Meng's POV
Umupo na ako sa dating upuan namin nila Kat at Dianne. Pero wala si Kat dahil sa kelangan nilang mag-practice para sa Fusion. Malamang wala din si DJ.
"Friend? Okay ka lang? May nangyari ba?" Tanong ni Dianne na ngayong nakatingin sa mga mata ko. "Yung mata mo ka----"
"Huh?" Napatingin ako sakanya ng pagtataka.
"Yung mata mo kako parang umiyak ka buong gabi." Pag-uulit ni Dianne.
Agad kong linabas yung phone ko at tinignan yung reflection ko sa phone ko. "Hindi. Inaantok ako. Nagpuyat ako. Hehe. Malapit nadin kasi finals natin. You know. Kelangan nang magsunog ng kilay."
"Sunog na nga yung akin e." Sabi niya sabay hawak sa kilay niya. At natawa kaming dalawa. "Pero seryoso? Anong nangyari? Alam mo, hindi ka makakapag sinungaling sakin." At ngumiti siya.
"A. . Ano kas---"
"Okay lang din kahit wag mo munang sabihin sakin. Sabihin mo nalang pag ready ka na. Gusto ko lang na malaman mo na andito lang ako. Kami ni Kat."
"Thanks." At nagpapasalamat talaga ako sakanila. Ano nalang mangyayari sakin pag wala sila sa bubay ko?
Sakto namang dumating si Sir at agad na nagtawag ng mga pangalan para sa attendance.
"Constantino"
"Sir"
"Felicio"
"Present Sir"
"Aguilar"
"Present Sir" Hingal na sabi ni Niko.
"Aaah. Just in time. You may now sit."
Pinagpatuloy lang ni Sir ang pagtawag sa mga estudyante.
At naglakad na si Niko papunta sa likod ng classroom nang nakatitig sakin. Ramdam ko yun. Alam ko kahit na hindi ako nakatingin sakanya.
Ngayon ko lang ulit siya nakita. Feeling ko sampung taon ko siyang hindi nakita. Part of me, namimiss ko siya nang sobra, gusto ko siyang yakapin. Pero pinigilan ko yung sarili ko. The other part of me wanted to yell at him. Gusto kong magalit sakanya. Pero bakit ganto? Hindi ko kaya? Ang hirap.
Nararamdaman ko nanamang tutulo na yung luha ko at agad kong pinunasan gamit ang likod ng kamay ko.
Hindi. Ayokong umiyak dito. Ayokong magmukhang kaawa awa. Imbes na umiyak ako nakinig nalang ako at nag-take notes para madistract sarili ko pero mukhang hindi effective dahil napapatulala ako.
Bigla akong siniko ni Dianne. At napatingin ako sakanya mula sa pagkakatig ko sa shoes ko. Napatingin din ako sa paligid ko, tapos na pala yung unang klase.
"Mm?" Pagtatanong ko.
At tinuro niya sakin sa harap ko ang nakatayong Niko.
Napatayo ako bigla. Hindi ko inaasahang lalapit siya sakin. Biglang na-blanko yung isip ko. Hindi ko alam ang gagawin. Pero buti nalang siya ang unang nagsalita.
"Mezziya." Sabi ni Niko ng malungkot na may halong care. Miss ko na yung tawag niya sakin na ganyan. "Usa--"
"Found you!" Sabi ni Nichole kay Niko sabay kapit sa braso niya na parang hindi ako nakikita na kausap yung tao. "Tara sabay na tayo punta sa next class. Anong ginawa niyo dito?" Pumunta siya sa harap ko para matakpan ako sa pakikipag-usap ko kay Niko. Umalis na ako sa kinatatayuan ko.
"Friend, tara na. Male-late tayo." Sabi ko kay Dianne na. Pagtingin ko sakanya nakatingin siya kay Niko at Nichole na magkasalubong yung kilay. Maya maya pa ay inis at siguro galit yung naging ichura ni Dianne. Gets na niya siguro kung bakit ako hindi okay.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.