Chapter 33 David Jay (DJ)

25 1 0
                                        

(Continuation of flashback in Chapter 28)

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil kay Nichole.

Tinignan ko yung phone ko kung may text siya pero wala talaga.

Nakatanggap lang ako ng message mula sa school, nag-champion daw yung banda namin. Hindi ko manlang naranasan yung saya.

Nagsimula na akong mag-prepare para sa school. Parang wala ako sa sarili. Yung toothbrush ko na may toothpaste sinawsaw ko sa milo ko. -_-

After 45 minutes na paghahanda at 15 minutes na pagdadrive nakarating din ako sa school.

Pagpasok na pagpasok ko sa gate ng school sari saring bati ang natatanggap ko. Bumabati sila. Meron yung ibang babae nagpapapicture pa.

Trinay ko yung best ko na ngumiti at makisalamuha sakanila.

After ng meet and greet session ko pumasok na ako sa classroom ko. Lahat ng atensyon napunta sakin. Hindi ko nga alam gagawin ko e. Hindi ako sanay na maging sentro ng atensyon.

Hinanap ko si Nichole, pero hindi siya pumasok.

Umupo nalang ako sa pinaka-likod ng classroom kung san din kami umu-upo ni Nichole dati.

Haaaaay. San na ba kasi yun?

Lunch break na. Sa buong klase ko wala akong naintindihan.

San kaya ako pupunta? Wala naman akong ganang kumain.

After ilang minutes napag-isipan kong dun nalang ako sa SM. Dun sa wala masyadong tao at may view.

Ilang minuto pa ay nakarating din ako dun pinark ko yung sasakyan ko at pumasok na sa loob.

Papasok palang ako parang gusto ko nang lumabas. Totoo ba tong nakikita ko? O Wala lang ba talaga ako sa sarili ko.

Nakita kong magkasama si Nichole at Niko.

Galit ang una kong naramdaman.

Masaya sila. Masayang masaya. Siya ba? Si Niko ba ang dahilan kung bakit niya ako iniwan?

Gusto kong sugurin si Niko at suntukin. Pero pinigilan ko sarili ko.

Sobrang sakit.

Hindi ko alam ang gagawin ko. First time ko sa mga gantong bagay. Duwag ba ako? O aanga anga ako kasi una nagpaniwala ako sakanya.

Bumalik ako sa sasakyan ko at umuwi.

Pagdating ko sa bahay nagkulong ako. Hindi ko na pinasukan yung pang-hapon na klase ko.

Gusto kong magwala, sumuntok ng tao, pero alam ko namang walang magagawa yun.

Humiga ako. Tumitig ako sa ceiling. Ang dami daming tanong sa utak ko.

Bakit niya ako iniwan? Bakit sila magkasama ni Niko? Sila na ba? Kelan pa? Nagjojoke lang ba si Nichole nung sinagot niya ako?

Ipinikit ko yung mga mata ko.

~

Kinabukasan sa school, gaya ng nangyari kahapon ang dami pading bumati at mga nagpapicture. Pumasok ako ng klase na may kasamang tilian ng mga babae pero hindi ko sila pinakealaman.

Nakayuko akong pumunta sa pinaka-likod ng classroom.

Inangat ko yung ulo ko nung malapit na ako.

Andun si Nichole naka-upo sa dati naming upuan. Napaka-blanko nung ichura niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko pero naglakad din ako agad papunta sakanya.

Hinila ko agad siya at lumabas kami ng classroom. Alam kong maraming nakakita pero wala akong pakialam.

Lumabas kami ng building hanggang sa makapunta kami sa likod ng school kung san wala masyadong tao. Kanina pa siya nagpupumiglas at nagrereklamo. Pero pinapabayaan ko lang siya.

"DJ, ano ba!!! Ano bang problema mo?!!" Sigaw niya.

"IKAW! IKAW NICHOLE!! Bigla bigla ka nalang nawala after nung nag perform ako. Hinanap kita. Hinanap kita Nichole. Ilang oras kitang hinanap. Ilang beses akong nagtext sayo. Ilang beses akong tumawag sayo. Minessage ko lahat ng friends mo sa FB at kung sino sino pa ang tinext ko mahanap ka lang. Pero kahit saan ako magpunta, kahit anong gawin ko, hindi padin kita mahanap. Tapos kahapon" Tumigil ako saglit. Nakita kong nanlaki yung mga mata niya. "Kahapon nakita ko kayo ni Niko na magkasama. Ang saya niyo. Nakakainggit. Sabihin mo nga sakin Nichole, bakit moko iniwan? Dahil ba kay Niko? Ha? Dahi---"

"OO DAHIL KAY NIKO! Siya ang pinili ko kesa sayo." Pagkasabi niya yun umalis na siya.

Naiwan ako dun ng nakatunganga. Ganun ganun nalang yun? Pasasayahin niya ako pahuhulugin tapos iiwan na parang laruan. May magagawa pa ba ako e pinili na niya si Niko. Hindi naman ako basta basta nalang magagalit kay Niko kasi wala naman siyang ginawang masama sakin.

Ayoko na. Hindi ko paiiralin ang pagmumkmok dahil wala rin namang maidudulot na maganda sakin yun. Ipapakita ko na hindi ako yung taong basta basta nalang tinatapakan, kahit sobrang sakit nung ginawa niya.

Ilang minuto pa akong nakatayo dun hanggang sa may nag-abot sakin ng bite size na chocolate na Kitkat, may note din na nakadikit. 'Smile' yung nakalagay.

Pero hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko din tinignan kung sino yun. Masama na ako kung masama pero wala ako sa mood ngayon.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at iniwan ko kung sino man yung nag-aalok sakin nung chocolate.

Tama siya. Mag-smile lang ako. Hindi dahil sa pinagtatakpan ko yung lungkot ko pero kelangan ko nang makalimot at mag-move on sa buhay. Mas importante pa ang pag-aaral ko.

Kinagabihan hindi ulit ako nakatulog ng mabuti. Kaya ginawa kong busy yung sarili ko. Nagbabad ako sa laptop ko. FB lang ako ng FB. Inaccept ko lahat ng nag-add sakin. Rineplyan ko lahat ng nagmemessage sakin. Pero may mga nagtanong din kung naging kami ni Nichole, wala akong maisip na mairereply kaya hinayaan ko nalang. Obvious naman na sila na ni Niko kaya mahahalata din nila yun.

Kinabukasan, pagkagising ko namumugto yung mga mata ko dahil sa sobrang puyat ko. Hinayaan ko nalang yun at naghanda na.


~

Pagpasok ko sa classroom umupo na ako sa harap. Hindi na ako tumingin pa sa likod kung andun si Nichole o wala. Hindi naman sa bitter ako at walang pakialam pero para san pa at tatabihan ko siya. Ayaw ko munang tumabi sakanya. Hindi pa ako ready. Kelangan ko muna ng panahon.

Kahit nasa harapan ako wala padin akong maintindihan sa pinagsasabi nung instructor. Nung nagbigay siya ng seat work natagalan pa akong sagutan yun.

Sa lahat ng klase nakatunganga lang ako sa instructor na parang nakikinig. Alalang alala ko padin yung nangyari kahapon. Hindi tlaga ako makapaniwala na ganun ganun nalang yun.

Nung lunch na. Nakita ko sila Nichole at Niko sa food court. Nakita naman nila ako pero umiwas agad ng tingin si Nichole. Si Niko naman nakatingin padin, biglamg nagsalubong yung kilay niya. Tumingin siya kay Nichole at may sinabi.

Bakit habang tumatagal maslalong sumasakit. Pag nakikita ko sila maslalong lumalalim yung galit ko. Pero kahit na sobra yung galit ko hindi ko parin maiwasang mag-alala kay Nichole.

Araw araw ganun at ganun nalang ang nagyayari sa buhay ko. Uupo ako sa harap ng klase. Magla-lunch. Pag-uwi gitara at pagkanta nalang ang inaatupag ko hanggang sa nakalalimutan ko na ng tuluyan si Nichole. Mas nakakpag-focus ako sa pag-aaral ko pati sa paggigitara at pagkanta ko. At kung dati sobrang tahimik ko, ngayon sobrang daldal ko na, lumabas yung pagka-kulit ko.

Nakikita ko padin sila Niko at Nichole na magkasama hanggang sa isang araw ay nalaman ko na wala na sila. Hindi ko na inalam yung dahilan. Una, wala na talaga akong pakialam. Pangalawa, wala naman talaga akong karapatan na makisawsaw pa kaya hinayaan ko nalang sila.

Sa mga sumunod na araw nabalitaan kong mag-aaral na sa America si Nichole.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon