Meng's POV
"EX." Sabi ko na para bang gusto kong bawiin. Bat ko pa sinabi yun? Yung buong katawan ko gusto pang makipag-usap kay Niko tungkol dun pero yung isip ko tutol sa ideyang yun.
Iniwan ko yung chinelas ko at itinaas ko yung mga paa ko at nag-indian seat sa may sofa. Napakatraydor talaga ng katawan ko.
"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari sainyo?" Tanong niya.
Tumingin ako sakanya. Halatang gustong gusto niyang mapakinggan. Ilang segundo din ata akong nakatitig sakanya, ini-isip kong sasabhin ko ba o hindi pero bigla siyang nagsalita.
"Sorry, hindi ko sinasadjang mange-alam. Kung ayaw mong mapag-usapan ibang topic nalang."
"Hindi. Okay lang."
Tumingin siya sakin at hinihintay akong magsimulang mag-kwento. Huminga ako ng malalim bago ako nagsimula.
"First EX ko siya." Nag-pause ako saglit at tumingin sakanya. "First EX ko si Ken. Lahat ng 'first' ko sakanya ko nagawa pati lahat ng first time kong gawin siya ang kasama ko. Siya ang first boyfriend ko, siya ang first na katext ko at katawag ko na aabot hanggang madaling araw, siya ang unang lalaking makikita ko first thing in the morning, pupunta siya sa bahay at sosorpresahin ako, sabay kaming pupunta sa school, ihahatid at susunduin niya ako. Minsan lalabas kami tas kakain kami. Siya din syempre ang first date ko, first na lalaking nakasama kong manuod ng movie, mag-jogging, mag-aral, mag-review. Siya ang nagpalabas ng tunay na ako, yung better na ako. Everything is going smooth." Tumigil ako sa pagsasalita.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
"Isang araw nalang bigla siyang hindi nagparamdam. Ni text o tawag manlang wala akong natanggap. Hindi siya pumunta sa bahay. Ilang beses ko na siyang tinwagan pero hindi niya sinasagot. Nung tinawagan ko yung Mama niya ang sabi lang e may ginagawa lang daw siya. Pero alam kong andun siya, ayaw niya lang akong kausapin at ewan ko kung bakit. Nung hapon ng araw na yun, naisip ko na baka busy lang talaga siya kaya hindi ko na muna siya inabala. Kinabukasan, ganun ulit yung nangyari, walang Ken na nagparamdam hanggang sa ganun din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Lagi kong tinatawagan yung Mama niya pero pati siya iniiwasan ako. Hanggang sa araw araw parang wala ako sa sarili ko. Syemepre una ko siya, first time kong maranasan yung mga ganung bagay , hindi ko alam ang gagawin ko. Gabi gabi iiyak ako. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit bigla nalang siya nawala. Kung may kasalanan ba akong nagawa sakanya. Kung nakahanap na siya at may iba na siya. Pati sila Mama at Kuya, hindi nila alam kung anong gagawin nila sakin. Tatlong buwan akong ganun. Wala sa sarili, laging nanlulumo, walang pakialam, deadma hanggang sa lumipat kami dito at laking pasasalamat ko dahil mejo nakalimot din naman ako, lalo na nung nakilala ko sila Kat at Dianne. Unti unti din akong bumabalik sa totoong ako. Pero ngayon bigla nanaman siyang nagpakita, hindi ko na alam ang gagawin ko pero napag-isip isip ko na gusto ko na talagang makalimutan yung 'kami' at mag move on. Yun!" Pagtatapos ko.
Pagtingin ko sakanya nakatingin siya sakin. Nakikinig talaga siya ng todo.
"Bakit hindi mo alam yung gagawin mo nung nagpakita ulit si Ken?" Tanong niya
"Syempre yung paghihiwalay namin hindi maayos. Kelangan naming mapag-usapan yung mga loose ends. Pag dumating yung araw na yun, hindi ko talaga alam ang gagawin ko."
"Mahal mo pa ba siya?"
Napatigil ako dun sa tanong niya.
"Oo. Pero pinipilit kong hindi na, kasi ayoko nang masaktan."
"Pano kung may isang tao na willing kang tulungan para makalimutan mo siya?" Tanong niya na parang excited.
"Edi magpapatulong ako. Sayang din yung opportunity no. Chaka baka ilibre niya ako. Haha!" Pagjojoke ko. Sobrang seryoso kasi nung usapan. Chaka ayoko na siyang pag-usapan. Pwede ba? 3 months na akong iyak ng iyak dahil sakanya. Tama na yun.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
