From: Unknown Number

Hi

Sino naman to? Psh. Hindi ako nagrereply sa mga unknown number hanggang sa magpakilala sila. Kaya pinabayaan ko nalang.

Binalik ko yung phone sa mesa at nagkumot na. Bukas na yung debut ni Kat kaya kelangan ng matulog.

Zzzzzzzzzz.....

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bumangon na ako at dumirecho sa banyo, mabilis na naligo. Pagkatapos kumuha ako ng black na shorts at white na shirt sa damitan ko. Sinuot ko nadin ang favorite kong vans na black.

Bumaba na ako at dumirecho sa kusina kung nasan si Kuya na kumakain.

"Morning" sabi ni Kuya.

"Morning"

"Ready ka na?"

"Yep. Wait! Kain muna ako." Kumuha ako ng plato sa lalagyan ng mga plato, malamang. Linagyan ko nadin ng pagkain yung plato ko. Ang pagkain? One of my favorite, carbonara. Nyam nyam! Sarap! Haha. Bukod sa pamilya ko ito ang kasiyahan ko. Ang kumain. xD

Umupo na ako sa harap ni Kuya na katatapos kumain. Kumain nadin ako pero dinahan dahan ko. Ang sarap eh. Haha. Pag kinakain ko ang fave food ko dapat with feelings. Hahaha.

"Haha. Feel na feel kumain ah." Sabi ni Kuya. Pansin niya siguro.

"Oo ah. Ang sarap eh." Sabay subo ulit ng punong puno na tinidor ng carbonara.

"Kamusta ka Meng?" Tanong ni Kuya. Weird naman. Bigla nalang nag-change ng topic. Chaka mukha ba akong hindi okay? 

"Okay lang naman ako Kuya. Bakit?" Tanong ko ng may halong pagtataka sa mukha ko.

"Wala lang. Haha. Kain ka na nga jan." Sabi ni Kuya sabay ginulo ang buhok ko. -_- badtrip naman oh.

Pinabayaan ko nalang si Kuya. Weird talaga. Out of the blue biglang ganon yung tanong niya eh okay naman ako. Saya ko nga eh.

Oh well, inubos ko na yung nasa plato ko. Linagay ko na sa lababo. Pagkatapos umakyat ako sa kwarto para magtooth brush. Pagkatapos bumaba na ako.

"Tara na Kuya." Sabi ko kay Kuya na nakaupo sa sofa.

Bigla naman siyang tumayo. "San yung bahay ni Kat?"

"Villa de Manor."

"Aaaah. Alam ko kung san yun." Sabi ni Kuya na sobrang confident habang naglalakad siya palabas ng bahay.

"Pano? E bago lang tayo dito ah." Sabi ko habang nagsisimula nading maglakad.

"Linibot ako ni DJ." Sabi ni Kuya habang patuloy pading naglalakad. Lalo pa akong nagtaka kasi lagpas na ng garahe si Kuya pero naglalakad padin siya.

Lumingon si Kuya at tinignan ko siya ng pagtataka pero nginitian niya lang ako.

Pinabayaan ko nalang. Tanungin ko nalang mayang pag-uwi.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon