Wednesday na at wala parin akong kaibigan. Poor me. Buti nalang andito si Kuya. My one and only Kuya. Ang tangi kong makakapitan sa ngayon.
Andito kami ni Kuya sa food court, magla-lunch.
"Meng, anong gusto mong kainin?"
"Kuya, libre mo ulit ako. Gusto ko ng menudo, dalawang rice tapos gulaman tapos yung color green na pinakain mo sakin kahapon. Hehe. Thank you!"
"Aba! Namimihasa ka na a. Abuso! Haha. Sige na nga, basta para sayo. Pandan ang tawag dun. Sarap no?"
"Ahhhh, yun pala tawag dun. Haha. Oo nga eh, oo nga sobrang sarap. Paramihan mo yung milk nun ah? hehe Thanks Kuya!" muuuua :* sabay bigay ko sakanya ng flying kiss. Hahaha. Kaya labs na labs ko yang kuya ko eh.
"Baliw ka talaga noh? Pagdating talaga sa pagkain ang saya say mo. Bukas may ipapatikim ulit ako sayo. Teka lang. Bili lang ako ng pagkain natin"
Umalis na si Kuya.
Sakto namang may papalapit sakin na dalawang babae. Hindi ko masyadong mamukhaan. Malabo kasi mata ko. Nung malapit na sila chaka ko lang sila namukhaan.
"Hi." Sabay na sabi ni Katkat at Dianne habang naka-ngiti. Kaklase ko sila halos sa lahat ng subjects ko.
"Hi" sagot ko ng nakangiti.
"Meng right?" Tanong ni Katkat.
"Yep. Upo kayo o." Ngiting sabi ko. Actually gusto ko silang maging kaibigan. Pare-parehas kasi kami ng mga hilig gawin. Marami rami din kaming similarities.
"Thanks" sabay nilang sabi.
"Friends na tayo please." Nagmamakaawang sabi ni Dianne.
Haha. Natawa naman ako dun.
"Haha. Sure. Wala pa nga akong friends e. Kawawa nga ako. Actually gusto ko talaga kayong maging kaibigan. Mahiyain lang talaga kasi ako. Hindi ko papansinin ang isang tao hanggat hindi niya ako pinapansin."
"Ang daldal mo din pala. :D" Katkat
"Oo nga. Kami din ni Katkat gusto ka naming maging kaibigan kaso ang akala namin ang taray taray mo. Hindi naman pala. Haha. Ang daldal mo pa. :D"
Dumating na si Kuya dala dala ang mga pagkain. Patay! Haha. Magpapa-cute nanaman tong si Kuya. Lagi yang ganyan e. Lalo na sa harap ng mga babae. Para siyang si Jollibee, pabibo haha. xD
"Hi." Sabi ni Kuya na pagkaluwang luwang ng ngiti. Linapag na niya yung pagkain sa mesa. Sabi ko na eh, ngingiti yan. Pilit niya pang linalabas yung dimples niya kahit wala naman hahahaha.
"Kuya, new friends ko. Si Katkat at Dianne." Tinuro ko sila kay Kuya.
"Katkat at Dianne. Kuya ko." Pagpapakilala ko naman kay Kuya
"Hello." Inabot ni Katkat yung kamay niya at nag shake hands sila.
Bigla namang natahimik tong si Dianne. Parang kanina lang ang ingay niya. Haha. Natameme nung dumating si Kuya. Hahahaha. Pogi naman talaga si Kuya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, masayahin, masarap kasama, joker, gentleman. Yun! Kaya nga swerte yung magiging girlfriend niya e.
"Hi." Sabi ni Kuya kay Dianne at inabot niya yung kamay niya sakanya.
"Hi." Nakayukong sabi ni Dianne.
Hahahaha. Namumula na siya. xD
Umupo na si Kuya.
"Kain tayo o" alok ko.
"Sige lang tapos na kami. Gusto ko sanang imbitahin kita sa debut ko sa Saturday. Kung okay lang sayo" ^_^ Katkat
"Sure! Gusto ko yan! Hehe. Tapos, since friends na tayo lagi na tayong magsabay kumain. May ipapatikim ako sainyo. Ipinatikim sakin ni Kuya. Ang sarap! Promise! Haha. Tapos Kuya, okay lang na kahit hindi ka na sumabay samin ng lunch. Kasi you know, baka ma-o.p ka lang."
Derederechong sabi ko."Pagpasensyahan niyo na tong si Meng ha? Maingay talaga yan, ngayon na nga lang ulit naging maingay yan e." Kuya.
"Akala nga namin napaka sungit niya e. Haha. Kabaliktaran ata. :D" Katkat. "So magkita tayo ng Saturday ng umaga para sa pag-aayos natin. Tapos, ako na bahala sa mga dress niyo. Wag niyo nang problemahin." ^_^
"Sure ka?" Tanong ko. Ang bait bait naman nitong si Katkat. Ang gaan nadin ng loob ko sakanya. Pati kay Dianne. Ang gaan at ang sarap nilang kasama. Sila talaga yung mga FOR KEEPS na mga kaibigan.
"Yep, basta kita tayo ng umaga" :)
"Meng magpaalam ka kay Mama." Seryosong sabi ni Kuya.
"Opo opo. Tas Kuya ihatid sundo mo ako ha? Hehe. Thank you!" Sabay hug kay Kuya. "Katkat papaalam lang ako kay Mama mayang pag-uwi, tas text nalang kita. Ay! Number niyo nga pala." Inabot ko phone ko kay Katkat tas pinasa niya naman ito kay Dianne. Nahalata kong ang tahimik ni Dianne.
"Dianne? Okay ka lang? Ang tahimik mo ata?" Tanong ko.
"Ha? Aah. Oo naman. Hehe."
"Okay! Yay! So settled na tayo ha? Everyday lunch tapos magkikita tayo Saturday morning pero papaalam muna ako kay Mama tas tetext ko kayo" ^_______^
Masaya to. ^____^ Hayyy, kanina lang problemado ako na wala pa akong kaibigan pero eto na sila inaaya ako na everyday maglunch at eto pa, pupunta pa ako sa debut ni Katkat. Ilang minuto lang kami nagkakilala pero ang bilis naming maging close.
Tumayo na kaming lahat pagkatapos kumain at since magkakaklase kami nila Katkat at Dianne sa susunod na klase, sabay sabay na kaming pumunta. Humiwalay nadin samin si Kuya at pumunta nadin siya sa klase niya. Nakatitig naman itong si Dianne sa Kuya ko habang naglalakad paalis. Hahahahaha.
"Hoy Dianne baka gusto mo nang tignan yung dadaanan natin kasi tatawid na tayo, ayoko pang mawala ka sa mundong ito kasi kakakilala ko palang sayo." Pagbibiro ko at bigla naman siyang natauhan sa sinabi ko.
Sabay tawa kaming tatlo.
Haaaay. Ang sarap magkaroon ng mga kaibigan.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.