Present. .
"Ui! Okay ka lang?" Tanong sakin ni Kat.
Andito kami sa music room. At oo andito si Kat. Nakuha siya ni Carl na vocalist.
"Ha? Oo naman. Okay lang ako. Bakit?"
"E lutang na lutang nga yang ichura mo e."
"Gusto mo?" Alok ni Kat. Tumingin ako sa inaabot niya.
Kitkat. Agad ko namang kinuha.
"Smile ka naman. Parang pasan na pasan mo ang buong daigdig." Kat
Tumingin lang ako sakanya. May naalala ako.
"Bakit?" Tanong ni Kat.
"Aa. Wala. Wala." Ngumiti ako sakanya at kinain yung kitkat.
"Ako ngay?!" Tanong ni Edward.
"Sorry. Nag-iisa nalang yun e. Hehe." Sagot ni Kat.
"Guys! Pwesto na para matapos tayo ng maaga." Sigaw ni Carl. Kanya kanya naman kaming pumwesto.
At dahil bagong myembro si Kat nadagdagan din yung pangalan namin.
K&TheCaved na yung pangalan ng banda. Inaasar ko nga si Kat kasi pumangit yung pangalan ng banda nung dinagdag yung 'K'. Hahaha.
Buti nalang may bagong myembro at babae pa. Nakaksawa kasi pagmumukha nila, lalo na si Edward. Hahahaha. xD
And speaking of Edward. Ayun! Laging nagpapacute kay Kat pati din si Von. Hahaha.
Ngayon by partners kaming nagpapractice. Sabi ni Carl kelangan naming matutunan as much as possible lahat ng instruments kaya ang partner ko ngayon si Edward. Tinuturuan ko siyang mag-gitara tapos after tuturuan niya din akong mag-drums. Partners naman si Kat at Von, samantalang si AJ naman at Carl.
Seryoso lang kaming nagpapractice hanggang sa matapos kami ng 8pm.
"Let's call it a day." Sabi ni Carl.
Nagpahinga kami saglit at nag-ayos chaka kami umuwi.
~
Kinabukasan naglalakad ako sa hallway nang biglang nakita ko si Kat.
"DORA!" Sigaw ko. Hahaha. Andaming tumingin na mga tao. Agad naman siyang lumingon at lumapit sakin.
Pinalo niya ako sa braso ko. "Bastos ka talaga, okay lang sana kung hindi mo sinigaw e."
"Haha. Ui, favor nga."
"Ano yun?" Tanong niya. Ito ang gusto ko kay Kat e. Maaasahan.
"San ang alam mong gustong gustong kainan ni Meng?"
Tumingin lang siya sakin pero sumagot din naman agad.
"Lahat naman gusto nun e."
"Oo nga naman. Haha."
"Bakit? Itatakas mo nanaman ba si Meng?" Tanong niya.
"Hindi naman. Haha. Idedate ko lang siya mayang uwian." Pagkasabi ko nun parang nawala sa sarili si Kat.
"Ui!"
"Ay! Nagsasalita ka pala. Hahahaha. Tara na nga at baka ma-late pa tayo.
~
After 3 hours ng paghihintay kay Meng. Sa wakas at linuwa nadin siya nung classroom. Since 2 ang uwian ko kinailangan ko pang maghintay.
Wala kaming practice ng band ngayon kasi may kelangan daw gawin si Carl pati si Edward. Kaya ako kinuha ko na yung opportunity na to para magsama ulit kami ni Meng. Nababalitaan ko kasi na lagi silang nanununod ng practice ng basketball team pati yung mga scheduled game ng UB Cardinals.
"Hi Meng." Bati ko pagkalabas niya ng classroom.
"Hi DJ! Kamusta ka?"
"Okay lang naman ako. Meng, aayain sana kitang lumabas ngayon. Kung may time ka at kung okay lang sayo."
Natulala siya. "Uh. Mm. Okay lang naman." Sagot niya na parang hindi siya sigurado. Pero umoo na siya e, kaya wala ng bawian.
"Bye Friend! Ingat!!" Sigaw ni Kat na para bang nagpaprinig. Hindi ko siya napansin. Kasama pala siya ni Meng.
"Bye! Ingat din." Sagot ni Meng at tuluyan nang umalis si Kat.
Dinala ko siya sa isang resto na wala masyadong tao.
"Anong gusto mo? Libre ko." Sabi ko ng nakangiti.
"Sobra namanp ata to DJ. Ako naman taya ngayon. Lagi mo nalang kasi akong linilibre e."
"Ha? Hindi. Okay lang. Pramis!"
"Seryoso ako. Ako naman taya ngayon."
"Hindi. Ako na. Last na tong ililibre kita. :)"
Nagbuntong hininga siya. "Sige na nga pero after neto tara sa milky tea ha? Ililibre kita ng milk tea."
Tumango nalang ako at hindi na kumontra pa.
"So anong gusto mo?" Pag-uulit ko ng tanong.
"Mmmmmmm. Sun dried pasta, orange juice, grahams at ice cream!" Sagot niya ng masaya.
"Para ka talagang bata pag kumakain no? Chaka hilig mo ang ice cream at mga pasta."
"Masarap e. Hihi."
"Lahat naman masarap sayo e. xD"
Pumunta na ako sa cashier, umorder at nagbayad nadin agad agad para hindi maslalong makonsensya si Meng.
"Kamusta pala si Mezzo?" Tanong ko habang umu-upo.
"Okay naman na siya. Magaling yung nurse niya e. Inalagaan siya buong hapon, kaya ayun! Gumaling agad si Kuya."
"Buti naman kung ganon."
Dumating na yung order namin at kumain nadin kami. Habang kumakain ngakukwento ako ng kung ano ano hanggang mapunta sa banda.
"Ano na ulit yung bagong pangalan niyo?" Tanong ni Meng.
"K&TheCaved" sagot ko na parang natatawa.
"Haha! Sino naman nag-isip nun?"
"Si Carl. Nag-agree naman kaming lahat kasi wala din naman kaming ibang maisip. Inaasar ko nga si Kat e kasi pumangit yung pangalan namin nung sumali siya. Hahaha."
"Bastos ka naman. E kamusta naman si Kat Simula nung natanggap siya sainyo?"
"Okay lang naman siya. Fast learner. Natutunan niya agad yung bass. Chaka masaya siyang kasama. Pag practice nga siya agad yung hinahanap namin e."
"Namin? O ko? Hahahaha. Ikaw talaga!"
"Anng ko? Haha. Hindi no. We're friends. :)"
"Wushu! Friends daw. Aminin mo na kasi na may something pishy sainyo." Pang-aasar ni Meng.
"Anong something pishy na sinasabi mo? Haha. Baliw. Wala akong gusto sakanya. I value our friendship. At chaka isa pa may gusto akong iba. :)"
"Ay o? Talaga? Sino naman? Kelan pa?"
"Matagal na. Nung first day of school pa."
"O antagal na pala. Bat dimo agad sinabi sakin, parang wala naman tayong pinagsamahan. Hahaha. Joke lang. O sino na?"
"Secret. Walang clue. Bukas ko sasabihin pag sumama ka sakin. Date ulit tayo. Libre ko ulit. Pramis! Last na talaga to. Pramis!"
"Andaya naman. >.< bina-black mail mo ako.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.