Wala namang mali kay Nichole. First impression ko lang siguro yun. Masaya ako kay Kuya at may girlfriend na siya. Sana si Nichole nadin ang mapangasawa niya.
Kaya pala last few days napakaluwang ng ngiti ni Kuya. Haha.
Kinuha ko ang phone ko sa bag ko. 7:30 na pala.
May 2 new messages ako. Galing kay Kat at DJ.
From DJ:
Woooooo! Ganyankanamane. Mang-iiwan. Haha. Jokes. Sige. Enjoy! :)
Baliw talaga tong si DJ.
From Kat:
SorryfriendatnaunanakamingumalisniDianneha? Awkwardkasie. Hehe. We'llexplaintomo. :* seeyou!
Sabi na nga ba e. Tama hinala ko kila Dianne at Kat. Anyways, mag-eexplain naman sila bukas kaya okay lang.
After kong basahin yung mga messages ko.
Napansin ko yung number na nagtext sakin nung sabado. Sino kaya to? Mareplyan nga.
To unknown number:
Sinoto?
Hinintay kong magreply pero after 10 minutes wala padin.
Sabi na nga ba e. Kaya ayokong rinereplyan yung mga unknown number. Mga manloloko lang yung mga yun.
Tinago ko na yung phone ko sa bag ko.
Tumingin ako kay Kuya. Nakangiti ang loko. Hahaha.
"Abot hanggang tenga ang ngiti a."
Tumingin sakin si Kuya ng nakangiti padin. Pero binalik niya agad ang tingin niya sa kalsada.
"Ganto pala ang feeling. Ang saya."
Gaya nga ng sabi ko kanina. First ni Kuya si Nichole.
"Haha. Mukhang tinamaan ka na talaga kay Nichole a."
Lumingon lang ako kay Kuya pero ngumiti lang siya.
"Kuya, sure ka ba talaga sakanya? I mean, parang ang bilis kasi. Nakita mo lang siya tapos ligaw agad tapos kayo na agad. Diba?"
"Mabilis nga. Pero iba. Iba talaga yung nararamdaman ko pag kasama ko siya. Masaya ako. Sana siya na talaga yung makakasama ko habang buhay. Hopefully."
"Good. I'm so happy for you Kuya. :) Very happy. Sana nga magtagal kayo. Susuportahan kita all the way."
"Thanks. :)"
Pinagpatuloy lang ni Kuya ang pagda-drive ng may maalala ako.
"Kuya, kaninang nasa mall tayo habang nagtatawanan kami ni Nichole nakatingin ka sakin habang nakangiti. Bakit?"
"Aaaa. Yun ba? Parang ngayon lang ulit kasi kita nakita na tumawa. Yung tawa talaga. After how many months? 3? 4? Ngayon lang ulit kita nakita na parang walang problema. Tuwing kasama mo sila Kat at Dianne, maski si DJ at ngayon naman si Nichole. Masaya lang ako para sayo at bumalik ka na sa dating ikaw. I guess, this is a fruitful and happy day for the both of us."
Andito na pala kami sa tapat ng bahay.
"I guess."
Sana nga. Sana nga bumalik na ako sa dating ako. Siguro nakikita nila akong masaya. Pero sa loob loob ko magulong magulo padin. Maayos ko pa ba to? Sana.
BINABASA MO ANG
Admirer
RomantikAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.
