Chapter 8 Mezziya (Meng)

53 4 0
                                        

"Bye Kuya! See you mayang uwian"

Lumapit si Kuya sakin at hinalikan ako sa ulo. Haha. Sweet talaga ni Kuya. Ganyan yan. Mahilig humalik sa noo. Ako pa naman malawak yung noo ko. Hahahahaha.

"Bye Meng. Ingat ka ha? Paki-ingatan siya Katkat at Dianne please." Oha? caring pa ng Kuya ko. 

"Wag kang mag-alala Kuya. Si Dianne lang naman yung hindi nag-iingat samin kasi laging nakatitig sa--" Naputol ang pagsasalita ni Katkat ng sumingit bigla si Dianne.

"Opo. Opo. Iingatan namin si Meng" Nagmamadaling pagsasalita ni Dianne.

"Salamat!" Sigaw ni Kuya at tuluyan na siyang umalis.

Nung mejo nakalayo layo na yung Kuya ko bigla nanamang nawala yung pagkatahimik ni Dianne at bigla nanaman siyang naging wild. -_- Galing niya mag-transform grabe. Hahaha.

"Friend!! Ang pogi ng Kuya mo Friend!! Grabe! Waaaaaaaa!!" Sigaw ni Dianne na may kasamang emotions na poging pogi sa Kuya ko. Parang gigil na gigil ba. Hahahaha

"Hahaha. O bakit bigla ka atang umingay?" Sabi ko na may pa-poker face effect.

"Eh kasi hiyang hiya ako kanina e. Ang pogi kasi ng Kuya mo." Sabi naman ni Dianne na nagpapacute. Haynako tong babaitang to. Hahaha.

"Haha. Sabi na nga ba e. Crush mo si Kuya no? Ikaw ah." Sabi ko naman. Halatang halata na kasi siya eh.

"Slight. Hihi. Grabe! Pogiiiiii!" Sagot naman ni Dianne.

"Slight daw. Dami mong alam. Haha. Baliw! Tara na nga at malapit ng mag time." Pagsasaway naman samin ni Katkat.

Umalis na kami sa food court at naglakad papuntang classroom namin.

Nagkukwentuhan kami nila Katkat at Dianne. Pagkapasok namin napansin kong nakatingin nanaman yung DJ na yun. Ano bang meron sakanya at bakit ganyan siya kung makatitig. Parang mawawala ako. Tsk. Nakakabanas na talaga. Hindi ako sanay ng tinititigan. Nakakainis! Nakaka-imbyerna! 

Pinabayaan ko nalang siya at umupo na sa harapan. Tumabi naman sila Katkat at Dianne.

"Uy Friend! Ang lagkit ng tingin sayo ni DJ ah." Sabi sakin ni Dianne, sabay siko sa tagiliran ko. Natahimik naman si Katkat.

"Tsk. Yanga eh. Nakakainis na. Bayaan mo na yun." Sabi ko na may deadma effect.

Pumasok naman agad yung Instructor namin. Kasunod niya si Niko. Patay! Oo pala. Kaklase ko siya ngayon. Langya! Hindi ako makakapag-concentrate. Naalala ko nananman yung kahapon. Nakakahiya talaga. >.< Hay! Bahala na! Act normal nalang Meng. Tao lang yan na pogi. Ay! Haha. Joke lang. Focus sa pag-aaral Meng. Focus! Dibale isang oras lang naman to. Woooooo! Go Meng!

Parehas kami ni Dianne. Tahimik pag anjan si Crush. Ewan ko ba kung bakit ganun. Pero ako tahimik pero kaya kong mag-act ng normal para hindi mahalata. Kahit gano pa ka-pogi si Niko kelangan kong pigilan ang sarili ko para hindi niya mahalata.

Oo crush ko siya. Crush na crush. Haaaay. 

Langya! Nung First day, unang tingin ko palang sakanya, na-starstruck na ako. Maslalo na nung napanuod ko siyang maglaro ng basketball. Nung mga oras na naglalaro siya, lagi siyang tumitingin sakin, ewan ko ba kung ako talaga o yung mga babaeng katabi ko. Waaaa! Ayoko nang maalala yun! Kinikilig ako na ewan. Oo pogi siya at nakaka-attract pero hanggang dun nalang yun. Hanggang crush lang Meng. Yun yung promise ko sa sarili ko. Hanggang crush nalang. Ayoko nang magmahal. Period!

Bago pa siya maglakad napatingin siya sakin. Tama ba? Ako ba yung tinignan niya? O duling siya? Haha. Joke. Pero ako ba talaga yun? OMG! 

Siniko ako ni Dianne at Katkat. Nakita din nila. So ako nga? Waaaaaa! Ano ba yan???!! Buset naman oh. Pero ang weird, bat naman siya titingin sakin? Haynako, baka naman napatingin lang. Masyado naman kasi ako mag-isip. Buti nalang andito ako sa harap hindi ako madidistract. Good.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon